Nandito silang apat ngayon sa labas ng bahay ni Jaiyana habang nag-iihaw ng isda. Nag-iinom sila ni Jaiyana ng beer habang ang Yaya niya at si Mang Kanor ay wine naman ang iniinom. “Mabuti na lang pala nakapagdala ako ng jacket dahil kung hindi ay tiyak na maninigas ako rito sa lamig!” komento ni Mang Kanor. Sobrang lakas kasi talaga ng hangin dahil isinasayaw ng hangin ang mga buhok nila at ganoon din ang mga suot nilang damit. “Oo nga, eh,” sang-ayon naman ng Yaya niya. Si Jaiyana ay nakatitig lang sa mga isdang iniihaw nila na animo'y may sariling mundo. “Ito ang buhay na pinangarap ko,” saad na naman ni Mang Kanor. “Tahimik, masaya at walang kapitbahay tapos wala ring maririnig na tunog ng mga sasakyan. Hija, puwede ba akong mag-ikot-ikot bukas dito sa lupain mo?” Hindi ito sin

