13

1418 Words
Pag dating namin ni Norphil sa bahay ay naabutan namin sa labas si Harduel. Napalunok ako ng malalim ng tingnan kami nito ng masama. "Bakit mag kasama kayo, at san kayo galing?" Inis na tanong nito. Palihim akong napangiti ng bumalik na ito sa pagiging masungit. "Kung makatanong naman to, boyfriend ba kita?" Mapang asar na sagot ko dito. "Pumunta lang kami sa birthday party ni Kai." Sagot ni Norphil at nauna na itong pumasok sa loob . "Hindi mo ba alam na kanina pa kitang hinihintay!" Inis na wika nito. "At bakit mo naman po ako hinihintay hari ng kasungitan?" Mapang asar na sagot ko dito. "For dinner, alam mo naman ang rules sa pamamahay na to diba?" Inis na wika nya. Nang laki yung mata ko at nag madaling pumasok ng mansion. Nakita ko si Wyatt at Lawrence sa hapag kainan na nag hihintay. "K-kanina pa ba kayo?" Nahihiyang tanong ko sa kanila. "No, actually kahahain lang ng pag kain kaya sakto lang ang dating nyo." Nakangiting wika ni Lawrence kaya nakahinga ako ng maluwag. Kahit busog pa ako, pipilitin ko kumain kahit konte. Nakakahiya naman kasi sa nag effort na mag handa ng makakain namin kung hindi ko manlang ito titikman. Maya-maya pa ay natanaw ko na din si Harduel na papunta dito sa hapag kainan. Nakatingin na naman ito ng masama sakin na akala mo ay may ginawa akong masama. Mas okey ng tingnan nya ako ng masama, kesa dun sa isang ugali nya na blangko. After namin kumain ay nauna na akong pumanhik sa kwarto ko. After kong mag linis ng katawan ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto ko kaya pinuntahan ko ito. Pag bukas ko ng pinto bumungad sakin ang gwapong muka ni Lawrence. "May ginagawa ka ba? Sorry sa abala." Nakangiting wika nito. "W-wala naman, nga pala anong sadya mo?" Kalmadong tanong ko dito. Nauutal talaga ako pag kaharap ko si Lawrence, ang lakas kasi ng dating nya sakin. "Available ka ba bukas?" Nahihiyang tanong nito dahil napahawak pa sya sa batok nya. "Bukas, balak ko sana bumisita sa bahay." Sagot ko dito. "Ganun ba, ako kasi hindi busy bukas, baka gusto mong samahan na kita." Nakangiting sagot nito. Ay iba din ang ganap nitong si Lawrence. "Sige, bukas nalang ng umaga, Goodnight Lawrence." Nakangiting wika ko dito. "Sayo din Sammie, sweet dreams." Pag kasara ko ng pinto ay napa walling nalang ako sa sobrang kilig. Jusme, sasamahan ako ni Fafa Lawrence sa bahay. Ipapakilala ko na sya sa parents ko, ayiee. Shùta Naman tong naiisip ko para akong súnga. Pumanhik na ako sa kama ko at doon pinag patuloy ang pag iimagine kay Lawrence. Natigilan ako ng maalala si Monica. Nung nakita namin sila kahapon ni Harduel na mag kasama. They look happy together, wala naman akong idea sa friendship nila. Nag karoon tuloy ng pala isipan sa isip ko. Paano kung may nararamdaman na sila sa isat-isa or ang isa sa kanila. Tapos ako itong eepal epal? Hays bahala na nga, mashado ko lang pinapagod ang isip ko sa mga walang kabuluhan. Dahil hindi pa ako inaantok binisita ko muna yung f*******: account ko. Napakunot ang noo ko ng makita ang post ni Harduel. *You have robbed me once, and I will not allow that to happen again.* Umabot ito ng 200k reacts and 10k comments. Teka sino bang pinaparingan nya sa post nya? Kung kanina ay si Lawrence ang nag papagulo ng isip ko, mas matindi itong pinost ni Harduel na nabasa ko. Naka post ito 24 hours ago. Ibig sabihin kagabi pa. Naalala ko yung pinag usapan namin ni Norphil. Tiyak akong si Lawrence ang pinatatamaan nya sa post nya. Napaka isip bata nitong si Harduel, kailangan nya pa bang ipost to sa sss. Bakit hindi nya nalang komprontahin ang pinsan nya para malaman nya kung ano ba talaga ang namamagitan kay Monica at Lawrence. Gusto ko din kasi malaman, alam nyo naman na crush ko si Lawrence. Para i-uncrush ko nalang sya kung sakaling may nararamdaman sya para kay Monica. Kailangan ko yun malaman habang crush palang ang nararamdaman ko para sa kanya. Baka kasi tuluyan na akong mahulog kay Lawrence, tapos si Monica naman pala yung gusto nya. Ayukong masaktan sa unang pag ibig ko, baka kasi madala ang puso ko at hindi na umibig ulit. Charot lang yun guys, ano bang alam ko sa pag ibig. Marami nga dyan na kahit ilang beses ng nasaktan, uulit at uulit pa din hangang sa mahanap na nila yung true love nila. Pero hangat maari, ayukong mangyare yun sakin. Ang masugatan nga ay masakit na, what if kung about pa ito sa pag ibig. May mga nakakabangon pag nasaktan, at meron din namang hindi. Tinabi ko na yung cellphone ko at nahiga na ng maayos. Naka tingin ako sa ceiling habang abala na naman ang isip sa walang ka kwenta kwentang bagay. Bakit ba pinoproblema ko ang buhay ni Harduel? Kung may problema sya kay Lawrence at Monica, bakit nag papaapekto ako? Lumipas ang ilang oras at mulat na mulat pa din ang mata ko. Bumangon ako dahil nakaramdam ako ng pag kauhaw. Alas dose na pala, at tahimik na sa buong mansion. Tiyak na mahimbing ng natutulog ang lahat. Papalapit na ako ng kusina ng mapansin kong bukas ang ilaw doon. Nakarinig ako ng ilang ingay, mukang may gising pa kaya dumiretso na ako. Napalunok ako ng makita si Harduel, umiinom ito ng alak. Natigilan sya ng makita ako,ang talim na naman ng tingin nya sakin. Dumiretso ako sa ref para kumuha ng fresh milk. "Hindi ka din makatulog?" Tanong nito sakin. Tumango ako habang nag sasalin ng gatas sa baso. "Mas better na ito ang inumin mo, tiyak makakatulog ka kagad." Nakangising wika nito. Tiningnan ko yung alak na nasa harapan nya. Nakakalahating bote na ito, at pansin kong may tama na din sya. "Hindi ako umiinom ng ganyan. Bakit ka ba nag lalasing, may problema ka ba?" Tanong ko dito at naupo sa silya kung saan mag katapat kami. "Gusto ko lang makalimot." Seryosong wika nito. This time, isang seryosong Harduel yung kaharap ko. Yung Harduel na may sense kausap. Ilang pagka-tao ba meron ang lalaking ito. Naalala ko na naman yung sinabi ni Norphil, kelan ko kaya makikita ang sweet side ni Harduel? Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakatitig lang kay Harduel. Lumipas ang isang Oras at hindi ko pa din nagagalaw yung gatas sa baso ko. Nakasobsob na sa table si Harduel at wala ng malay dahil sa kalasingan. Napabuntong hininga ako at tumayo na at nilapitan ito para gisingin. "Harduel, hindi ka pwedeng dito nalang matulog. Tara na at ihahatid na kita sa kwarto mo." Malumanay na wika ko dito. Gumalaw naman ito at pilit na umupo na maayos. Wala na akong choice kundi ang alalayan ang lalaking to. Bakit ba kasi ugali ng mga tao na uminom na hindi nag titira ng ulirat nila para makauwi? Kinuha ko na ang kamay nito at nilagay sa balikat ko. Sa sobrang tangkad nya, mas lalo akong nahirapan sa pag alalay sa kanya. "Bwesít ka Harduel, umayos ka nga paakyat na tayo ng hagdan!" Inis na wika ko dito. Ilang hakbang palang nagagawa namin pero tagaktak na ang pawis ko. After 10 minutes narating na din namin ang kwarto nya. Pabagsak ko itong hiniga sa kama nya. Napaunat ako ng braso dahil sa ngalay na binigay nito sakin. "Bwesít kang kapre ka!" Inis na singal ko dito. Palabas na sana ako ng kwarto nito ng makita ko ang picture frame na nasa table nya. Napalunok ako ng makita ang picture nila ni Monica na mag kasama. Tiningnan ko si Harduel na nakayakap ngayon sa unan. Mahimbing na itong natutulog. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. "Siguro hangang ngayon mahal na mahal mo pa rin si Monica." Malungkot na wika ko dito. Binalik ko na yung picture frame sa table. Paalis na ako ng biglang mag salita si Harduel. "M-Monica, bakit sya pa." May hinanakit na wika nito. Tiningnan ko ito, hangang sa pag tulog ay si Monica yung binabangit nya. Bumalik ako ng kwarto ko na malalim ang iniisip. Kung si Monica lang ang paraan para maging maayos si Harduel, kailangan ko bang gumawa ng paraan para mag kaayos ulit sila? Baka sakaling makita ko ang sweet side ni Harduel kapag naging okey na sila. Hays, baliw na talaga ako. Bakit ko ba pinag aaksayahan ang problema ng bwésit na yun. Bahala na nga sya sa buhay nya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD