JESUSA POV
SA BAHAY namin ako nagtungo, buong akala ko maabutan ko doon sina Mama Malou, Marilou at Cherilou. Ngunit, walang tao at magulo ang bahay halatang walang naglilinis ng ilang araw na. Halatang wala ng nakatira doon.
Nasaan sila? Saan sila nagpunta? Hindi kaya may ginawang masama si Sera sa pamilya ko?
Nanikip bigla ang dibdib ko sa kaalaman iyon. Paano kung may ginawa nga talagang masama si Sera sa pamilya ko? Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung gano'n nga ang nangyari at mas lalong di ko mapapatawad si Sera.
Pumasok ako sa dati kong kwarto. Napangiti ako nang makita ang luma at manipis na foam na hinihigaan ko noon. Pinaglumaan iyon ni Marilou at Cherilou kaya binigay na sakin.
Sa lapag lang nakalagay ang foam, wala akong kama dahil walang perang pambili si Mama Malou. Hindi naman mareklamo sa mga simpleng bagay, basta nagagamit pa, ayos lang sakin.
Pasimple akong humiga at pumikit. Gusto kong umiyak. Ano ba talagang nangyari kina Mama Malou? Nasaan ba ang mga ito? Gusto kong maniwala na masama si Sera, pinatáy nito sina Mama Malou, isa itong demonyó subalit ayaw tanggapin ng puso ko. Nasasaktan ako.
"Isay..."
Napabalikwas ako ng bangon at dagling napalingon sa gawi ng pinto ng kwarto. Naroon si Sera nakatayo. Walang emosyon ang mga mata nitong nakatingin sakin.
Nanuyo bigla ang lalamunan ko.
"P-Paano mo nalaman nandito ako?"
Nagpamulsa ito. Nakasuot na ito ng all black suit and tie."You're mine. I'll always find you. Since the day we married, we’ve been bound together. I’ll find you, no matter what corner of the world you run to," malamig na bigkas nito sakin.
"Ah oo nga pala– malakas radar mo," walang kabuhay buhay na sabi ko.
"Umuwi na tayo."
Marahas na umiling ako. "Ayoko. Hindi ako sasama sayo."
"Kung nagugutom ka, magpapadala ako ng pagkain para–"
"Ayoko sabi ! Di na ako sasama sayo."
Wala pa rin emosyon ang mukha nito maging ang boses nito ay kalmado lang.
"May problema ba, Isay?"
"Meron ! Nasaan ang pamilya ko, ha?! Sina Mama Malou, si Marilou si Cherilou, nasaan sila? Anong ginawa mo sa kanila? Pínatay mo ba sila? 'Yon naman talaga ang balak mo 'di ba? Ang patayín si Mama Malou kaya dinamay mo na rin ang mga kapatid ko!" malakas na bulyaw ko kay Sera na nakatunghay lang sakin.
"Isay.. Ako ang pamilya mo. Hindi sila–"
Hinampas ko ito sa dibdib, kahit parang pader sa tigas ang dibdib nito, sige pa rin ako ng paghampas kay Sera.
"Hindi ! Wag mo akong utuhin. Nasaan sila? Nasaan ?!"
"Isay–"
Nahinto ito sa pagsasalita dahil dumapo sa pisngi nito ang palad ko. Kahit ako ay nagulat dahil sa pagsampal ko kay Sera. Hihingi sana ako ng sorry subalit pinigilan ko. Galit ako. Bakit ako mag-so-sorry?
Hindi nito ininda ang pagsampal ko bagkus nanatili lang itong kalmado.
"Hindi ka ba talaga uuwi?"
Tumalikod ako. Hindi ako kumibo. Naiinis ako dahil sa kalmado pa rin ito at ni hindi nito sinagot ang tanong ko, hindi rin nito itinanggi.
"Natatakot ka na ba sakin, Isay?"
Parang may bura sa lalamunan ko. May parte sa damdamin ko na natatakot ako.
"A-Ayoko na maging asawa mo," mahinang bigkas ko. Nakatalikod pa rin ako. Ayokong makita ang mukha ni Sera.
"Sigurado ka na ba sa gusto mo, Isay?"
Mukha bang hindi? Marahan akong tumango tango.
"Kung iyan ang desisyon mo. Iiwanan na kita rito–"
Ilan sandali pa ay tumahimik na ang paligid. Nang lumingon ako, wala na si Sera. Wala na ito. Tuluyan na itong umalis at iniwan ako.
Mapakla akong ngumiti. Pinalaya ako ng gano'n kadali? Wala man lang pagpipigil na nangyari? Kunsabagay, hindi naman ako kawalan kay Sera. Sino ba naman ako isang ordinaryong babae lang na wala pang nararating sa buhay. Tsk.
KINABUKASAN, naisip kong maglinis ng buong bahay. As in, general cleaning. Ang problema nga ay... wala akong pera pambili ng pagkain ko. Dinig ko na ang pag alburoto ng sikmura ko.
Tsk tsk, pambihira.. lumayas, nakipaghiwalay, ayan... nga-nga tuloy ako.
Napaupo ako sa labas ng pinto. Nakapangalumbaba. Bumuntong hininga ako. Ano na ang gagawin ko ngayon? Kainin ang pride ko at bumalik kay Sera? Umiling-iling ako. Wala akong lulunukin na pride. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko.
"Jesusa, ikaw ba 'yan?"
Napatingin ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Nakilala ko ito. Si Aling Pacing, ang madalas na inuutangan ni Mama Malou.
"Aling Pacing, kayo ho pala–" napatayo ako.
Tinignan ako ng matandang babae. Mula ulo hanggang paa.
"Ang sabi ni Malou, nag-abroad ka raw."
"Ho?"
Nagtatakang tumingin si Aling Pacing sa bahay nila. "Oo, nag-Saudi ka raw at itong bahay niyo.. nabenta na ito ni Malou."
"Po?" napakurap kurap pa ko.
"Ay nakow ! Ano bang nangyari sayo? Bakit nandito ka? Baka mamaya nyan dumating ang bagong may-ari ng bahay niyo," naiiling na sabi ni Aling Pacing.
"Alam niyo po ba kung anong nangyari kina Mama at sa mga kapatid ko?" nag aalalang tanong ko, baka kasi may alam ito o balita kung anong nangyari sa pamilya ko.
Mahinang natawa ang matandang babae. "Ba't di mo alam? Nag-Saudi ka nga ba talaga?"
Napangiwi ako sabay kamot sa ulo.
"Ah, hindi po e."
"Mukha nga," bigkas nito. "Wala na sina Malou at mga anak niya. Nagpunta na ng ibang bansa. Nakuha na yata 'yon pera galing sa pension at insurance ng Papa mo kaya umalis na sila. Nabayaran na nga ako e."
Napatanga ako sa sinabi ni Aling Pacing.
"Sige, Jesusa. Maiwan na kita. Kung ako sayo.. wag ka na magtagal pa diyan dahil tulad ng sabi ko, iba na ang may ari niyan–" dugtong pa nito saka tuluyan umalis.
Naiwan akong tulala. So, hindi patáy ang mga ito. Walang ginawang masama si Sera sa pamilya ko. Sadyang umalis lang ang mga ito ng hindi ko man lang nalalaman. Nanghihinang napaupo ako uli.
Pati ang bahay ng mga magulang ko, binenta na sa iba. Napasabunot ako sa ulo ko. Saan ako ngayon pupulutin nito? Wala na akong pamilya at bahay. Wala na. Hindi ko napigilan ang mapaluha sa kamiserablehan nangyayari sakin.
Tumayo at naglakad-lakad ako habang kumakalam ang sikmura. Napaiyak ako. Bakit ba ang malas ko? Bakit ba ganito ang buhay ko? Bakit ba lagi akong nahihirapan ng ganito?
Napadaan ako sa isang tulay na may maduming creek na malapit sa talipapa. Napatitig ako sa itim na itim na tubig at sa mga tambak na basurang naroon. Kung tumalon na lang kaya ako rito? Tiyak pag nakainom ako ng maduming tubig, tigbàk talaga ako.
Tahanan mo ako, 'di magbabago 'yon
At 'pag ika'y nawawala, tingin ka lang sa 'king mata..
Pagmamahal sa 'yo, 'di mauubos 'yon..
Napatingin ako sa grupo ng kabataan kumakanta na napadaan sa tulay.
Lalabanan ko lahat para sa 'yo..
Basta't nandito lang ako sa tabi mo...
Umingos ako. Panira ng moment ang mga 'to tsk. Tumingala ako sa langit.
"Papa God.. Kayo na po bahala sakin at sa–"
Nawala ako sa sasabihin dahil may narinig akong tumatawa. Nang lumingon ako uli, nasa likod ko na si Azrael, pigil na pigil ang pagtawa. Sumimangot ako.
"Suícide 'yarn?" nangingiting tanong ni Azrael.
"Oo, bakit, may nakakatawa ba?" pataray na asik ko rito.
Yumuko ito upang silipin ang creek.
"Mababaw lang ang tubig. Di ka mamatáy diyan–"
Tumaas ang kilay ko. "May suggestion ka ba kaya ka nandito?"
Malakas na tumawa ito na para bang nagpapatawa ako. Nagsalubong ang mga kilay ko. Nag e-emote ako rito tapos susulpot ito para pagtawanan ako.
"Marami sana kaso ayoko sabihin sayo," kumindat pa ang kumag.
"Wag mo na sabihin. Solohin mo na lang. Kaya ko sarili ko." Tumalikod at sumampa na sa bakal na nakaharang sa creek. Humugot ako ng paghinga.
Lumingon uli ako kay Azrael. Nasa gilid lang ito, nakangiti sakin. Grabe nakaka-pressure mag-suicíde katabi ko ba naman ang Anghel ng Kamatayán !
"T-Tatalon na ako...." bigkas ko.
"K" sagot naman ni Azrael.
"Isa... dalawa... tatalon na talaga ako..."
"Uhm uhm."
Kumunot ang noo ko. Akma sana akong haharap kay Azrael para sitahin ito subalit na out of balance ako. Nanlaki ang mga mata ko... kasabay ang paghulog ng katawan ko sa tulay.