NINE

1224 Words
SERAPHIM POV UNDERGROUND BOXING o mas kilala sa tawag na dirty boxing. Isang ilegal na laro o walang pahintulot sa ahensiya ng gobyerno. Maraming tao ng gabing iyon, halos mapuno ang lugar sa daming taong nanunuod at nakikitaya. Milyon ang tinataya ng mga taong naroon kaya hindi basta basta ang mga sumasali o naglalaro sa gitna. Patay kung patay ang labanan. Napatingin ako sa fighting ring o fighting pit. Kung saan may dalawang lalaki ang naglalaban para manalo. "Sino ang taya ng mga smokers?" kapagkuwa'y tanong ko sa isang tauhan ko habang naglalakad ako patungo sa VIP room. Smokers ang tawag sa mga matataas na opisyal o mga bilyonaryong negosyante na malalaki kung tumaya. "Si Dark, Boss Phim–" sagot ng tauhan ko na nakasunod lang sa likod ko. "Magkano ang pot prize?" "Twenty five million, Boss." Kumunot ang noo ko. Bakit mababa? "Sinong kalaban ni Dark?" "Korean guy, Boss." Tsk, that's why... Napasulyap ako sa malaking screen kung saan mas kitang kita ang mukha ng mga manlalaro sa loob ng fighting pit. Payatot ang koreano kalaban ni Dark, walang thrill. Halatang alam na kung sino ang mananalo. Boring. Nakarating na ako sa VIP room. Ako ang founder ng underground boxing na ito, inumpisahan ko ang ganitong klaseng laro para sa pansariling libangan lang. Hindi ko akalain na susuportahan ito ng mga taong sabik sa pera at karahasan. Mayamaya pa ay naghiyawan na ang mga tao. Halos dumagundong sa ingay ang lugar dahil sa malalakas na sigawan ng mga tao. Panalo si Dark. Ngumisi ako. "Maglalaro ba kayo, Boss Phim?" tanong sakin ng tauhan ko. Tumaas ang sulok ng labi ko. Lingid sa kaalaman ng lahat ng smokers, maging ibang manlalaro. Walang nakakaalam kung sino ako sa mundo ng underground boxing. Wala pang nakakakita sa mukha ko, dahil madalas akong nakasuot ng maskara. Hinubad ko ang suot kong coat and tie saka sumilay ang mala-demonyóng ngisi sa labi ko. "Y-Yeah... Lucifer is back. I am back," kumislap ang sulok ng mga mata ko habang nakatingin sa fighting pít. "FOR OUR final match tonight... making his return to the fighting ring... Everyone, scream for our first fighter... Lucifer!!" malakas na wika ng announcer sa code name ko sa ring. Lumakas ang hiyawan at malalakas na sigawan nang lumabas na ako saka magtungo sa gitna ng fighting ring. Nakasuot ako ng itim na boxing trunks, walang pang itaas na damit at maskara na itim. Lucifer ! Lucifer ! Lucifer ! Naririnig ko ang pagsigaw at pagtawag sa pangalan ko ng mga tao. Mula sa twenty five milyon pot prize tumaas iyon ng isang daan milyon. Napangisi ako. Not bad. Para sakin ehersisyo ngayon gabi. "Moving on to our second fighter. With a string of back-to-back victories, he is our player of the week... It’s none other than... Mister Zilong!!" Pagkatapos magsalita ng announcer, lumabas na rin ang makakalaban ko. Malaking tao ito parang si Shaquille O'Neal ang datingan nito. Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. Mukha naman tatagal ng limang minuto ito. Nagkibit balikat na lang ako. Para may thrill ang ehersisyo ko, hindi ako gagamit ng kahit anong lakas ko. Sakto lang mga 1% para pantay at walang halong hokus pokus. Tumunog na ang bell. Hudyat na kailangan nang mag simula ang laban nila. Hmm, Mister Zilong. Never heard of this big man. Medyo matagal tagal na din kasi ang huling punta ko doon. Pumagitna na ako at gayon din si Mister Zilong. "Anong meron sa maskara mo, feeling pogi?" nang uuyam na sita sakin ng malaking lalaki sa harapan ko. Umingos ako. "Baka ma-distract ka sa kagwapuhan ko kaya tinago ko muna," banat ko. Mapang asar na tumawa si Mister Zilong sabay udyok ng sipa sa mukha ko subalit mabilis akong nakailag. Multitasking pala ang kumag. Nakikipagchikahan habang sumisipa. Hmmm. "Babangasan ko 'yan mukha mo pogi para habang buhay mo na lang itago–" untag nito sabay nagpakawala ng double kick na tumama sa braso ko. Na-out-of-balance ako konti. Lumakas ang hiyawan ng mga nanunuod. Pinagpag ko ang brasong natamaan. Malakas din sumipa ang kumag. Ngumisi ako. Exciting. Sa larong ito ay pwede gumamit ng kahit anong istilo sa pakikipaglaban. Boxing, karate o muay thai techniques o kahit ano. Humanda uli ito para bigyan ako ng isang malakas na side kick na kaagad tumama sa balakang ko. Napaatras ako. Bumalandra ako sa gilid ng ring. Holy shít ! "Ano na pogi? Sayang ang katawan mo kung puro tayo lang gagawin mo–" nang aasar na sabi ni Mister Zilong sakin. Humugot ako ng malalim na paghinga at matalim na pinukol ng tingin ang lalaking kaharap. Ang sabi ko 1% lang ang gagamitin ko. Tsk ! Sige, 10% na nga !! "I didn’t become the King of Hell for nothing! I won't let the name LUCIFER go to waste!" nanggagalaiting sikmat ko. Hinayaan kong lumapit uli ang kalaban sakin. Alam kong gagamitan ako nito nang mabilis na turning kick subalit nasalag ko ito sabay tulak rito. Tumilapon si Mister Zilong sa gilid ng ring. Plakda ang gagó ! Simpleng tulak lang 'yon. Malakas na nagsigawan ang lahat. Lumapit ako sa plakdang lalaki. Hindi na ito makatayo dahil bali na ang tadyang nito. Namimilipit na ito sa sakit. Kumiling-kiling ang ulo ko. Tsk. "Partida 10% pa lang ang ginamit ko sayo, tsk–" pabulong na saad ko. "Final match update... we have our champion... give it up for LUCIFER!!!" Naghiyawan ang lahat. Easy money 'di ba? Tumingin ako sa oras na nasa malaking screen. Wala pang limang minuto, natapos na ang laban. Isang round pa lang. Isang daan milyon na agad 'yon. Kinuha ko ang champion belt na binigay sakin at kaagad na bumaba sa ring. Sinalubong naman agad ako ng mga tauhan ko. Inabutan ako ng puting towel na kinuha ko saka pinunas sa basang katawan ko. Bumalik ako sa VIP room para ayusin ang damit ko nang may tila nagmamaoy sa labas ng VIP room. Lumapit ang isang tauhan ko sakin. "Boss Phim, may gustong kumausap sayo," wika ng tauhan ko na kinalukot ng noo ko. Sumenyas ako para hayaan makapasok kung sino man ang tinutukoy ng mga ito. Mayamaya pa ay sumulpot sa harapan ko ang isang matangkad na lalaki. Nagpamulsa ako. Kilala ko ang lalaki. Ito ang lalaking naglalaro kanina. Si Dark. "Nakita ko ang ginawa mo. Paano mo nagawang talunin si Zilong sa isang tulak lang?" Tumikwas ang kilay ko dahil sa diretsahan tanong nito. "Alam ko na alam mo ang tinutukoy ko. Lagi kitang pinapanuod sa tuwing may laban ka. Kakaiba ang lakas mo... na para bang hindi ka... tao. B-Bampira ka ba?" Muntikan na ako matumba dahil sa huling tanong nito. Kumurap kurap ako sa lalaking walang katinag-tinag sa harapan ko. Wala akong naaamoy na takot o pag aalinlangan sa taong ito. Bumuntong hininga ako. "Bata– hindi ako bampira. Kaka-cellphone mo 'yan. Alis na–" sumenyas ako sa mga tauhan ko para paalisin ang lalaki. Pilit itong pumapalag. "H-Hindi ako naniniwala. Hindi ka ordinaryo. Alam ko 'yon. Kahit di ka umamin alam–" Naiiling ako. Hindi na natuloy ang iba pang sinasabi ng lalaki dahil kinaladkad na ito ng tauhan ko. Tsk, mukha ba akong bampira? Bobó lang ang naniniwala sa mga bampíra. Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Isay. Ano na kaya ang ginagawa ng babaeng 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD