“Kumusta ka na?” nakangiting tanong ni Macarius sa kaniya pagdating niya sa bahay nito. 'Yong mga naranasan nito noon kay Callynn ay doble yata ang nararanasan niya ngayon kay Jaiyana. “Parang hindi ka natutulog, ah.” “Hindi talaga.” “Ganiyan din ako noon sa asawa ko. Habaan mo lang ang pasensiya mo at saka samahan mo na rin ng maraming dasal," natatawa nitong sabi habang umiling-iling. "Ganiyan talaga ang buhay. Ginusto natin kaya magtiis tayo." “Nasaan nga pala si Callynn?” sa halip ay tanong niya. Magpapaluto kasi siya ng carbonara dito dahil iyon ang gusto ni Jaiyana. Masarap kasing magluto ang asawa ni Mavi kaya sigurado siyang mauubos iyon ni Jaiyana. “Naliligo sa banyo. May kailangan ka ba sa kaniya?” “Marami akong kailangan sa kaniya.” Ngumiti ang kaibigan niya. Halatang n

