Deal

1774 Words
Pag dating namin ng mansion. Nauna na itong bumaba ng kotse nya. Huminga muna ako ng malalim bago bumaba. Paano ko ba haharapin si Lawrence? Mag papangap nalang ako na walang alam. Ayuko din naman mag mukang kawawa sa harapan nya. Pag baba ko ng sasakyan ay hinila na naman ni Harduel yung kamay ko. Pag pasok namin sa mansion, nasa dining area yung tatlong mag pipinsan. Mukang hinihintay talaga nila ang pag dating namin ni Harduel. Akala ko titigil kami doon, babatiin ko pa sana yung tatlo kaso diretso diretso kami ni Harduel paakyat ng hagdan. Nang makarating na kami sa taas at binitawan na nito ang kamay ko. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka iniwan ni Lawrence sa inyo?" Inis na wika nito. Nakayuko lang ako, ayukong marinig ang sasabihin ni Harduel. "Paasa sya, gusto nya pa ata kayong pag sabayin ni Monica!" Inis na wika nito habang naka pamewang. "Nag kakamali ka, emergency ang nangyare." Sagot ko dito. "Wag ka ngang súnga Sammie, walang emergency dun. Gusto mo si Lawrence diba?" Nang laki ang mata ko sa sinabi nito. Halata ba sakin na gusto ko si Lawrence? "Ano bang pinag sasabi mo dyan, w-wala akong gusto kay Lawrence." Nauutal na sagot ko. "Huwag ka ng mag sinungaling, halata naman sayo. Hindi ka mag kakaganyan kung wala kang gusto sa kanya." Nakangising sagot nito. Hindi nalang ako umimik, wala din naman akong panalo sa lalaking to. Hindi ko akalain na sya ang unang makakaalam ng nararamdaman ko kay Lawrence. Muli ay hinila ako nito sa kamay papasok sa kwarto nya. "Let's make a deal." Wika nito at nag Cross arms sa harap ko. "A-anong klaseng deal?" Nauutal na tanong ko dito. Para akong nakikipag deal sa isang demonyo. Bigla tuloy akong kinabahan, kilala nyo naman si Harduel, moody yan. Hindi ko alam kong anong yokai ang nakasapi sa kanya ngayon. "Mag tulungan tayo, mapupunta sayo si Lawrence at mapupunta sakin si Monica." "A-ano? Nahihibang kana ba!?" Inis na tanong ko dito. "Walang masama sa sinabi ko Sammie. Alam ko naman na simula palang ay si Lawrence na yung nangunguna samin dyan sa puso mo. Kung kayo ni Lawrence ang mag kakatuluyan, babalik na si Monica sakin. Kaya makipag tulungan ka sakin, sinisiguro ko sayo mapupunta sayo si Lawrence ng walang ka hirap hirap." Nakangiting wika nito. Kinilabutan ako sa ngiti nya, lalo na sa gusto nyang mangyare. Hindi pa naman ako ganun ka disperada para lang sa isang lalaki. "Pag isipan mong mabuti yung offer ko sayo Sammie. Mapupunta sayo si Lawrence, makipag tulungan ka lang sakin." Muling wika nito. "Baliw kana talaga, huwag mo kong gamitin para lang bumalik sayo si Monica. Huwag na huwag mo na ulit ako kakausapin tungkol sa bagay na yan." Inis na wika ko dito at lumabas na ng kwarto nya. Pumanhik na ako sa kwarto ko at padabog na sinara ang pinto. "Bwesít na Harduel yun, ako pa ang palalabasin nya na desperado. Samantalang sya itong kating-kati na mag kabalikan sila ni Monica!" Inis na wika ko at padabog na nilapag ang bag ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inggit kay Monica. Hindi pala talaga ako ang ma swerte dito. Una palang ay si Monica na ang nakakuha sa puso ni Harduel at ni Lawrence. Ako kasi, panira lang sa love story nila. Bakit ba hindi ko ito naisip nung una palang? Dahil sa kagustuhan ni Lolo na ipa-date ang mga apo nya sakin, nawalan ng kalayaang pumili ng iibigin ang mga apo nya. Naalala ko yung sinabi ni Lolo na kung wala akong mapili sa apat, hindi nya na ako pipilitin. Hindi kailangang mag suffer ng mag pipinsan dahil lang sakin. Hindi na nila kailangan pang pilitin ang sarili nila na mahalin ako. Hindi nila deserve ang katulad ko. Kung gusto ni Harduel si Monica, at gusto din ni Lawrence si Monica, bahala sila kung sino sa kanilang dalawa ang piliin nito. Ayukong maki-alam sa buhay nila, ayukong mag paka stress sa lovelife ng iba. Sarili ko nalang ang iisipin ko, mabuti na to hangang maaga pa, habang hindi pa malalim yung pag ka gusto ko kay Lawrence. *Kinabukasan* "Sorry nga pala sa nangyare kahapon Sammie." Wika ni Lawrence. Otw na kami ngayon sa university. Sya ang naka schedule ngayon, hinanda ko talaga ang sarili ko ngayong araw dahil alam kong pag uusapan namin yung nangyare kahapon. "Ayos lang yun, lahat naman tayo nag kakaroon ng emergency, kalimutan nalang natin yun." Nakangiting sagot ko dito. "Hayaan mo, babawi ako sayo. Hindi na yun mauulit." Nakangiting wika nito. Pag dating namin ng parking ng university ay agad ako nitong pinag buksan ng pinto ng sasakyan nya. "Salamat" Nakangiting wika ko. "Ako na mag dadala ng bag mo." Wika nito at inagaw na sakin ang bag ko. Hinayaan ko nalang si Lawrence, bahala sya kung anong gusto nyang gawin dahil ako alam ko na ang dapat kong gawin. To guard my heart from him. Papunta na kami ng classroom ng makasalubong namin si Monica. "Good morning lovebirds." Bati nito samin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Napa hawak naman si Lawrence sa batok nya na tila nahihiya. "Nasabi na sakin lahat ni Lawrence ang tungkol sa inyo. Sana si Lawrence ang mapili mo. See you around Sammie." Nakangiting wika ni Monica at tinapik pa nito ang balikat ko bago umalis. Hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin sa mga sinabi nya. Pero bakit parang pinapahiwatig nito na wala silang relasyon ni Lawrence. Naguguluhan na talaga ako. "Pasensya na Sammie, na kwento ko kasi kay Monica yung tungkol sa sitwasyon natin. Parang kapatid ko na kasi si Monica, kaya hindi ako nag lilihim sa kanya." Wika nito na ikinalaglag ng panga ko. So mali lahat ng pag kakaunawa ko? Mali lahat ng pag bibintang ni Harduel sa relasyon nung dalawa? Walang gusto si Lawrence kay Monica? Oh my gosh, yung puso ko tumitiboktibok na naman! Wala naman pala akong dapat ipag-alala. Pag pasok namin ng classroom ay nag tama na naman ang mata namin ni Harduel. Jusme, may sapi na naman siguro ito dahil ang sama na naman nya kung makatingin sakin. Tshh, bahala sya sa buhay nya. Kung gusto nyang makuha si Monica mag effort sya. Huwag nya na akong gamitin sa mga personal na interest nya dahil okey na ako kay Lawrence. S-h-i-t, kinikilig ako sa tuwing iniisip ko na pwede maging kami ni Lawrence. Parang kahapon lang ay nag luluksa ang puso ko. Pero ngayon buhay na buhay na naman sya. Naupo na kami ni Lawrence, hindi ko pinansin si Harduel dahil na iinis talaga ako sa kanya. Pag dating ni Sir Andrew, lahat kami ay natahimik. "Okey class, mag kakaroon tayo ng field trip for 3 days." Wika nito dahilan para mag ingay ang mga classmates ko. Napansin kong parang wala lang dun sa mag pipinsan yung field trip. Last year ay hindi ako nakasama dahil nag kasakit si Lola Susan nun kaya mas pinili ko nalang na umuwi ng Mindoro. "Ito ang huling field trip nyo sa Almodians kaya hindi pwedeng hindi kayo sasama. Sa hindi sasama, sisiguraduhin kong ibabagsak ko kayo ngayong semester!" Seryosong wika ni Sir. - Naubos ang oras ni Sir Andrew dahil sa pag pupulong about field trip. Umalis na yung mag pipinsan at nag pahuli itong si Lawrence. "Sunduin kita mamayang lunch, may pupuntahan tayo." Nakangiting wika nito kaya tumango nalang ako. "Si Lawrence pala naka schedule ngayon. Halatang kinikilig ka day." Panunukso ni Kia sakin ng makabalik na to sa silya nya. "Enebe, sinong di kikiligin kay Lawrence. Alam mo naman na matagal ko ng crush yung tao." Nakangiting sagot ko dito. "Alam mo bang habang kinikilig ka, pinapatay ka naman ni Harduel sa tingin nya." Natatawang wika ni Kia. "H-hindi nga?" "Oo best, sa tuwing tinitingnan ko kayong lima. Si Harduel yung palagi kong nahuhuling nakatingin sayo. Ano bang ginawa mo dun at parang galit na galit yun sayo yung tao?" Tshh, bahala sya sa buhay nya. Basta wala syang aasahan mula sakin. Ekis na sya sakin dahil alam ko naman na si Monica talaga ang gusto nya. Lumipas ang buong klase na ginugulo ni Harduel yung isip ko. Bwesít na lalaki yun, bakit ko ba sya pinoproblema. "Nandyan na sundo mo best, enjoy sa date nyo." Bulong ni Kia sakin bago ito umalis. Nakangiting lumapit naman si Lawrence sakin. Hays, ang gwapo gwapo nya talaga. "Tara na." Nakangiting wika nito kaya tumayo na ako. Wala akong idea kung san kami kakain. Pero dahil sya ang kasama ko, go na go ako kahit san pa yan. Nakarating kami ng parking lot, mukang lalabas kami ng university. Gosh, kulang ang 2 hours break para ma solo ko sya. Pasakay na kami ng kotse ng bigla may tumawag sa pangalan ni Lawrence. Maya-maya pa hingal na lumapit si Monica samin. "Sorry Lawrence, alam kong may lakad kayo ni Sammie ngayon, pero you need to see this." Wika nito at inabot ni Monica yung cp nya kay Lawrence. Napakunot ang noo ni Lawrence sa nakita nya. Tumingin si Lawrence sakin na para bang humihinge ng permission na unahin yung pinakita ni Monica. "Sige na Lawrence, mukang importante yan." Nakangiting wika ko dito. "Sorry Sammie, si Clarence kasi nasa guidance." Wika nito. Si Clarence ang nag iisa nyang kapatid. "B-bakit, anong nangyare. Okey lang ba sya?" Pag aalalang tanong ko. "Wala na tayong oras Lawrence, tara na." Wika ni Monica at pilit na hinihila si Lawrence paalis. Gusto ko sanang sumama sa kanila dahil nag aalala din ako para kay Clarence pero ayaw humakbang ng mga paa ko. "Sige na Lawrence, puntahan mo na muna yung kapatid mo. Sa canteen nalang ako mag la-lunch." Nakangiting wika ko dito at sinara na yung pinto ng kotse nya. Hindi na ito nakaimik pa dahil kinaladkad na sya ni Monica. Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa kotse nito. "Mag isa ka na naman." Agad akong napalingon sa nag salita. Si Norphil pala, hindi ko napansin ang pag lapit nito. "Kanina ka pa ba dyan?" "Yeah, paalis na sana ako ng makita ko kayo ni Lawrence. Padalawang beses na tong nangyare, okey ka lang ba?" Pag aalala nito. "Oo naman, alangan namang unahin pa namin ni Lawrence yung pag d-date kung emergency yung pupuntahan nya." Wika ko dito at pinilit ang sarili na ngumiti. "Alam mo Sammie, kung sa ibang babae yan nag reklamo na sila. Tayo nalang ang mag date, mashadong mahina itong si Lawrence. Hawak kana nya, pinakawalan pa." Nakangiting wika nito at hinila na ako nito sa kamay. Napangiti nalang ako sa sinabi ni Norphil. Buti pa itong si Norphil, laging nandyan para sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD