Sammie's Pov Pag dating namin ng mansion, naabutan naming nag uusap si Lawrence at Lolo Jones. Mukang importante ang pinag uusapan nila pero agad din nila itong tinigil ng makita kami. "Kamusta ang bakasyon nyo?" Nakangiting tanong ni Lolo ng makaupo na kami. "Mabuti naman po." Sabay-sabay na sagot namin. "Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa mga apo. Marami akong nabalitaan tungkol sa inyo." Seryosong wika nito kaya lahat kami ay natahimik. "Ikaw Norphil, hindi ba't sinabi ko sa inyo na hanggat walang napipili si Sammie ay hindi kayo pwedeng manligaw or ma link sa ibang babae?" Wika ni Lolo habang naka tingin dito. Walang emosyon yung muka ni Lolo kaya sa tingin ko galit ito. "At ikaw din Wyatt, hindi mo na nga sineryoso yung pang liligaw kay Sammie tapos dalawang babae pa ang pinapa

