Confess

1821 Words
Naging masaya naman yung lunch date namin ni Norphil. Kahit na pinag titinginan kaming dalawa sa mamahaling restaurant na kinainan naming dalawa, wa pakels ako. Sunod-sunod yung stress days na nangyare sakin kaya deserve kong kumain ng marami. "Mabuti naman at nag enjoy ka sa lunch natin." Nakangiting wika nito habang nag mamaneho. "Thank you Norphil, napasaya mo yung tiyan ko." Biro ko dito. "Tiyan lang? Alam mo Sammie hindi ka naman mahirap mahalin eh. Mas natatakot nga ako, kasi baka dumating yung araw na ma fall ako sayo, tapos hindi mo naman ako sasaluhin." Seryosong wika nito kaya napatingin ako sa kanya. "Hayaan mo, hindi ko hahayaan na ma fall ka sakin. Ayukong pilitin ang sino man sa inyong mag pipinsan na mahalin ako." Seryosong sagot ko dito kaya sandali din itong napatingin sakin. "Hindi kita ma gets Sammie." Nakakunot noo na tanong nito habang patuloy lang sa pag mamaneho. "Simply lang yun pero di mo gets. Hays, gwapo ka nga pero hina naman ng utak mo." Medyo inis na wika ko dito at tumawa naman ito ng malakas. "Haha, parang sinasabi mong bobo ako nyan." "Parang ganun na nga, napaka simply lang sinabi ko di mo na gets. Ay naku Norphil, sayang muka mo kung mahina utak mo." "Haha, ang ibig kong sabihin paano na yung request ni Lolo?" Muling tanong nito. "Basta hindi kita pipilitin na gustuhin ako. Kung ano yung usapan nyo ni Lolo Jones, kayo na ang mag pasya. Basta ako pakikisamahan ko kayo sa loob ng dalawang buwan. "Eh paano nga kung ma fall ako sayo." Seryosong wika nito kaya natahimik ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko once na na fall sya sakin. "Kung ma fall ako sayo Sammie, gagawin ko ang lahat para piliitin mo ako." Nakangiting wika nito na ikinagulat ko. Sa kanilang mag pipinsan, hindi ko akalain na kay Norphil ko pa unang maririnig ang salitang yan. Pag dating namin ng school, nag offer pa ito na ihatid nya ako ng classroom. Pag dating namin ng room, napakunot ang noo ko ng makita si Harduel na nakaupo sa silya ko. Ano naman kayang ginagawa ng baliw na yan dito? "Hindi na naman pala natuloy ang date nyo ni Lawrence. Kawawa ka naman Sammie." Nakangising wika nito ng makalapit na ako. "Kung nandito ka lang para asarin ako, mas mabuti pang umalis ka nalang." Inis na sagot ko. "Dude, huwag kanang mag effort kay Sammie, si Lawrence ang nagugustuhan nya." Nakangising wika nito kay Norphil na ikinainis ko. "Tama na Harduel! Alam ko naman na ginagawa mo to sakin para makuha mo ulit si Monica. Gusto mong ipag pilitan ko ang sarili ko kay Lawrence para pag nakuha ko na sya, sayo ang bagsak ni Monica!" Sigaw ko dito. Mukang nagulat ito dahil sa sinabi ko. Maraming nakakarinig sa usapan namin dahil malapit ng matapos ang lunch break namin. "Sammie, ginugulo ka ba ni Harduel?" Lahat kami ay napatingin sa babaeng nag salita na nasa pintuan. Si Monica, at kasama nito si Lawrence na nakatingin sakin. Narinig kaya nila ang lahat ng sinabi ko at ni Harduel. "Tamang tama ang dating nyo." Nakangising wika ni Harduel sabay akbay sakin. "Alam mo Lawrence, panalo kana sa larong ito. Nakuha mo na ang puso ni Sammie kaya tigilan na natin to." Wika ni Harduel na ikinagulat ko. Agad ko syang tinulak sa sobrang inis. "Oh bakit ka nagagalit, diba totoo naman ang sinasabi ko? Simula palang ay si Lawrence na yung gusto mo diba? Huwag mo ng paikutin ang ulo naming mag pipinsan Sammie. Dahil alam ko naman na kahit anong gawin naming effort sayo, si Lawrence ang pipiliin mo." Nakangising wika ni Harduel. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. *Pak* "A-anong karapatan mo para pangunahan ako?" Nauutal na wika ko dito dahil nag babadya nading tumulo ang luha ko. Naramdaman ko ang pag hapdi ng kamay kong ginamit sa pag sampal sa muka ni Harduel. "S-Sammie" Pag aalalang tawag ni Norphil sakin. "Oo crush ko si Lawrence, masaya kana? Masaya kana dahil inamin ko na yung totoo?!" Inis na wika ko dito. Halata sa muka ni Harduel ang pag ka gulat. "Gustong gusto mo na si Lawrence yung mapili ko dahil gusto mong bumalik sayo si Monica. Diba yun yung totoo? Pagod na pagod na ako sayo Harduel, kung gusto mong bumalik sayo si Monica at kung may problema ka kay Lawrence bakit hindi sila yung kausapin mo. Bakit sakin mo binubuntong lahat ng problema mo!" Sigaw ko dito. Lahat sila ay natahimik dahil sa pag sigaw ko. Punong puno na talaga ako at gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko. "Duwag ka!" Sigaw kong muli dito at nag walk out na. Gusto kong iiyak lahat ng sama ng loob ko pero ayukong ipakita yun sa harap ni Harduel. Bwesít talaga sya, bakit ba ako nalang palagi ang nakikita nya. Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng paa ko. Nang matiyak ko ng wala ng tao sa paligid ay doon na tumulo ang luha ko, sobrang bigat sa pakiramdam. "Sammie" Nanigas yung katawan ko ng marinig ang boses ni Lawrence. Dali-dali kong pinunasan yung luha ko bago sya harapin. "A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ko sa kanya. "Narinig kong lahat yung pinag usapan nyo ni Harduel kanina. Totoo ba, totoo ba na gusto mo ko?" Seryosong tanong nito habang nakatingin sa mga mata ko. "Kailangan ko pa bang ulitin yun kahit narinig mo na kanina?"Medyo inis na taong ko dito. Napangiti naman ito sa di malamang dahilan. "Gusto kong maging totoo sayo dahil sa mga narinig ko sayo kanina. Ang totoo kasi nyan Sammie, matagal na din kitang gusto at alam ni Monica ang tungkol dun." Napalunok ako ng sunod sunod dahil sa sinabi nya. Ayukong maniwala, paano kung sinasabi nya lang ito dahil sa gustong mangyare ni Lolo? "Yung araw na tinagged ka ni Harduel sa post nya. Sobrang nag alala ako sayo nun dahil alam ko na ang mangyayare sayo. Ni hindi nga kita ma add sa sss dahil natatakot akong mangyare sayo yung ginawa ni Harduel. Nung araw na hinatid kita sa bahay nyo, matagal ko ng alam ang address mo dahil minsan na kitang sinundan. Sorry if I lied to you." Nakayukong wika nito. Parang lahat ng gumugulo sa isip ko ay nag laho dahil sa mga narinig ko mula kay Lawrence. Hindi ko alam kung pina-prank lang ako nito pero gusto ko syang paniwalaan. "Wala akong lakas ng loob na kausapin or lapitan ka dahil natatakot akong awayin ka ng mga fans ko. Sorry Sammie sorry kung hindi kita kayang ipag laban noon." Muling wika nito. Diba dapat nag didiwang ang puso ko dahil sa pag amin nya sakin. Pero bakit hindi ko magawa, bakit parang hindi masaya ang puso ko dahil sa mga narinig ko. "Minsan ka ng na kwento ni Lolo Jones samin. Nung napag alaman kong sa Almodians ka din nag aaral, dun na kita hinanap. Palihim kitang sinusundan, hindi ko namamalayan ang sarili ko na sobrang interesado na pala ako sayo. Dun ko na confirm na gusto na kita." Wika nito at hinawakan ang dalawang kamay ko. Hindi pa rin nag sisink in sa utak ko yung mga sinabi nya. Parang ang hirap kasi tangapin. Parang mas madaling paniwalaan na ako lang yung may crush sa kanya. Sana ay prank lang ang lahat ng ito. ------ Hindi na ako nakapasok sa class ko maging si Lawrence. Mag kasama lang kami ngayon sa cafeteria. Hindi pa din ako maka get over sa mga sinabi nya sakin kanina. Pakiramdam ko kasi hindi ko deserve na magustuhan nya na dapat ako lang yung may crush sa kanya. Akala ko ay malalim na yung nararamdaman ko sa kanya pero mukang pag hanga lang talaga ito. "Sorry Lawrence, hindi ko alam ang sasabihin ko sayo dahil sa mga nalaman ko. Totoo naman na crush kita, hinahangaan kita sa lahat ng bagay. Pero sa tingin ko mababaw lang yun kumpara sa nararamdaman mo sakin." Nakayukong wika ko dito. Hindi ko sya kayang tingnan sa ngayon, baka kasi magalit sya at sabihing paasa ako. "Nauunawaan kita Sammie, alam ko naman ang pag kakaiba ng crush sa gusto. Masaya ako dahil hinahangaan mo ako, pero hindi ibig sabihin nun na susukuan kita. Tama naman si Harduel, mag t-take advantage ako dahil crush mo ako. Ang kailangan ko lang gawin ay ang turuan kang mahalin ako." Wika nito kaya napatingin ako sa kanya. Paano ko malalaman kung mahal ko na ang isang tao? Hindi pala talaga madali ang pag ibig. Akala ko pag crush mo na ang isang tao, pag ibig na ang tawag dun. Pero nung umamin sakin si Lawrence, bakit wala akong naramdamang excitement sa puso ko. Parang normal lang ang lahat, hindi katulad sa mga nababasa ko na may nararamdaman silang kakaiba sa sikmura nila na tinatawag na butterfly in there stomach. Yung malakas na pag t***k ng puso, bakit hindi ko yun naramdaman sa kanya. So ibig sabihin, hindi pa yun ang tinatawag nilang love? Napaka kumplikado pala nito. Mukang maraming proseso bago mo maramdaman ang bagay na yun. - Hinatid na ako ni Lawrence sa classroom ko. Mabuti nalang at hindi pa nag sisimula ang next class ko. "Best, okey ka lang ba? Anong nangyare?" Pag aalalang tanong ni Kia sakin. "Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayare Kia. Umamin sakin si Lawrence na matagal nya na akong gusto,pero bakitganun hindi ako masaya?" Probelmadong tanong ko dito. "A-ano, si Lawrence? Jusme naman best ang haba na talaga ng hair mo ngayon. Pero seryoso, diba crush mo sya pero hindi ka manlang natuwa?" Pag tataka nito. Yung tanong ko tinanong nya din sakin. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Frustrated na wika ko dito at sumubsob ako sa desk ko. "Alam mo bang nag wala si Harduel kanina nung umalis ka." Wika nito kaya napaayos ako ng upo. "Paanong nag wala?" Pag tataka ko. "Hindi nga namin alam, pero bigla nalang hinahis yung upuan kanina. Nilapitan sya ni Monica pero nag walk out na ito." Paliwanag nito kaya mas naguluhan ako. "Baka sinaniban na naman. Wala syang karapatan na magalit dahil ako dapat ang magalit sa kanya. Kung hindi sya naging bida-bida hindi ako maguguluhan ng ganito sa nararamdaman ko for Lawrence. Parang nawala tuloy yung pag hanga ko kay Lawrence ng umamin ito sakin kanina." Problemadong sagot ko at napabuntong hininga. "Isa lang ang ibig sabihin nyan Sammie. Hindi genuine yung nararamdaman mo for Lawrence. Simpling pag hanga lang talaga yan." Pwede ba mangyare yun ? Pero sabi nila kapag ilang taon mo ng crush Ang isang tao,hindi na crush ang tawag dun kundi love na. Ayuko na nga lang isipin ang tungkol dyan. Kung hindi pa handa ang puso ko, hihintayin ko nalang itong maramdaman. Ayukong pwersahin ang sarili ko na maramdaman ang pag ibig na yan baka mag kamali lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD