After dinner namin, nagyaya si Hardelien na lumbas dahil last night na namin dito sa Subic. Gusto kong mag enjoy pero yung puso ko ayaw makisama. "Grabe ang saya! Iba talaga pag girls night. Buti nalang at wala yung mga asungot." Wika ni Hardelien habang bitbit ang mga pinang bili nitong souvenirs. "Eh bakit parang hindi masaya yung isa dyan?" Puna ni Kia sakin. Inirapan ko ito dahil ako na naman kasi ang napansin nya. "Siguro nakasandal si Monica sa braso ni Harduel ngayon habang natutulog sa byahe." Nakangising wika ni Kia. Lokarit talaga ang babaeng ito, lalo nya lang akong pinag overthink. "Bakit di mo kaya tawagan, para makampanti yang isip mo." Wika ni Camille. "Oo nga, kung nag kakamabutihan na kayo ni Harduel, may karapatan ka na alamin ang mga bagay bagay sa kanya lalo na at

