“Dumating na ang asawa mo,” pabulong na sabi ni Callynn kaya naman napatingin na rin siya sa direksyon na tinitingnan nito. Nakasuot ng dress si Callynn habang nasa likod naman nito sina Yaya Tasing at Mang Kanor. Bagay na bagay itong magsuot ng dress hindi kagaya noon na puro black t-shirt at pants ang lagi nitong suot. Ang bilis ng mga hakbang nito kaya naman sinalubong na niya ito dahil baka madapa ito sa ginagawa nitong pagmamadali. “Gutom ka na?” tanong niya habang inaayos ang nagulo nitong buhok. Hindi niya alam kung nagulo ba talaga o hindi lang ito nagsuklay dahil sa pagmamadali nitong makapunta dito sa bahay nina Mavi. “Hindi pa naman.” Nang mapansin niya na wala itong suot na bra ay sinimangutan niya ito. “Wala ka naman suot na bra.” “May dala naman akong jacket ka

