Kinabukasan, naabutan ko si Harduel sa living room. Tulala ito habang tinutoktokan ang sarili nyang ulo. Marahil may hangover ito dahil sa pag lalasing nya kagabi. Deserve mo yan, iinom inom kasi di naman kaya ang sarili.
"Hoy Sammie!" Sigaw nito sakin ng makita nya ko. Tiningnan ko sya ng masama.
"Problema mo?" Tanong ko dito at tinaasan sya ng isang kilay.
"Wala, ang panget mo talaga." Wika nito sabay inom ng kape nya. Hays, kainaman talaga ang ugali ng lalaking to. Bago pa masira ang araw ko, lumabas na ako para mag jogging. Hanep naman kasi dito sa mansion. Simula ng dumating ako dito, never akong nag skip ng meal kahit busog pa ako. Kaya pakiramdam ko nadagdagan ang timbang ko.
Nag ipaikot ikot ako sa garden ng mansion. Napangiti ako ng maalalang pupunta nga pala kami ni Lawrence sa bahay. Sunday ngayon kaya walang work si mama at papa, family bonding talaga namin ang sunday. Wala namang masama kung isasama ko si Lawrence. Feeling ko kasi, malapit na din syang maging part ng family namin. Shîtness kinikilig ako sa tuwing iniisip ko ang bagay na yan.
Nang makontento na ako sa pag e- exercise ko bumalik na ako sa loob. Ganun pa din yung pwesto ni Harduel. Nilampasan ko ito at nag madali na akong umakyat ng hagdan. Napansin ko naman ang pag sunod sakin ni hari ng kasungitan.
Pag dating ko sa tapat ng room ko bigla itong nag salita.
"Ikaw ba ang nag hatid sakin sa room ko kagabi?" Tanong nito kaya, walang ganang humarap ako dito.
"Sino pa ba sa tingin mo? Sa sitwasyon mo kagabi sa tingin mo iiwanan nalang kita ng ganun." Inis na sagot ko dito.
"Siguraduhin mo lang na hindi mo pinag nasaan ang katawan ko. Kilala ko pa naman kayong mga babae, mapag samantala kayo kapag lasing kaming mga lalaki." Nakangising wika nito kaya pinang lakihan ko sya ng mata.
"Hoy Harduel, mag pasalamat ka na nga lang at hinatid pa kita sa kwarto mo. Kapal ng muka mo para pag sabihan ako ng ganyan. Ni hindi ka nalang mag thank you! Asa ka naman na pag nanasaan ko yang katawan mo!" Inis na wika ko dito at napalunok pa ng tingnan ang katawan nito.
Wala naman talaga sa isip ko yung bagay na yun. Pero dahil binangit nya ang tungkol dun, bakit nga ba di ko naisip yun kagabi. Na check ko sana kung may abs sya. Hays, ano ba tong kahalayang iniisip ko.
Tinalikuran ko na si Harduel at pumasok na ako ng room ko. Mas lalong uminit yung pakiramdam ko dahil sa bwesít na Harduel na yun. Iligo ko na nga lang to baka ma high blood lang ako.
-
After kong mag asikaso ng sarili ko, bumaba na ako dahil oras na ng almusal. Nasa hagdan palang ako ay nakatingin na sakin yung mag pipinsan. Feel na feel ko yung suot kong dress, lakas makaganda.
"Good morning Sammie babe, mukang may lakad ka ata." Nakangiting bati sakin ni Wyatt.
"Oo, bibisitahin ko si mama at papa." Sagot ko dito.
"Samahan na kita." Wika ni Norphil.
"Ah eh, si Lawrence na kasi yung sasama sakin eh." Nahihiyang sagot ko dito.
"Ganun ba, sige next time nalang." Nakangiting sagot nito, nag ngitian naman kami ni Lawrence. Ang gwapo nya sa suot nyang sky blue na polo.
Nag simula na kaming kumain, napansin ko ang matatalim na tingin sakin ni Harduel kaya iniirapan ko ito sa tuwing nag tatapat ang mata namin sa isat-isa.
After namin kumain ay nag pahinga lang kami sandali ni Lawrence bago umalis.
"By the way Lawrence, paano mo nga pala nalaman ang address ko?" Tanong ko dito. Last time kasi ay nakalimutan kong itanong ang tungkol dito.
"Nung gabing sinabi samin ni Lolo ang tungkol sayo. Dahil sa pag kaka- tagged sayo ni Harduel sa post nya, alam kong guguluhin ka ng mga fans nya kaya inalam ko na ang tungkol sayo. Nalaman ko yung address mo at the same time iisang paaralan lang pala ang pinapasukan natin. Kaya naisip kong abangan ka sa back gate at hindi naman ako nabigo." Nakangiting wika nito habang nag mamaneho.
Alam ko naman na hindi ako napapansin ni Lawrence sa University. Simpling mag aaral lang ako at hindi ka akit-akit. Kaya paano nya malalaman na nasa iisang paaralan lang kami. Kung hindi lang talaga dahil kay Lolo Jones, siguro hangang ngayon hangang tingin pa rin ako sa kanya.
Malapit na kami sa bahay ng mag ring ang phone nito. Sinagot nya naman ito habang nag mamaneho. Bigla nalang napakunot ang noo nya dahil sa kausap nya sa phone. Pakiramdam ko tuloy at may emergency sya. After nitong makipag usap ay malungkot itong tumingin sakin.
"I'm so sorry Sammie, I have emergency. Ihahatid nalang muna kita sa inyo. Hindi kita masasamahan, pasensya na talaga." Wika nito at nauunawaan ko naman.
"Ayos lang yun, nauunawaan ko." Nakangiting sagot ko dito. Pag dating namin sa bahay ay bumaba na agad ako ng kotse nito.
"Call me kapag nakauwi kana ng mansion, sorry talaga Sammie, babawi ako sayo next time." Nakangiting wika nito.
"Wala yun, sige na mag iingat ka." Nakangiting wika ko at kinawayan sya hanggang sa makaalis. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa gate namin.
"Good morning mama at papa, I'm home!" Masiglang bati ko sa magulang ko. Sabay na lumapit ang mga ito at niyakap ako.
"Akala namin hindi mo na kami bibisitahin eh, mukang nag eenjoy ka sa mansion eh." May pag tatampong wika ni mama.
"Magagawa ko ba naman na hindi kayo bisitahin ni papa. Sayang nga po at kasama ko dapat si Lawrence dito, kaso may emergency sya kaya hinatid nya lang ako." Nakangiting wika ko dito.
"Dalaga na talaga ang anak namin. Itong si Lawrence ba ang nangunguna ngayon dyan sa puso mo?" Tanong ni papa kaya napangiti ako.
"Ahmm, parang ganun na nga papa, matagal ko na kasing crush si Lawrence." Nakangiting sagot ko dito.
"Hindi porke crush mo si Lawrence eh sya na dapat ang piliin mo. Tandaan mo mabuti anak, dapat yung lalaking responsible, yung lalaking ikaw dapat yung priority." Wika ni mama. Napaisip ako bigla, anong emergency kaya yung pinuntahan ni Lawrence?
-
After ng lunch namin ni mama at papa, bumisita ako sa kwarto ko. Doon ay nahiga ako at cheneck ang f*******: account ko. Hindi ko alam pero bigla ko nalang naisip na i-check ang acct ni Lawrence. Napabangon ako ng makita ang picture na naka tagged sa kanya.
*Thank you, alam kong hindi mo ko matitiis.* Basa ko sa post ni Monica. Naka post ito 3 hours ago.
Ito ba yung emergency na sinasabi ni Lawrence? Pakiramdam ko na durog ang puso ko. Tiningnan kong mabuti yung picture, mukang nasa isang restaurant sila. Wala akong makitang emergency sa sa sitwasyon ni Monica. Isa lang ang ibig sabihin nun, mas priority ni Lawrence si Monica kesa sakin.
Malamang si Monica talaga ang pipiliin nya over me. Sino ba naman ako diba? Pero bakit ako nasasaktan? Dahil ba wala akong laban kay Monica pag dating kay Lawrence?
Sana pala ay hindi nalang ako nag online, hindi ko sana nalaman ang katotohanan.
**Kinagabihan**
"Hindi ka pa ba uuwi ng mansion?" Tanong ni Mama sakin, tiningnan ko ang suot kong relo at mag aalas otso na pala.
"Dito nalang po ako matutulog, tinatamad po akong umuwi ng mansion." Sagot ko dito habang nakatambay ito sa terrace namin.
"May nangyare ba?" Pag aalalang tanong nito sakin. Ang totoo nyan ay ayaw ko lang talagang makita si Lawrence. Sariwa pa yung sakit na binigay nya sa puso ko. Charoot lang, pero na hurt talaga ako dun sa nalaman ko. Tangap ko naman na ako lang to si Sammie, tapos si Monica yun. Si Monica na bestfriend nya, na maganda, sexy, tapos matalino pa. Walang wala akong laban sa kanya. Napabuntong hininga ako at napatingala sa ceiling.
"Magandang gabi po tita."
Agad akong napaayos ng upo ng marinig ang boses ni Harduel. Broken hearted lang ako pero hindi ako binge. Sure akong si Harduel yun kaya lumabas ako kung nasan si mama. At hindi nga ako nag kamali dahil huling huli ko si Harduel na nag mamano kay mama.
"Anong ginagawa mo dito!?" Mataray na tanong ko dito habang nakasandal sa gilid ng pinto. Nag cross arms pa ako para kunyare maldita ang dating ko. Pwede akong mag taray dahil nandito ako sa pamamahay ko.
"Para sunduin ka mahal na prinsesa." Nakangiting sagot nito. Aba, bait baitan ang hari ng kasungitan ngayon.
"Kanina ko pa nga yan iho pinapaalis, wala atang balak umuwi ng mansion." Wika ni mama.
"Akala nya po siguro ay hindi ko sya susunduin. Tinatamad lang po yan mag commute." Nakangiting sagot nito.
Aba, gawa-gawa din ng kwento to. Wala naman akong inaasahan na kahit sino sa kanilang mag pipinsan na mag susundo sakin. Talagang ayuko lang umuwi dahil baka madagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
"Tara na Sammie, maaga pa tayo bukas." Wika nito at hinila na ako sa kamay.
"Alis na po kami tita." Paalam nito kay mama.
"Sige mag iingat kayo, Sammie mag pakabait ka." Paalalang wika ni mama at kinaladkad na ako nito.
Bwesít pakitang tao talaga ito. Sobrang bait sa harapan ni mama pero pag kaming dalawa nalang kulang para na itong dragon. Para na akong masusobsob dahil sa pag hila nito sakin.
Pag sakay namin ng kotse ay nag simula na itong mag maneho.
"Sana hindi mo nalang ako sinundo." Wika ko dito.
"Mag pasalamat ka nalang, dami mo pang sinasabi." Inis na wika nito. Hindi nalang ako umimik, ayuko din makipag talo sa kanya ngayon dahil may dinaramdam ang puso ko. Pag bigyan nyo na ako, feeling broken hearted ako ngayon.