JESUSA POV
"HUBAD."
KINAIN ng kaba ang dibdib ko dahil sa utos ni Seraphim, idagdag pa ang madilim na anyo nito at matalim na tingin na para bang manlalapa kung hindi ako susunod sa nais nito.
"B-Bakit ako maghuhubad?" kabado kong tanong.
Napabuga ng hininga si Sera sabay ikot ng mga mata nito.
"Of course ! Basa ang damit mo kaya hubarin mo. Ang slow mo, Babae," tila naiinis na saad ni Sera saka hinagis sakin ang isang long sleeve polo na kulay puti. "Wear this--"
Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam pero nawala bigla ang kaba ko. Napatingin ako sa polo na binigay ni Sera saka inamoy iyon. Ang bango, panlalaki ang pabango nito subalit hindi matapang ang amoy, masarap sa ilong ang amoy ng bango nito.
"That's clean. I haven't used it yet."
"Ha?"
"Just wear it. Bilisan mo magpalit. Nag-order ako ng pagkain para sa'yo."
Tumango na lamang ako. Nang iwan na ako ni Sera saka ako naghubad ng suot kong damit. Inalis ko pati ang suot kong bra dahil basang basa rin. Isusuot ko pa lang sana ang polo nang biglang bumukas ang pinto at sumulpot si Sera. Bakas sa mukha nito ang gulat dahil sa naabutan, habang ako... nakatanga at nakatameme.
Umiwas ng tingin si Sera sakin at mahinang napaubo sabay abot sakin ng isang maliit na paper bag. Kinuha ko 'yon saka lang sinarado ni Sera ang pinto na para bang walang nakita o ano man.
Pakiramdam ko tuloy, pulang pula na ang mukha ko sa hiya. Kung bakit ba naman kasi hindi kumakatok bago buksan ang pinto. Huminga ako ng malalim. Walang masama, mag asawa naman na silang dalawa. Magiging normal din ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Sera.
Ang laman ng maliit na paper bag ay underwear. Kulay itim na bra at panty na saktong sakto lang sakin. Napangiti ako at pinagpatuloy na ang pagbibihis.
Paglabas ko sa pribadong kwarto ni Sera, naabutan ko siyang abala sa pagpipirma ng maraming papel. Napansin ko ang pagkain na nasa center table. Amoy fried chicken !
Hindi na ko nag patumpik tumpik pa. Kanina pa kasi kumakalam ang tiyan ko kaya nilantakan ko agad ang pagkain na inorder ni Sera.
"T-Thank you, Asawa ko–" sabi ko habang ngumunguya.
"Don't talk when your mouth is full," anito na hindi tumitingin sakin.
Nagkibit balikat lang ako at pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa mabusog ako at makaramdam ng antok. Hindi ko namalayan na napahiga na pala ako sa mahabang sofa at nakaidlip.
Pagmulat ko ng mga mata, blurred ang paningin ko. Nakahiga na ako sa isang malambot na kama. Inilibot ko ang tingin ko, naroon si Sera nakatayo banda sa pinto at may kausap na matandang lalaki.
"Painumin mo siya ng maraming tubig. Nandyan na rin ang mga gamot na nireseta ko. Aalis na ako, Mr. Morningstar."
Tumango lang si Sera sabay lumingon sakin. Seryoso ang mukha nito. Ano bang nangyari?
Lumapit si Sera sa gilid ng kama. Nagpamulsa ito habang nakatunghay sakin.
"A-Anong nangyari?" namamaos ang boses ko. Nahirapan din akong lumunok ng laway.
"Isa kang mahinang nilalang, Babae. Nilalagnat ka."
Nilalagnat ako? Hmm, marahil sa tagal kong nababad sa ulan kaya nilagnat ako.
Nalukot ang noo ko na tumingala kay Sera.
"Lagnat lang, mahinang nilalang na agad?"
Napapailing si Sera sabay turo sa side table. Naroon ang mga gamot at isang malaking bottled water.
"Gamutin mo sarili mo. Laklakin mo 'yan mga gamot para gumaling ka agad."
"Ang lambing mo masyado, Asawa ko," sarkastikong sabi ko at inirapan ito.
"Marami akong gagawin. Ayoko ng naaabala–"
Hindi ako kumibo. Wala ako sa mood patulan ang masungit na Anghel na to. Pumikit na lang ako muli at natulog. Nanghihina pa ang pakiramdam ko, buong katawan ko parang nanginginig pa.
Nang sumunod na pagdilat ko, kitang kita ko na buhat buhat ako ni Sera. Napangiti ako sa kaalaman, hindi rin naman pala ako matiis ng asawa kong mukhang anghel lang pero di asal anghel.
Ramdam ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Nang tuluyan magising ako, napansin kong naroon ako sa kwarto ni Sera sa malaking bahay nito.
"Inuwi na kita ang tagal mong magising, Babae. Nagugutom ka ba?"
Pinilit kong mapaupo sa kama at isandal ang likod sa headboard.
"Nagugutom ako–"
"May darating na pagkain mamaya, antayin mo. Kailangan ko lang lumabas. Babalik rin ako."
Hindi na nito inantay na magsalita ako, bigla na lang itong nawala. Napabuntong hininga na lamang ako. Mayamaya ay bumukas ang pinto at ang nakangiting mukha ni Azrael ang bumungad sakin na may dalang tray.
"Balita ko may sakit ka, mamamatay ka na ba?"
Napangiwi ako. Joke ba 'yon o totoo?
Malakas na tumawa ito at nilagay ang tray sa tabi ko.
"Biro lang 'yon."
Napahugot ako ng paghinga at pilit na ngumiti. "Buhay pa ako. Salamat."
"Good to hear that. Narito na ang soup at tinapay na pinapadala ng asawa mo sayo. Kumain ka na."
"S-Salamat–"
Ngunit imbes umalis si Azrael, nanatili lamang itong nakatayo malapit sa kama at pinagmamasdan ako habang kumakain. Nakakailang kaya napasulyap ako sa kanya.
"Masarap?" kapagkuwa'y usisa nito.
Tumango naman ako kahit nagtataka.
Ngumiti ito. "Sige, kain ka lang. Sabi ng asawa mo, bantayan daw kita–"
Bantayan?
"B-Bakit? Lagnat lang naman 'to. Magiging okay rin ako."
Nagkibit balikat naman si Azrael.
"Hindi ko alam. Siguro, nag aalala lang siya sayo. Alam mo, isa sa mga katangian namin mga Anghel.. hindi kami nagkakasakit," pagmamayabang na sabi nito.
"Sana all–"
Malungkot akong napangiti. "Masaya siguro sa pakiramdam na maging katulad nyo... malakas, hindi magkakasakit, hindi dadapuan ng cancer o kahit anong virus sa mundo. Buti pa kayo–"
"Hmm, masaya?" napaupo sa gilid ng kama hinihigaan ko si Azrael. "Masaya bang makita mo kung paano mamatay ang isang tao? Masaya bang malaman na huling araw na nila sa mundo at wala kang magawa para baguhin 'yon? Masaya ba 'yon? I don't think so. Sa una siguro masaya pero sa katagalan, nakakapagod din at nakakabagot na–"
Pinagmasdan ko ang malungkot na mukha ni Azrael. May punto rin ito. Hindi ko maiwasan mapangiti. Totoo nga pala talagang, lahat pantay pantay.
"Kwentuhan mo nga ako. Anong ginagawa mo sa tuwing may sinusundo ka?
Nagbago ang mood ng mukha nito naging maaliwalas na uli sabay humarap sakin. Parang batang excited na magkwento ito, halos lahat na yata ng nakakatawang naging karanasan nito sa pagiging Anghel ng kamatayan ay nabanggit na nito sakin.
Masaya ako na kahit papaano, nawala ang lungkot at pagkainip na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.