Kabanata 18

1574 Words
-lunch break- Mag kasama kami ngayon ni Kia sa canteen. Nag text kasi itong si Wyatt na hindi nya ako masasamahan mag lunch dahil may tinatapos pa syang activity. Mas pabor sakin yun dahil masasamahan ko si Kia. Nakakamiss din kasi kumain ng lunch na walang iniintindi. Lagi nalang kasi kaming pinag titinginan ng mga schoolmates namin sa tuwing kasama ko yung isa sa mag pipinsan. Habang kumakain kami ni Kia, may nakaagaw agad ng atensyon ko. Mag kahawak kamay na papasok ng canteen si Harduel and Monica. Wala akong nababasang emotion sa muka ni Harduel, pero halata namang masaya si Monica. "Sila na ba?" Tanong ni Kia sakin. "Hindi ko alam, pero mukang nag kabalikan na sila." Sagot ko at pinag patuloy na ang pag kain. "Diba isa sa rules ni Mr Jones na hindi pwedeng makipag date sa ibang babae hangat hindi pa tapos yung binigay nyang deadline. Isa pa, wala ka pa namang napipili diba?" Pag tataka nito kaya tumango nalang ako bilang sagot. "Hayaan mo nalang sya Kia, hindi naman kawalan si Harduel sakin. Sakit lang sya sa ulo ko, mas mabuti nga na hindi na sya mag effort na makipag date sakin. Dahil wala namang pag asa na mahalin ko sya." Sagot ko dito. Nawalan na ako ng gana kumain. Hindi ko alam pero gusto ko nalang umalis ng canteen. Bigla nalang sumama yung pakiramdam ko ng makita ko si Harduel. Na usog ata ako ng bwésit na yun. Kia's Pov **Friday** Lunch break Paalis na kami ni Sammie sa classroom para mag lunch ng biglang dumating si Harduel. Ang pag kakaalam ko si Norphil ang nag hatid ngayon kay Sammie kahit si Harduel naman talaga ang naka schedule dito. Paanong hindi ihahatid ni Norphil si Sammie eh iniwan ni Harduel itong bestfriend ko sa mansion. Napag alaman din namin na si Monica ang kasabay ni Harduel pumasok dahil maraming nakakita sa kanila sa parking lot. Jusme mababaliw na talaga ako sa ganap sa buhay ng bestfriend ko. "Tara na Bess, may masamang hangin kasi na dumating." Wika ni Sammie sakin at hinila na nito ang kamay ko paalis. Agad naman na humarang si Harduel sa unahan namin. Napakagat nalang ako sa lower lips ko dahil mukang maiipit ako sa tensyon ng dalawang ito. "Ano bang problema mo huh Harduel?" Inis na tanong ni Sammie dito. "Ako pa talaga ang may problema dito? Hoy Sammie, sa tingin mo hindi ko napapansin na iniiwasan mo ko?" Inis na wika nito. "Ako umiiwas sayo? In your nightmares!" Sigaw ni Sammie dito. Para akong timang na palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Para silang mag jowa na may LQ. Hindi ba sila nahihiya na pinag titinginan na sila ng ibang mga studyante. Dahil sa eksena nila, nakaharang na sila sa daanan. Napaatras nalang ako dahil mukang wala silang balak na mag paawat sa bangayan nila. "Tara na, hayaan mo nalang silang dalawa na mag usap." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lalaking nag salita mula sa likuran ko. Sh*t, hindi ko napansin ang pag dating ni Norphil. Mag sasalita pa sana ako ng bigla nitong hinila ang wrist ko. "T-teka lang Norphil, paano si Sammie." Nauutal na tanong ko habang hila-hila ako nito. "Hayaan mo sya, malaki na yun. Kilala ko si Sammie pag dating kay Harduel hindi yun mag papatalo." Wika nito at nakangiting lumingon sakin. Ano pa nga bang magagawa ko, hawak nya yung kamay ko at wala na akong kawala. Sa lahat ng mag pipinsan si Norphil lang yung madalas na nakikipag usap sakin. Tinuturing nya talaga akong bestfriend ni Sammie. Samantalang yung tatlong mag pipinsan, parang hindi nila napapansin ang presensya ko. Kaya kung ako ang papipiliin para sa love life ni Sammie. Si Norphil ang pipiliin ko para sa kanya. "Madalas ba na mag away si Harduel at Sammie?" Pag aalalang tanong ko dito. "Oo, simula't sapul naman. Pero mas grabe nitong nakaraan araw simula nung napaamin si Sammie sa harapan nila Lawrence nya na crush nya ito. Pero sa mansion naman hindi sila nag iimikan, pero kita at ramdam naman namin yung tensyon sa pagitan nila." Wika nito at binitawan na ang kamay ko. Nakarating kami ng canteen na hindi namin namamalayan dahil sa pag kukwentuhan. "Anong gusto mong kainin, sagot ko na lunch mo." Nakangiting wika nito. "Sigurado ka dyan? Malakas pa naman ako kumain lalo na pag libre." Pabirong wika ko dito. "Haha sige na mag order kana." Nakangiting wika nito kaya nag order na ako. After naming makuha yung mga inorder namin, ramdam ko yung mga matang nakatingin samin. Siguro hindi ito napapansin ni Norphil dahil sanay na sya sa ganitong sitwasyon. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Sammie sa tuwing kasama nya yung mag pipinsan. "Don't mind them, kumain ka lang." Nakangiting wika ni Norphil na ikinagulat ko. Ngumiti nalang ako at pinag patuloy ang pag kain. Patapos na kami kumain ni Norphil ng dumating si Harduel and Sammie. Kumaway naman si Norphil kay Sammie kaya na wala agad ang pag kalukot ng noo nito. Mukang napilitan syang pumunta ng canteen kasama si Harduel. Lumapit si Sammie samin at sumunod naman si Harduel. "Okey ka lang ba best?" Pag aalalang tanong ko dito. "Mukang ba akong okey? Ikaw Norphil, sinong nag sabi sayo na agawan mo ko ng bestfriend?" Inis na wika nito kay Norphil. "Kumalma ka nga muna. Niligtas ko lang naman si Kia sa tensyon nyo ni Harduel kanina. Mukang okey naman na kayo kaya kumain na kayong dalawa." Wika ni Norphil sabay inom ng tubig nya. "Ikaw na ang omorder." Utos ni Harduel kay Sammie at inabot nito ang wallet nya. "Hindi mo ko utusan, kung gusto mong kumain, omorder ka ng sayo." Inis na wika ni Sammie at pumunta na ito ng counter. Napailing nalang si Harduel at sumunod din ito kay Sammie. "Mukang hanggang dito ay mag aaway sila. Tara na, bago pa tayo madamay sa init ng ulo nila." Nakangiting wika ni Norphil at hinila na naman ako nito paalis. "Sa tingin mo, may pag asa pa kaya na mag kasundo yung dalawa?" Tanong ko dito. Sa right way sana ako dadaan dahil pabalik na un ng classroom namin pero hinila ako nito sa kabilang daan which is papunta sa Green forest. Madalas din kaming dumaan ni Sammie doon para mag pahangin. Binitawan din ni Norphil yung kamay ko kaya malaya na akong nakakakilos. "Naniniwala ka ba sa kasabihang, the more you hate, the more you love?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ko. "Hindi, mahirap naman kasing mahalin ang taong kinaayawan or kinaiinisan mo." Sagot ko dito kaya napangiti ito. "Sabagay, imposible naman talaga yun. Pero tingnan nalang natin kung anong mangyayare sa huli." Nakangiting wika nito na para bang excited sa mga susunod na mangyayare. "Matanong ko lang Norphil, seryoso ka ba sa pangliligaw sa bestfriend ko?" Natigilan ito sa pag lalakad dahil sa tanong ko. Gusto ko lang malaman ang side nya. Dahil sa mag pipinsan, parang sinusunod nya lang kung ano yung dapat. "Why did you ask?" Nakakunot noo na tanong nito. "Para kasing pa easy-easy ka lang. Di ka ba natatakot na baka si Harduel, si Lawrence or si Wyatt ang mapili ni Sammie?" Pag aalalang tanong ko dito. "Alam ko naman simula palang na wala na akong laban sa kanila. So bakit pa ako mag e-effort? Ang importante naman ginagawa ko pa din yung part ko. Nakikipag date pa din naman ako kay Sammie. Hindi namin kailangan pwersahin ni Sammie para magustuhan kami nito. Pero masaya naman ako sa kung anong namumuong relasyon saming dalawa." Nakangiting wika nito. Nakatingin lang ako sa muka ni Norphil. Ewan ko ba pero mashado akong pinapahanga ng lalaking to. "Wag mo mashadong problemahin si Sammie, mag tiwala ka lang sa kanya. Alam kong alam ni Sammie ang ginagawa nya." Wika nito at inakbayan ako. Nag simula na ulit kaming mag lakad lakad. Sana lang talaga ay tama ang maging disisyon ni Sammie sa pag pili sa taong mamahalin nya. "Ikaw ba Kia, anong gusto mo sa isang lalaki?" Natigilan ako sa tanong ni Norphil. Ito kasi ang unang beses na may nag tanong sakin na lalaki tungkol dyan. Kaming mga babae kasi, kadalasan sinasabi namin is kung ano yung perfect sa isang lalaki. Pero alam kung hindi naman yun ang nasusunod. Kasi once na tumibok na yung puso mo sa isang tao. Kahit wala sa kanya yung katangian na gusto mo, wala ka ng magagawa kundi tangapin kung anong meron ito dahil mahal mo na to. Naalala ko tuloy yung love story ni mama at papa. Sabi ni mama, gwapo at matalinong lalaki daw ang gusto nya. Pero na inlove sya sa papa ko na hindi naman ka gwapuhan at katalinuhan pero madiskarte naman sa buhay. "Yung kayang tangapin kung ano ako." Nakangiting sagot ko dito. "Tama ka naman dyan, mahirap kasi sa isang relasyon kung may katangian ka na hindi tanggap ng magiging partner mo. Magiging sanhi lang ito ng hindi pag kakaunawaan. Pero sabi nga nila, kung talagang mahal ka ng isang tao, kahit ano pa anong panget na katangian mo, buong puso nya itong tatanggapin." Nakangiting paliwanag nito. Si Norphil yung tipo ng lalaki na may sense kausap, parang napakalalim nya pag dating sa mga ganitong usapin. Marami syang nalalaman sa mga ganitong bagay, siguro kapag nag karoon ako ng problema, sa kanya ako hihinge ng advice. Ma swerte ang magiging girlfriend nya dahil tiyak kong mabuting lalaki si Norphil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD