TWELVE

1219 Words
JESUSA POV PAGDILAT ng mga mata ko, luminga linga ako sa paligid. Nasa isang kulay puting silid ako. 'Di pa naman langit 'to no'? Nang subukan kong iangat ang katawan ko, napaigik ako sa gumuhit na kirot sa bandang gitna ng mga hita ko. Hala ! Naalala ko na ang nangyari. Patay na ba ko? Di ko ba kinaya ang sandata ni Sera kaya ikinamatay ko 'yon? Diyos ko po!! Subalit natigil ako sa pag iisip ng kung ano ano ng bumukas ang pinto ng silid at sumilip si Azrael. Ngumiti ito sakin. "Gising ka na pala," pumasok ito at lumapit sa kinahihigaan ko. "A-Ano bang nangyari sakin? Patay na ba ako? Nandito ka ba kasi susunduin mo na ako?" kunot ang noo tanong ko. Marahan tumawa si Azrael. "OA mo, Isay. Nasa hospital ka." Umupo ito sa gilid ng kama. "Muntik na nga kitang isama sa listahan ko kaso baka magalit sakin ang baliw mong asawa mo," nakangising sabi nito. Speaking of asawa .... Lumipad ang isip ko mga naganap sa kanila ni Sera, kung paano ko sinuko ang sarili rito at kung paano ako nawalan ng malay dahil sa malaking ano nito. Hayyss. "S-Si Sera pala?" kapagkuwan ay tanong ko kay Azrael. "Nasa opisina nito." Tumango tango ako. Busy pala ang asawa ko. Napabuga ako ng hininga. "Di man lang niya ko inisip, kasalanan naman niya kung bakit ako nandito." "One week ka na rito, Isay. Walang araw na hindi ka binabantayan ni Phim." Napatanga ako. One week? Seryoso? "Isang linggo na ako rito sa hospital?!" napabalikwas ako ng upo ngunit napahiga din ako kaagad dahil masakit pa rin ang katawan ko. Para siyang nabundol ng bulldozer o nabugbog ng isang daan katao. "A-Aray--" "Tsk tsk-- 'wag ka muna tumayo. Bed rest ka malala, Isay. Magpagaling ka na lang muna." Tumayo na ito at matiim akong tinitigan ni Azrael. Napangiwi ako. "H-Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako na-hospital?" gusto kong malaman kung may ideya ba ito sa nangyari sakin. Nakakahiya kasi kung nagkataon alam nito. Nagpamulsa ito. "Hindi. Alam ko naman na ang dahilan." "Ha?" Diyos ko po nakakahiya naman !!! "Oo, sinabi ng doktor." "Ah.. gano'n ba." "Magpagaling ka, okay?" "S-Salamat," nahihiyang sabi ko na hindi makatingin ng diresto rito. Ilan sandali pa ay nagpaalam na si Azrael sakin, kaya naiwan na ako mag isa sa silid. Pinikit ko na lamang ang mga mata tutal hindi rin naman ako makakatayo sa kama, idadaan ko na lang sa tulog uli. Napangiti na lang ako habang paunti unti inaalala ang nangyari sa kanila ni Sera. Ganap na talaga sila mag asawa. Ganap na akong babae.. SAKTONG dalawang linggo ng tuluyan akong nakalabas sa hospital. Buhat buhat ako ni Sera patungo sa kwarto nito saka maingat akong binaba sa kama. "Rest. May kailangan lang akong puntahan." Sumimangot ako. Rest na naman? "Ayoko na mag-rest. Uugatin na ang likod ko sa kakahiga sa kama ! Sama ako sayo," giit ko rito. Hindi ako papayag na maiwan na naman mag isa at mahihiga maghapon sa kama. "Okay na ako. Magaling na ako." Walang reaksiyon ang mukha ni Sera habang nakatunghay sakin. "No. You'll stay and rest here. Wag matigas ang ulo, Isay." Umigting ang panga ni Sera. Nakakakaba ang boses nito. Tsk ! Kainis. Padabog akong humiga at nagtalukbong ng kumot. Wala na kong narinig kun'di ang pagbukas at sara ng pinto senyales na umalis na si Sera. Bumalikwas ako ng upo sa kama. Laglag ang balikat. Wag matigas ang ulo? Hindi ako sutil pero parang gusto ko magpakasutil dahil pakiramdam ko walang oras sakin si Sera. Palagi kasi itong umaalis, palaging wala, gabi na kung uuwi. Wala itong ginagawa para maging maayos ang pagsasama nila. Hindi man lang ako niyaya kumain sa labas o mamasyal man lang. Tsk ! Asawa ako pero hindi ko ramdam. Teka-- bakit ba ako nagmamaktol? Alam ko naman na sapilitan pagpapakasal ang nangyari sa kanila, wala naman talaga akong puwang kay Sera pero masama bang umasa ako na baka... na baka bigyan ako nito ng konting atensiyon? Na-disappoint kaya ito sakin dahil imbes kayanin ko ang alaga nito, hinimatay pa ko at na hospital? Tsk, iisipin talaga nitong mahinang nilalang ako. Mabilis akong tumayo at bumaba. Nakaalis na si Sera. Saan kaya ito nagpupunta? Linggo naman ngayon kaya siguradong hindi sa opisina ang punta nito, pero saan? Naabutan niyang palabas sa main door si Oriel. Nakabihis ito ng light blue tuxedo, naka-gel ang buhok pataas, maraming suot na alahas sa leeg at kamay, may suot din itong shades. "May ideya ka ba kung saan nagpunta si Sera?" lakas loob na tanong ko kay Oriel ng dumaan ito sa harapan ko. Lumingon ito sakin. Nakabusangot ang mukha. "Kung may ideya man ako, hindi ko sasabihin sayo," masungit na inirapan pa ko at nilagpasan. Tsk, kinulang na nga sa height, kinulang din sa ugali. Hindi na ako nagtanong, bagkus nakaisip ako ng magandang ideya. May hinala akong alam ni Oriel kung nasaan si Sera. Inutusan ko ang isang tauhan ni Sera na ipagmaneho ako at nagpanggap na kailangan kong sumunod kay Sera. Mukhang nagdalawang isip ito ngunit sa huli ay naniwala naman. Napangiti ako. Hmm, malalaman ko na kung anong pinagkakaabalahan ng asawa ko. SA ISANG Underground boxing tournament ako dinala ng tauhan ni Sera. Napakaraming tao sa paligid, malalakas na hiyawan na sa sobrang lakas mabibingi ka, aakalain mong si Pacman ang maglalaro dahil sa dami ng taong nanunuod. Napatingin ako sa fighting ring. Gano'n na lang ang gilalas ko ng mamukhaan kung sino ang naglalaro sa gitna ng fighting ring. Napakurap ako. Napatulala. Si Sera ang nakikita ng dalawang mata ko. So, all along naglalaro ito dito? Pero bakit? Lucifer ! Lucifer ! Lucifer !! Napasigaw ang mga tao nang malakas na binalibag ni Sera ang lalaking kalaban nito. Napangiwi ako. Marahas at nakakatakot ang laro. Parang walang uuwing buhay para sa matatalo. Ilan sandali pa ay dumagundong ang malakas na sigawan at palakpakan ng mga tao. "And emerging victorious... it’s no one else but Lucifer!!!" Nanlaki ang mga mata ko, hindi dahil sa pagkapanalo ni Sera kun'di sa nangyari sa kalaban nito. Duguan at tila wala ng buhay na nakahandusay iyon sa loob ng fighting ring. Oh my God ! Pinatay ba ni Sera ang kalaban nito? Natuptop ko ang aking bibig. Gumapang ang kilabot at takot sa katawan ko habang pinagmamasdan ko ang nakangising mukha ni Sera. "A-Asawa ko..." bulong ko. Walang anu-ano ay lumingon sa gawi ko si Sera, kahit may kalayuan ako at kahit maraming taong nakapaligid sakin. Hindi ko akalain na makikita ako nito. Nagtama ang kanilang paningin. Napalunok ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masidhing takot ang bumaha sa dibdib ko. Nanginginig ang aking kamay. Nakita kong kumunot ang noo ni Sera habang nakatingin sakin. Huminga ako ng malalim. Bakit nga ba ako umaasa na magiging importanteng tao ako kay Sera? Sino nga ba ako? Baka nga... pag hindi na ako nito kailangan ay patayín rin ako nito. Napalunok ako ng laway. Ang assumer ko dahil iniisip ko pang magiging maayos at masaya ang buhay mag asawa nila, kahit alam ko naman hindi ito normal. Well, malayo sa pagiging normal. Sobrang layo. Tumalikod ako at nagmamadaling umalis. Pakiramdam ko nagising ako sa isang masamang panaginip. Kailangan kong tumakas, kailangan kong lumayo kay Seraphim. to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD