**HARDUEL'S POV**
"Harduel, let's talk."
Walang gana kong tiningnan si Monica. Nandito sya ngayon sa parking at mukang hinihintay nya talaga ako.
"Para saan pa, dun kana sa Lawrence mo." Sagot ko dito at akmang sasakay na sana ng kotse ko ng pigilan ako nito.
"Until now hindi ka pa rin nag babago, gagø ka pa rin." Wika nito kaya natigilan ako. Alam kong marami ng nag bago sa kanya. Hindi na sya yung Monica na tahimik or walang kibo sa tuwing mag kaaway kami. Alam kong palaban na sya ngayon.
"Ano bang kailangan mo sakin?" Inis na tanong ko dito.
"Let's start again." Nakangiting wika nito kaya napaatras ako. Ito naman ang gusto kong mangyare diba. Yung mag kaayos ulit kami at mag simula ulit. Pero bakit hindi ako masaya?
"Ikaw lang ang hinihintay ko Harduel. Hinihintay lang kita na makipag balikan sakin. Alam kong matagal na tayong hiwalay, pero I still love you. Kaya nung narinig ko yung mga sinabi ni Sammie kanina, nag karoon ako ng chance na kausapin ka ngayon." Nakangiting wika nito. Kita ko sa mga mata nya kung gaano sya ka seryoso.
Nasa harapan ko na si Monica, ang babaeng gusto kong balikan muli. Pero bakit hindi natutuwa ang puso ko? Buong buhay ko sya lang yung gusto kong makuha ulit, pero ngayong may pag kakataon na ako ni rereject na sya ng puso at isip ko.
"Sorry Monica, magulo ang isip ko ngayon. Pag usapan nalang natin to sa sunod na araw." Wika ko at pumasok na ako sa kotse ko.
Kanina pang magulo ang isip ko, lalo na nung sinampal ako ni Sammie. Sya ang kauna-unahang babaeng sumampal sakin ng ganun. Alam kong deserve ko naman yun dahil sa kagagühan ko. Nung nakita ko yung mga mata nya kanina, I see the pain and sadness. Yun ang hindi mawala sa isip ko. Pakiramdam ko nakagawa ako ng malaking kasalanan na dapat kong pag sisihan. Ano naman ang paki-alam ko sa Sammie na yun? Sino ba sya? Bakit nagagawa nyang guluhin ng ganito ang isip ko.
Naging successful naman ang plano ko diba? Dapat matuwa ako dahil mapapasakin na ulit si Monica. Pero bakit pakiramdam ko I failed? Bakit hindi ako masaya sa naging resulta. Sh*t, mababaliw ako sa pag iisip dahil sa babaeng yun. Hindi dapat ako na aapektuhan ng ganito dahil sa nangyare. Pero bakit nahihirapan ako ng ganito.
-
Pag dating ko ng mansion si Sammie agad ang hinanap ng paningin ko.
"Umalis sila ni Lawrence, mukang mag d-date." Wika ni Norphil na nag babasa ng libro. Hindi ko naman sya tinatanong about kay Sammie, ganun na ba kalahata na hinahanap ko to.
"Ganun ba, mabuti naman at okey na sila. Hindi na natin kailangan sundin ang gusto ni Lolo. Hayaan na natin si Lawrence dahil sya naman talaga ang gusto ni Sammie." Nakangising wika ko dito.
"Sigurado ka ba sa bagay na yan Harduel? Bakit parang iba naman ang kinikilos mo?" Nakangising sagot ni Norphil na kinaiinis ko.
"What do you mean?" Inis na sagot ko dito.
"What do I mean? Ikaw lang makakasagot nyan. Bakit hindi nalang kasi tayo mag paka totoo sa nararamdaman natin." Wika nito kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko ma gets ang sinasabi nya. Minsan itong si Norphil may mga kahulugan ang sinasabi nya na hindi ko maunawaan.
"Magiging malinaw din ang lahat sayo. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat bago mangyare yun." Wika nito at tumayo na sa kinauupuan nya. Tinapik pa nito ang balikat ko ng madaanan nya ako.
Mas nadagdagan ang mga iniisip ko dahil sa sinabi nya.
Alas otso na ng gabi at wala pa rin si Sammie and Lawrence. Hindi naman tama na umuwi sila ng late dahil in the first place hindi pa naman sila diba? Pero paano kung sila na?
"Iho, may problema ba?" Tanong ni Aunt Vivian. Napansin siguro nito na hindi ako mapakali.
"Nothing" Cold na sagot ko at ngumiti lang ito bago bumalik ng kusina. Tiningnan ko si Norphil and Wyatt na nakaupo sa sofa. Bakit hindi sila nangangamba na mag kasama si Lawrence and Sammie ng ganitong oras? Palagay na palagay ang loob nila kay Lawrence. Hindi ba sila natatakot na si Lawrence ang mag wagi sa puso ni Sammie?
Hays, ito naman ang gusto ko mangyare diba? Pero bakit mas muka pa akong problemado kesa sa kanila?
Nang marinig ko ang pag dating ng sasakyan ni Lawrence ay agad akong lumabas ng mansion. Tumago ako sa poste kung saan hindi nila ako mapapansin. Napakunot yung noo ko dahil mukang mag kasundong mag kasundo na sila.
Ilang sandali pa, nang laki ang mata ko ng lumapit ng sobra si Lawrence kay Sammie. Hindi ako pwedeng mag kamali, hinalikan ni Lawrence si Sammie. Ngiting ngiti naman si Sammie after gawin ni Lawrence ito sa kanya.
Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakakuyom na pala ang kamay ko. Sh*t ano ba tong nangyayare sakin? Anong pakialam ko kung nag kakamabutihan na sila? Mukang hindi ko na kailangan pang mag sorry kay Sammie dahil nag eenjoy naman sya sa kung anong meron sila ni Lawrence ngayon. Dapat nga sya pa ang mag pasalamat sakin dahil kung hindi ko sya pingunahan, hindi sila aabot ni Lawrence sa ganyan.
"Bro, sila Sammie na ba yung dumating?" Tanong ni Wyatt. Hindi ko to pinansin at pumanhik na ako paakyat ng hagdan.
**SAMMIE'S POV**
Hindi ko matangal yung seatbelt ko kaya tinulungan na ako ni Lawrence na alisin to. Sobrang lapit nya sakin, amoy na amoy ko yung pabango nya. Kung siguro, kung hindi sya umamin sakin na gusto nya ako, baka kinikilig na ako sa mga oras na to.
"Thank you." Nakangiting wika ko dito.
"You're always welcome. Sana nag enjoy ka sa 1st date natin." Nakangiting wika nito.
"Oo naman, sa wakas at natuloy din." Pabirong sagot ko dito at bumaba na kami ng sasakyan.
"Sobrang saya ko ngayon Sammie, Thank you." Nakangiting wika nito.
"Tara na, baka kanina pa nila tayong hinihintay." Wika ko dito at nauna ng pumasok ng mansion.
"Kamusta naman ang first date nyong dalawa?" Nakangiting bungad ni Norphil.
"Nag enjoy ka ba Sammie?" Tanong naman ni Wyatt. Tumango ako bilang sagot.
"Tsk, hindi ako mag papatalo sayo Lawrence kaya humanda ka sa date natin bukas Sammie babe." Wika ni Wyatt sabay kindat sakin. Napa-iling nalang ako sa sinabi ni Wyatt. Sobrang layo ng ugali nilang tatlo kay Harduel. Speaking of Harduel, nasan kaya ang hambog na yun?
"Kanina pa kayong hinihintay ni Harduel. Hindi nga mapakali kanina nung wala pa kayo. Pero nung dumating na kayo, pumanhik na sya sa kwarto nya." Wika ni Norphil na nakatingin sakin. Nabasa nya ba yung iniisip ko, o mashado lang obvious na hinahanap ko ito?
"Goodnight na sa inyo, mag papahinga na ako." Nakangiting wika ko sa kanila at nauna na akong umakyat sa taas. Napalunok ako ng mapatingin sa pinto ni Harduel. Tulog na kaya sya ngayon? Hays, ano bang paki-alam ko sa lalaking yun. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanya, at hindi ko sya mapapatawad hanggat hindi sya humihinge ng sorry sakin!
Pag pasok ko ng kwarto ko ay agad akong nag asikaso ng sarili ko. Dahil hindi pa naman ako inaantok ay cheneck ko muna ang sss account ko. Habang busy ako sa kakakulikot ng cp ko, may nag message sakin. Napakunot ang noo ko ng mag show ang picture ni Harduel with 1 message. Napalunok ako bago ito basahin.
(Congrats, mukang enjoy na enjoy ka sa date nyo ni Lawrence. Mag pakipot ka naman, hindi yung todo bigay kana agad)
Napabangon ako dahil sa nabasa kong message nya. Bwesít talaga tong Harduel na to, anong pinag sasabi nya na todo bigay? Hindi ko nalang ito ni replayan dahil na dagdagan lang ang pagka-bwesit ko sa kanya.
**KINABUKASAN**
Si Wyatt yung nag hatid sakin, nakakatuwa dahil may pa bouquet of roses ito sakin kaninang umaga. Literal na manliligaw talaga ang galawan nitong si Wyatt. Hindi na ako mag tataka kung bakit sya ang tinaguriang chickboy sa kanilang mag pipinsan. Sya kasi talaga yung magaling pag dating sa babae kaya kailangan mag doble ingat ako sa kanya.
Pag dating namin ng parking lot, naabutan ko si Harduel at Monica na nag uusap. Nag katinginan pa kami ni Harduel pero agad nyang inakbayan si Monica at umalis na sila.
So okey na silang dalawa? Sa bagay, yun naman talaga ang intensyon nya kung bakit sya nag iskandalo sa classroom kahapon. Ginamit nya lang talaga ako para makuha nya ang atensyon ni Monica.
"Next week na ang field trip natin, kompleto na ba mga gamit mo?" Nakangiting tanong ni Wyatt habang paakyat na kami ng building.
"Hindi pa, baka sa Saturday nalang ako mamili." Nakangiting sagot ko dito.
"If you don't mind, pwede ba kitang samahan?"
"Oo naman, kasama ko din kasi si Kia nun. Mas masaya kung mas marami diba?" Excited na sagot ko dito. Napakamot naman ng ulo si Wyatt, mukang hindi sya nag tagumpay na ma solo ako. Halata naman kasing disappointed sya nung sinabi kong kasama si Kia.
Pag dating namin ng classroom, nandun na yung tatlong mag pipinsan. Nag katinginan na naman kami ni Harduel and as usual parang lalamunin na naman ako nito ng buo dahil sa sama ng tingin nya sakin.
"Excuse me!" Madiin na wika ko ng madaanan ko to. Lumipas ang 1st class namin na puro tensyon yung nasa pagitan namin ni Harduel. Kulang nalang ay sumabog kami a sobrang inis sa isat-isa.