“TELL our other employees to please go back to work. Alam kong nagtsitsismisan na naman `yang mga `yan. Ayokong kapag nag-ikot ako, para na namang showbiz talkshow sa bawat floor.” Pinanood ni Margaux kung paano tumango lang nang tumango si Nikka sa mga bilin ni Zeid. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang malalagkit na tingin ng malanding secretary sa boss nito. “And please, order some food for us. Pakitanong na lang si Marge kung anong gusto niya,” pagtatapos nito sa mga bilin nito. In all fairness kay Zeid. Napaka-chill lang nitong boss. Hindi naninigaw. Hindi namamahiya. Hindi rin ito mahilig magbigay ng trabaho sa secretary nito dahil ilang beses niyang narinig mula rito na ito na ang gagawa ng ibang kailangang gawin. Nilingon siya ni Zeid. Komportable lang siyang nakaupo sa co

