Habang natutulog si Jaiyana sa tabi niya ay hindi niya maialis-alis ang mga mata niya rito. Nakakunot kasi ang noo ito habang natutulog na para bang may kaaway ito sa panaginip. Habang buhay niyang sisisihin ang sarili niya kung sakaling may nangyaring masama rito sa pagdating ni Marissa tatlong buwan na ang nakararaan. Mabuti na lang matalino si Jaiyana dahil agad-agad nitong natuklasan ang pakay nang babae. Ang Akala niya talaga ay ito si Larissa. Hindi niya akalain na ipinasadya pala ng babae ang mukha ni Larissa para hindi niya mapansin na ibang tao na ang kaharap nila. Sa ngayon ay nasa mental hospital na si Marissa kaya nasisiguro niya na wala nang balakid sa buhay nila. Mabuti na lang talaga walang nangyaring masama sa mag-ina niya dahil kung hindi ay baka nakapatay si

