HINDI makatulog si Margaux. Pakiramdam niya ay hindi siya safe sa kwarto na iyon. Ipinagamit sa kanya ni Zeid ang kwarto nito at sa guest room na lang daw muna ito matutulog. Okay lang naman sa kanya iyon. In fact, pabor sa kanya dahil malaki ang kama at komportable siya sa kwarto nito. She could sleep like a queen. But there she was, having a very hard time to sleep on her own. Natatakot siya. Kung anu-anong nai-imagine niya. Kung anu-anong naglalaro sa isip niya. Paano kung malaman ni Erwin na nasa bahay siya ni Zeid? Paano kung bigla nitong basagin ang bintana at makapasok ito? Paano kung hindi siya marinig ni Zeid? Nanlalamig siya sa naiisip. Gising na gising ang diwa niya. Dinampot niya sa tabi ng lampshade ang phone niya. Sinipat niya ang oras. Maga-alas dies pa lang ng gabi. Gis

