Camille's Pov Isang linggo na mula ng mag simula ulit ang klase namin. Dahil hindi ko classmate si Kia and Sammie, nag kikita nalang kami tuwing break time. Na kakamiss din si Hardelien, wala na akong balita dito simula ng bumalik kami ng manila. "Camille" Tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Napalunok ako at the same time labis ang kaba ng aking dibdib. Hinayaan ko itong lumapit sakin, hingal na hingal pa ito kaya napatingin ako sa pawis na namuo sa noo nya. "Ikaw pala Wyatt, long time no see." Wika ko dito at umayos na ito ng tayo. Hindi ito sumagot sa pag bati ko sa kanya. Napalunok ako dahil sa mga titig nito sakin kaya agad akong umiwas ng tingin dito. "Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nito sa malungkot na tinig kaya napatingin ako dito. Yung mga mata nya, bakit tila napakalulungk

