Pagkatapos niyang magligpit ay agad niyang pinuntahan si Jaiyana. Mahimbing na ang tulog nito ngayon kaya napangiti siya. Hindi naman marami ang ininom nila pero nalasing agad ito. Marahil ay dala iyon ng pagod dahil halos maghapon ito kumilos lalo na sa panghuhuli ng isda. Gusto niya itong punasan kaya kumuha siya ng bimpo sa mga gamit niya dahil hindi naman niya alam kung saan nakalagay ang mga gamit nito. Wala kasi siyang nakikitang closet dito sa loob ng kuwarto nito. Sinabon niya ang bimpo at pagkatapos ay binanlawan niya iyon. Kumuha rin siya ng tabo na may tubig para hindi na siya pumunta sa banyo para lang basahin ang bimpo ng paulit-ulit. “Ang bilis mo namang malasing,” sabi niya sa natutulog na babae. “Ang dami mong inihaw na isda tapos hindi mo naman pala uubusin. Sana

