JESUSA POV
NAGKAROON NG MALAKING SUNOG na ikinasawi ng maraming tao. Ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ko, bat ako sumama kay Azrael ng mga oras na iyon. Boring kasi wala pa si Sera.
Tumingala ako sa langit. Natatanaw ko si Azrael na napapalibutan ng maraming puting usok. Hindi yon usok na nagmula sa sunog kun'di usok mula sa mga taong nasawi.
Ang bigat sa dibdib kaya napaupo sa isang maliit na tindahan habang nagmamasid sa mga nagkakagulong tao sa paligid.
Mayamaya pa ay bumalik si Azrael sa tabi ko. Tumingala ako rito. Kumunot ang noo sa gwapong mukha nito.
"Bakit, Isay?"
Umiling ako. "Bigat sa dibdib. Maraming namatáy–" komento ko.
"Kapalaran ng tao 'yon. Wala na akong magagawa pa," maiksing tugon ni Azrael.
"Minsan ba... naisip mong... pigilan? Kunwari, ililigtas mo 'yon mga tao para di sila mamatay?"
Malakas na tumawa si Azrael na para bang joke ang sinabi ko.
"Hindi ako superman, Isay. At mas lalong, di ako Diyos. Angel of Death ako, di ako member ng Xmen," ngiting ngiti sabi nito sakin.
Ngumuso ako. "E, paano kung taong mahal mo ang mamamatày, hahayaan mo lang ba sya mawala o ililigtas mo sya?"
Ginulo ni Azrael ang buhok ko saka hinawakan ang isang braso ko.
"Daldal mo, kaya naiinis sayo si Oriel e–"
Ngumuso uli ako nang pinatayo na ako ni Azrael. "Uuwi na ba tayo? Nasaan ba talaga nagpunta si Sera?"
"Malay ko. Tanong mo sa asawa mo mamaya pag nakita mo. Tara na, uwi na tayo–"
Luminga linga ako sa paligid. Naapula na pala ang sunog. Dagsa ang maraming truck ng bumbero at maraming gamit na nakatambak sa paligid.
"H-Huminto na ang sunog?" kapagkuwa'y tanong ko.
"Oo, tara na."
Kumapit na ako sa braso ni Azrael saka naglakad na sila palayo. Hindi pa man sila nakakarating sa sasakyan ni Azrael ng may humintong kotse sa harapan nila.
Bumaba ang bintana sa passenger seat. Namilog ang mata ko ng mabungaran si Sera na madilim ang anyo.
"A-Asawa ko !–" sumilip ako sa bintana at matamis na ngumiti kay Sera.
"Sinong may sabi sayo, pwede mong bitbitin kahit saan ang asawa ko?" gumalaw ang panga nito tanda ng tinitimping galit na nakatingin kay Azrael.
Sumulyap ako kay Azrael. Nagkibit balikat lamang ito at nagpamulsa.
"Hindi mo ako masisindak, Seraphim."
Napangiwi ako. Mukhang nagseselos yata ang asawa ko. Tsk ! Malamang magagalit dahil may kasama akong ibang lalaki. Binuksan ko agad ang pinto ng kotse, walang habas na sumakay at tumabi kay Sera sa passenger seat.
Ngumiti ako kay Azrael at kumaway.
"Ba-bye na, Azrael. Salamat sa pagsama mo sakin. Sasabay na ako sa asawa ko."
Hindi naman kumibo si Azrael basta lang nakatingin ito kay Sera na para bang naglalabanan ang mga ito ng tingin. Humarap ako kay Sera na nasa tabi ko.
"Uwi na tayo, Asawa ko. Wag ka na magselos–" saad ko.
Tumikwas ang kilay nito.
"Selos? May ubo yata ang utak mo, Babae. Hindi ako nagseselos."
Napangiwi ako. Ang sungit !
Ilan sandali pa ay umandar na ang sasakyan. Sa buong byahe nila, panay kwento ko sa mga nangyari sa sunog at kung ano ano pang bagay habang wala pa rin kibo si Sera na nakahawak ang isang kamay sa sentido nito.
"Mukhang wala ka ng sakit. Ang daldal mo na–" walang buhay na saad ni Sera.
Naningkit ang mga mata ko.
"Simpleng lagnat lang naman 'yon. Teka, san ka nga pala galing?" usisa ko.
Mariin itong umayos ng upo at pinikit ang mga mata. Hindi nito sinagot ang tanong ko kaya napatitig na lang ako sa gwapong mukha ni Sera. Tsk, tsk, sobrang sungit.
Pagdating nila sa munting mansion ni Sera. Sumalubong agad sa kanila si Oriel. Salubong din ang mga kilay.
"Bakit ka nagpunta ng underground ng hindi ako kasama?! Gusto ko rin sumali !" himutok ni Oriel saka tinadyakan ang tuhod ni Sera.
Hindi man lang ininda ni Sera ang pagtadyak ni Oriel. Natuptop ko ang bibig ko kaya tinapunan ako ng matalim na tingin ni Oriel.
"Wag kang tumawa mahinang tao !" singhal nito sakin.
Tinatamad na tinignan ito ni Sera.
"Makakalaban ka ba sa iksi ng binti mo?"
"Minamaliit mo ba ako?!"
"Medyo–"
"Asshóle !"
"Yeah, dímwit..." nilagpasan na ito ni Sera, kaagad naman akong sumunod rito.
Umakyat na sila sa hagdan. Nakita ko pang nagtaas ng gitnang daliri si Oriel. Napangiwi ako. Ang liit na pero ang tapang..tsk.
"Anong underground ?" kapagkuwa'y tanong ko kay Sera.
"It's nothing–"
Kumunot ang noo ko. Bakit ba sungit nito? Kanina pa ito nagsusungit sakin.
Nang dumiretso ito sa kwarto nito, sumunod din ako. Bahala ito kung magalit ito. Naiinis ako sa pambabalewala nito sakin. Hmp!
Naghubad si Sera ng suot nito pang itaas na damit hanggang hubarin din nito ang pang ibabang damit nito. Napalunok ako ng laway ng tuluyan mahubad ang lahat ng saplot nito.
"Maliligo ako sasabay ka ba sakin?" walang pakundangan tanong nito.
Seryoso itong nakatingin sakin na tila inaantay ang sagot ko. Napatameme ako. Sabay maligo? Sila? Bakit? Anong meron?
"Isay..."
Napaubo ako. Nasamid ako sa sarili kong laway.
"M-Magpapahilod ka?"
Wala akong ibang masabi !
Tumaas ang kilay ni Sera.
"Pinag sinabi kong oo, gagawin mo?"
"Mukha ... naman, wala kang libag ah–"
Nang lapitan ako ni Sera at walang sabi sabing pinangko ako nito at dinala ako sa kama nito. Hindi ako umalma. Wala lang ramdam ko rin naman na gusto ko rin malaman kung anong gagawin sakin ni Sera.
Nakahiga na ako sa kama nito habang nakakubabaw ito sakin. Puno ng pagnanasá ang mga mata nito habang nakatitig sakin.
"Can we do it now?" tanong nito na para bang nanghihingi ng permiso sakin.
Napatulala ako. Anong bang isasagot ko? Well, wala naman masama dahil asawa naman ko ito, dapat lang na ibigay ko ang hinihingi nito kaysa naman sa ibang babae ito manghingi ng atensyon.
Tumango ako. Hindi ko alam pero may kakaibang kislap ang mga mata ni Sera. Hinawakan nito ang pisngi ko at ito na ang humalik sa mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Fudgé !
to be continued.....