MABIGAT ang pakiramdam ni Margaux. Hirap siyang idilat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit parang bugbog na bugbog ang katawan niya. Natulala siya sa kisame nang tuluyan niya nang mabuksan ang mga talukap ng mga mata. Pakiramdam niya ay nasa ibang lugar siya. Iba ang structure ng kisame. Iba ang kulay ng pintura. Ang alam niya, cream ang kulay ng silid niya. Hindi puti. Bumangon siya at napasandal sa headboard ng kama. Masakit talaga ang ulo niya. Hindi niya rin alam kung anong oras na. Luminga-linga si Margaux sa paligid. Noon niya lang na-confirm. Wala nga siya sa kwarto niya. Malaki ang kwarto. Tiningnan niya ang hinihigaang kama. Kulay maroon ang mga unan at ang kumot. At... nakasuot siya ng damit na hindi naman kanya. She was wearing a black pajama. She started to panic. Na k

