CHILDISH

1550 Words
Monica's Pov Kanina ko pang hinahanap si Harduel para yayain kumain ng lunch. Pinuntahan ko na to sa classroom nya pero ang sabi ng mga classmates nya ay nakaalis na daw ito kanina pa. Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Alam kong hindi pa malinaw kung ano ang meron kami ngayon, pero pinipilit kong mag kaayos ulit kami dahil alam ko naman sa sarili ko na mahal ko pa rin sya. Sa pag hahanap ko nakasalubong ko si Lawrence, si Lawrence na nakakaunawa sakin. Noon pa man ay alam nya na ang nararamdaman ko kay Harduel. Sya yung takbuhan ko sa tuwing masama ang loob ko sa pinsan nya. Marami kaming pag kakatulad ni Lawrence kaya mag kasundo kami nito. Hindi lang talaga maunawaan ni Harduel na mag kaibigan lang kami ng pinsan nya. Mashado akong nasasakal sa mga gusto nyang mangyare. Possessive sya pag dating sa pag-ibig kaya hindi ko na kinaya. Oo mahal ko sya, pero nakakasakal yung pag ibig nya. Lagi syang nag seselos kahit wala namang dapat pag selosan. Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit galit sya kay Lawrence. Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit hindi maganda ang samahan nilang dalawa. Pero sabi ni Lawrence hayaan nalang daw namin si Harduel. Dahil in the first place ito naman daw ang may kasalanan kung bakit kami nag hiwalay. Akala ko sa pag lipas ng panahon ay mawawala na yung love ko sa kanya, pero hanggang ngayon ay nandito pa din. Nung araw na tinag nya si Sammie, ang babaeng madalas saking kinukwento ni Lawrence, sobrang nasaktan ako nun. After naming mag break ay wala akong na balitaan na may naging ibang babae si Harduel. So kampanti ako na ako pa rin yung nasa puso nya. Pero nung nabasa ko yung post nya, it's really hurts. I ask my self, ano bang meron sa Sammie na yun dahil maging si Harduel ay nakuha nya ang atensyon nito. Sa takot kong tuluyan na mawala sakin si Harduel, lumapit na ako kay Lawrence para mag patulong. Pumayag naman sya dahil gusto nya na din naman mag confess ng nararamdaman nya for Sammie. Sadyang swenerte lang kami ni Lawrence ng maabutan naming nag aaway si Harduel at Sammie. Sobrang saya ko ng malaman na gusto ni Harduel na makuha ulit ako. Ayuko ng mag aksaya ng Oras kaya kinausap ko na sya. Pero parang may mali, dahil nung nakausap ko sya, ramdam kong hindi na sya yung Harduel na minahal ko noon. Pakiramdam ko wala na akong puwang sa puso nya. Pero hindi ako susuko, siguro ganun naman talaga kapag matagal na kayong break. Nag aadjust pa siguro sya sa mga nangyayare. Kahit ako ganun din naman, bata pa kami noon at alam kong nag matured na kami ngayon. Kaya ko na syang i-handle ngayon yung ugali nya, gagawin ko ang best ko para maging maayos ang relasyon namin. "Nag lunch kana?" Tanong ni Lawrence ng mag kalapit kami nito. "Hindi pa, hinahanap ko kasi si Harduel para sabay na kaming kumain." Nakangiting sagot ko dito. Tiningnan nya ang suot nyang relo. "Wala ka ng time, sasamahan na kita sa canteen para kumain." Wika nito at hinila na ako papuntang canteen. Napabuntong hininga ako, hindi ko namalayan ang oras dahil sa pag hahanap kay Harduel. Pag dating namin ng canteen, natigilan ako ng makita si Harduel. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko inaasahan na dito ko lang pala sya makikita at kasama nito si Sammie. "Tara na, sa labas ka nalang kumain." Wika ni Lawrence at hinila na ako nito paalis. Hindi na ako nag reklamo pa dahil yun din naman ang gusto ko, ang umalis sa lugar na yun dahil hindi ko kayang makita si Harduel na may kasamang ibang babae. **Sammie's Pov** "Ayuko nga, bakit mo ba pinag pipilitan na isubo ko yang nasa kutsara mo!" Inis na wika ko kay Harduel. Para syang timang, akala nya ba madadaan nya ako sa mga ganyang moves nya. "Ang arte mo, bilisan mo na at nangangalay na ko." Inis din na wika nito. "Alam mo, ang dami mong pakulo. Kumain ka nalang dyan, wag mo na ako idamay sa ka wirduhan mo." Inis na wika ko at hindi na ito pinansin. Nakakainis kasi, gusto ba naman akong subuan. Ano sya hello? Muka ba kaming sweet couple para gawin ang bagay na yun. Sa tuwing nakikita ko nga ang pag mumuka nya ay kumukulo na ang dugo ko. "Kung si Lawrence ba ang nasa katayuan ko ngayon, kakainin mo to?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi ko naman talaga alam kung gagawin ko ba o hindi. "Tsh, hindi mo na kailangan pang sumagot dahil alam ko na ang isasagot mo. Ganun mo ba ka gusto si Lawrence?" Kalmadong tanong nito. Maging ako tuloy ay naguguluhan na sa sarili ko. Alam ko naman kasi na crush ko lang si Lawrence pero bakit ang dating kay Harduel ay parang patay na patay ako dito? "Alam mo Harduel, gutom lang yan kaya kumain kana." Wika ko at sinandukan ko ito ng pag kain galing sa plato ko at kung ano yung ginawa nya sakin kanina ay ginawa ko din dito. Mukang nagulat ito sa ginawa ko pero ngumisi ito at tinangap yung sinubo kong pag kain sa kanya. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. I didn't expect na kakainin nya yun. Tuwang-tuwa pa ang gagó, para syang bata na tuwang tuwa. Maya-maya ay ngumanga na ito kaya napakunot ang noo ko. Sumenyas ito sakin na subuan ulit sya. Natawa nalang ako sa inaasta nito pero ako na uto-uto ay sinubuan ulit sya. Ito ata ang unang beses na nag kasundo kaming dalawa. Dahil sa kabaliwang ito ay hindi kami nag aaway. Okey din naman pala ang ka abnormalan nitong si Harduel. Napansin kong may nag pipicture samin kaya natigilan ako. "Don't mind them, sige na Sammie isa pa." Seryosong wika nito pero wala na akong balak na subuan sya dahil nakakahiya yung ginagawa namin. Nagulat ako ng biglang tumayo si Harduel. "Anong tinitingintingin nyo dyan!" Bulyaw nito sa mga kasama namin sa loob ng canteen. Jusme nakakahiya talaga ang lalaking to napaka iskandaloso. Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyang dala nito. Mauubusan talaga ako ng dugo pag si Harduel ang ka date ko. After namin kumain ay hinatid na ako nito sa classroom. Nakakapanibago yung pinapakitang pag uugali ni Harduel ngayon. Ano kayang yokai ang nakasapi sa kanya ngayon? "See you later." Saad nito bago ako iwan sa classroom, tumango nalang ako dito bilang response. Naguguluhan talaga ako, ano nalang ang sasabihin ni Monica kapag nalaman nyang mag kasabay kami ni Harduel kumain ng lunch? Kung gusto ng abnormal na Harduel na yun na mag kaayos sila ni Monica, dapat ay iwasan nya na ako. Ayos na ayos lang naman sakin kung hindi nya na ituloy yung pang liligaw sakin. Ayuko lang na sumama ang loob ni Monica sakin, ayukong mag karoon kami ng misunderstanding dahil kay Harduel. **KINABUKASAN* After naming mag breakfast ay nag asikaso na ako para sa pag alis namin ni Wyatt. Ngayon kasi kami mag sha-shopping para sa gaganaping fieldtrip namin sa monday. Pag labas ko ng kwarto ko ay sakto din naman ang pag labas nito kaya sabay na kaming bumaba ng hagdan. "San kayo pupunta?" Tanong ni Harduel ng makita kami nito na pababa ng hagdan. "Sa mall, sasamahan ko si Sammie mamili ng gagamitin nya sa field trip." Sagot ni Wyatt dito. "Teka, hintayin nyo kami." Wika ni Norphil at nag madali na yung tatlong umakyat ng kwarto nila. Napakamot naman ng ulo si Wyatt. "Hays, asungot talaga ang tatlong yun." Padabog na wika nito at nauna ng lumabas ng mansion. Maya-maya pa ay natanaw ko na yung tatlo na nag mamadali pababa. Ni hindi na nag bihis ang mga ito, nag jacket lang sila na may hood tapos mga naka sun glasses. Kahit ano namang ayos nila, muka silang mga celebrity. "Tara na Sammie." Nakangiting wika ni Norphil at inakbayan pa ako nito. "T-talaga bang sasama kayong lahat sa mall?" Nauutal na tanong ko. "Bakit ayaw mo ba? Mamimili din kami." Wika ni Harduel at inirapan ako nito. Tsk, tusukin ko mata nito eh. "Sa van nalang tayo sumakay para mag kakasama na tayo." Wika ni Lawrence. "Sige." Sagot ni Norphil, hindi naman nag reklamo si Harduel kaya mukang okey din sa kanya. Pag labas namin nakaabang na din si Wyatt samin. Wala na din itong naging imik at sumakay nalang din ng van. Ito ata ang kauna-unahang beses na nag sama-sama sila sa iisang sasakyan. "Si Kia ba, sasama ba sya?" Tanong ni Norphil kaya napatingin kaming lahat dito. Napangisi ako dahil may napapansin akong kakaiba kay Norphil. Kahapon lang ay ninakaw nya sakin si Kia, tapos ngayon hinahanap nya. "Oo, sa mall nalang daw tayo mag kita-kita." Nakangiting sagot ko dito. Mukang hindi lang ako yung nakapansin na may kakaiba kay Norphil dahil iba din ang tingin sa kanya ng mga pinsan nya. "My problema ba?" Tanong ni Norphil samin. Wala namang sumagot sa kanya at umiwas nalang kami ng tingin dito. Sana lang talaga ay tama itong naiisip ko, hindi naman siguro masama kung mag kakagusto si Norphil sa bestfriend ko. Isa pa bagay na bagay naman silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD