“Ang pangit mo!” Narinig niyang sigaw ni Ace sa anak na babae ng bago nilang kasambahay. Hindi niya alam kung bakit lagi nitong sinasabihan si Carol na pangit gayong ang ganda-ganda nga nang batang babae. Sampung taong gulang na ngayon si Ace at hindi na rin ito nasundan dahil laging busy ang asawa niya. Kasal na rin sila nito at ilang taon na rin silang nagsasama ng masaya. “Ang haba ng buhok mo pero hindi ka man lang magsuklay. Hindi ka rin yata nagsisipilyo, eh.” “Anong hindi? Lagi kong nililinisan katawan ko bago ako sumama sa nanay ko, ‘no! Masyado kang papansin.” “Paanong hindi kita mapapansin? Ang pangit mo tapos mabaho ka pa.” “Ace!” tawag niya para kunin ang atensiyon nito. “Inaaway mo na naman ba si Carol?” Nginitian siya ng anak niya sabay takbo palapit sa kaniya. “Dad
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


