Huminto na ng pagtulog ang mga luha niya pero nakayuko pa rin siya kaya bahaga na nitong sinipa ang binti niya. “Bukas ka pa ba titigil sa pag-iyak? Ngayon lang ako nakakita ng lalaking sobrang tagal umiyak, ah. Kung makaiyak ka, akala mo naman inapi ka ng malala.” Isa-isa na niyang dinampot ang mga kahoy na pinagpupulot niya kanina pati na rin ang mga mangga na pinagpipitas nito. “Kita mo ‘to, nadisgrasya na't lahat-lahat pinagpupulot pa rin ‘yang mangga.” “Sayang,” matipid niyang sagot. “Pinaghirapan ko ang mga ‘to.” “Halata naman.” Nang madampot na niya lahat ang mga kailangan niyang damputin ay nauna na siyang maglakad dito. Naramdaman naman niya na nakasunod lang ito sa kaniya. “Saan ko ilalagay ang mga ‘to?” tanong niya nang makarating sila sa bahay nito. “Ilapag mo lang d

