C-48 Jordan

1709 Words

“P'wede mo ba akong samahan?” Bigla na lang pumasok si Jaiyana sa kuwarto niya ng walang pasabi kaya naman nagulat siya. “Tsk! ‘'Yan ba ang gustong matutong gumamit ng baril? Ang mga nerbyoso hindi p'wedeng gumamit ng mga deadly weapon dahil delikado kapag nagulat.” “Bigla ka na lang kasing sumusulpot. Hindi ka ba marunong kumatok?” “Hindi naka-lock ang pinto mo kaya pumasok na ako,” katuwiran nito. "Ganoon nga rin ang ginagawa mo sa akin, eh." “Ba't ka ba nandito?” “Tulungan mo akong magpaliwanag kay Aling Tasing saka kay Mang Kanor,” anito. “Aaminin ko na sa kanila ang totoo maliban sa kung ano ang trabaho ko dahil baka mag-alala sila.” Kailangan pahirapan niya ito ng kaunti kagaya ng pagpapahirap nito sa kaniya. Ilang araw na niya itong kinukulit pero hindi talaga ito pumapayag.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD