“Jaiyana.” Napahinto siya sa panonood ng pelikula sa laptop niya nang sumulpot si Jordan habang masama ang hilatsa ng mukha nito. “Galit na galit si Yaya sa akin dahil hindi ko pa raw sinusundo si Petra. Sabi ko, kumain na siya pero ayaw niya. Puwede bang puntahan mo muna siya roon?” “Nasaan siya?” “Nagmumukmok sa kuwarto niya. Habang buhay na lang yatang hihiga 'yon hanggang sa maging bed ridden, eh." “Alas-dos na, ah. Hindi pa siya kumakain?” “Hindi pa nga. Sabihin mo na kasi roon na ikaw si Petra para kumain na ‘yon. Ano ba kasing ikinakatakot mo?” “Sige, pupuntahan ko na siya.” Isinara niya na ang laptop niya para sumama rito. “Tara na.” “Ikaw na lang ang pumasok sa kuwarto niya. Doon na lang ako sa labas dahil baka patayin na niya ako kapag nagpakita na naman ako. Sinabi pa nam

