Pag dating namin sa entrance ng mall, nakita ko kaagad si Kia kaya kinawayan ko to. Medyo nagulat ito ng makitang kasama ko ang mag pipinsan.
"Gaano ba kadami ang bibilhin mo at nag sama ka pa ng maraming guards?" Pabirong bulong nito sakin.
"Hindi yan guards, mga asungot yan." Sagot ko dito.
"I heard that, sinong asungot?" Inis na tanong ni Harduel.
"Napaka chismoso mo naman, Tara na nga Bess." Inis na wika ko at yumakap nalang sa braso ni Kia papasok ng mall. Nakasunod lang samin yung apat na mag pipinsan.
Habang nag lalakad kami sa mall, hindi mag kanda mayaw sa kilig yung mga nakakasalubong namin. Paano naman kasi, ang ga-gwapo nitong mga kasama namin. Hindi nga lang halata na kasama namin sila kasi medyo kumawang kami ni Kia sa mga ito.
"Ang lakas talaga ng dating nung mag pipinsan nuh, kahit san mo dalhin agaw atensyon talaga." Wika ni Kia kaya tumango ako dito bilang pag sang-ayon.
"Hoy Sammie, sabihin mo lang kung mamimili ka ba or mag wiwindow shopping lang. Baka kasi hindi mo afford mga presyo dito." Mayabang na wika ni Harduel kaya napatigil ako sa pag lalakad at humarap dito.
"Anong sinabi mo? Hoy Harduel, FYI lang pero may budget ako para dito!" Inis na wika ko dito.
"Mag kano?" At tinaasan ako nito ng isang kilay.
"L-limang libo." Nauutal pa na sagot ko.
"What? San aabot yun?" Di makapaniwalang wika ni Wyatt.
"I told you, pulubi ka talaga." Mapang lait na wika ni Harduel. Nag sisimula na naman ang hambog na to.
"Don't worry Sammie, kung kulangin budget mo, ako na ang bahala." Nakangiting wika ni Lawrence.
"Hindi na kailangan Lawrence, ako na mag babayad." Wika naman ni Harduel, mukang may balak pa ata silang mag away.
"Para talaga kayong aso't pusa. Para hindi na kayo mag away, ako na ang mag babayad." Wika ng isang pamilyar na boses. Lahat kami ay napatingin sa babaeng lumapit samin.
"Hi Sammie, at sa inyo din mga kuya's" Nakangiting wika ni Hardelien.
"H-hello." Nauutal na bati ko dito. Yumakap ito sa kabilang braso ko. So pinagigitnaan nila ako ni Kia.
"Sabi na nga ba at kayo lang yan. Mashado nyo ng kinukuha ang atensyon ng mga tao. Cause na kayo ng traffic, tingnan nyo." Wika ni Hardelien at nang laki ang mata ko dahil nag kukumpulan na nga ang mga tao sa pwesto namin.
Nag madali na kaming mag lakad, hindi na namin pinansin yung mga lalaki sa likuran namin.
"By the way Hardelien, this is my bestfriend Kia." Pakilala ko dito.
"Nice to meet you Kia, I'm Hardelien, twin sister ni Harduel. Natutuwa akong makilala ka, friends na din tayo ah." Nakangiting wika nito.
"Ah eh, sige kung yan ang gusto mo." Naiilang na sagot ni Kia pero agad din naman itong ngumiti. Naalala ko na naman yung gabing sinama ako ni Hardelien sa bar. Hindi na talaga yun mauulit.
"By the way, anong ginawa mo para mapasama yung apat na lalaki? You know naman na hindi sila mag kakasundo lalo na at mag kakumpitensya silang apat dyan sa puso mo." Mahinang wika nito sabay lingon sa likuran nya.
"Hindi ko din alam eh, may field trip kasi kami sa Monday. Kami lang dapat ni Kia and Wyatt ang mamimili. Pero nung nalaman nung tatlo na aalis kami ni Wyatt, sumama na sila." Paliwanag ko dito.
"Field trip? Oh my gosh, pwede ba outsider dyan? Wait I will call Lolo Jones para magawan nya ng paraan." Wika nito at agad na kinuha ang phone nya. Napanganga nalang ako dahil sa ginawa nito.
"Hi Lolo, it's me your pinakang magandang apo." Wika ni Hardelien sa kausap nya sa phone.
"Grandpa can I ask a favor?" Malambing na wika nito.
"Ano kasi, I heard na may field trip ang Almodians. Pwede mo bang gawan ng paraan para makasama ako?"
"Really? Wahh Thank you lolo! The best ka talaga! I love you!" Tuwang tuwa na wika nito sa phone.
"May nangyare ba? Bakit parang sobrang saya mo naman ata?" Pag tatakang wika ni Wyatt ng lumapit ito samin.
"Makakasama nyo kasi ako sa field trip nyo." Nakangiting wika nito.
"Ano?!!!" Sabay sabay na wika nung apat.
"Ang OA ah, kailangan sabay-sabay?" Inis na wika ni Hardelien sa mga ito.
"Bawal outsider dun, bumalik ka nalang sa Lift Up!" Inis na wika ni Harduel.
"Sorry ka nalang, pero nagawan na ng paraan ni Lolo. Kaya either you like it or not, I'm going with you, you, you, you, you and you!" Wika nito at Isa-isa kaming tinuro.
"Hays, game over na." Wika ni Harduel sabay hawak sa ulo nya. Feeling ko malaking problema si Hardelien sa buhay nilang apat. Hahahaha, si Hardelien lang pala ang katapat nila.
"So let's go na, excited na ako!" Kinikilig na wika nito at yumakap na naman sa braso ko. Sinilip ko yung apat sa likod, mukang hindi sila masaya sa sitwasyon ngayon. Hahhaa, mga mukang nalugi eh.
Nasa department store na kami ngahon habang may tulak-tulak akong cart. Hindi ako makapaniwala sa nangyayare ngayon.
"Hardelien, make sure na mga ka paki-pakinabang lang sa field trip ang bibilhin mo." Wika ni Harduel sa kakambal nya. Napakamot naman ako ng ulo, hindi ko kasi maintindihan kung para saan yung mga pinapamili ni Hardelien. Ang ginagawa nya, once na may nagustuhan sya lagay lang ng lagay sa cart.
"Teka, kala ko ba nandito din kayo para mamili. Bakit parang ako lang ata ang nag eenjoy sa pag sha-shopping." Inis na wika nito. Mukang napansin nya din ang nangyayare. Itong mga lalaki kasi nakasunod lang samin. Ni hindi nga ako makapili ng bibilhin dahil bantay sarado sila samin. Ayuko pa naman sa lahat pag na mimili ako, yung may naka buntot sakin.
Lalo na tong si Harduel, siguradong makiki-alam ito sa bibilhin ko. Ang hilig pa naman nitong mang okray. Dapat pala sa palingke nalang kami namili ni Kia, atleast dun siguradong may sobra pa ang budget kong 5k.
"Hiramin ko muna si Sammie, balik din kami agad." Wika ni Wyatt at hinila na ako nito. Wala na akong nagawa dahil hindi na rin naka react yung mga kasama namin.
"Teka lang Wyatt san mo ba ko dadalhin?" Pag tatakang tanong ko dito.
"Hays, kung sasama tayo sa kanila, wala tayong mapapala dun." Wika nito sabay akbay sakin.
Napa rolleyes nalang ako, dumadamoves na naman kasi itong si Wyatt. Inalis ko yung kamay nya pero binalik nya na naman ito. May pagkamakulit pa naman ang isang to.
Pumasok kami sa isang men's shop. Nag simula na itong mamili ng damit.
"Babe, sa tingin mo bagay sakin to?" Nakangiting tanong nya at itinapat sa sarili nya ang damit na napili nito.
"Wag mo nga akong ma tawag na babe dyan, baka isipin nila boyfriend kita." Inis na wika ko dito, todo ngiti naman itong si Wyatt. Napansin kong nag papacute sa kanya yung sale's lady.
"Dali na kasi babe, ikaw na ang mamili ng damit para sakin." Pangungulit nito, para syang bata na naka pout. Jusme malalagasan talaga ako ng buhok sa lalaking to.
Para matapos na ang pag iinarte ni Wyatt, tinulungan ko na ito sa pag pili.
"W-Wyatt?"
Sabay kaming na palingon ni Wyatt sa babaeng tumawag sa kanya. Napakunot ang noo ko dahil kitang-kita sa mga mata nung babae ang kalungkutan, para nga itong iiyak na.
"K-kaya ba ini-ignore mo na ang mga messages and calls ko dahil sa babaeng to?" Paiyak na wika nito, she's not mad, kalmado pa rin ang boses nito.
"Y-Yassy, let me explain." Wika ni Wyatt na halatang natataranta na din. Teka, sino ba itong si Yassy. Kung titingnan, ang ganda nya at mukang rich kid din.
"Yes, you need to explain yourself." Wika nito. Napabuntong hininga si Wyatt sabay tingin sakin.
"Sa tingin ko kailangan ko na muna kayong iwan para makapag usap." Wika ko, paalis na sana ako ng pigilan ako ni Wyatt.
"Hindi Sammie, dito ka lang." Wika nito kaya napatingin ako sa reaksyon ni Yassy. Nakatingin ito sa kamay ni Wyatt na nakahawak sa kamay ko. Ramdam kong nasasaktan na sya ng sobra dahil sa mga kinikilos ni Wyatt.
"Sorry for not telling you the truth Yassy. Pero ang totoo kasi nyan, may bago na kong mahal, at si Sammie yun." Wika ni Wyatt sabay tingin sakin, nang laki yung mata ko dahil sa sinabi nya. Alam kong nag sisinungaling lang si Wyatt. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Yassy pero alam kong gusto nya lang itong saktan.
"S-so totoo pala yung na balitaan ko na may nililigawan kana. S-sana naging totoo ka sakin s-simula palang nung una, sana hindi ako umasa sayo Wyatt." Wika nito at tuluyan ng tumulo yung luha nya.
"T-teka Yassy." Wika ko pero agad na pinisil ni Wyatt yung palad ko. Tiningnan ako nito na huwag na akong mag salita pa at hayaan nalang ito. Napabuntong hininga ako, ang hirap kasi na may nasasaktan kang tao.
"Sana maging masaya ka Wyatt, please miss, ingatan mo sya at mahalin tulad ng pag mamahal ko sa kanya." Wika ni Yassy ay umalis na itong umiiyak. Naramdaman ko ang pag hinga ng malalim ni Wyatt.
"What was that? Can you please explain to me?" Inis na wika ko dito.
"Sorry Sammie, I have no choice. Si Yassy, kababata ko sya, nag tapat na sya sakin ng feelings nya 2 months ago. Hindi ko sya maipag tabuyan dahil ayuko syang masaktan. Alam nya naman na babaero ako, pero pinipilit nya pa rin ang sarili nya sakin." Nakayukong wika nito, ramdam ko yung pag hihirap ni Wyatt sa sitwasyon nya dito.
"Hindi mo manlang ba sinubukan na mahalin sya?" Tanong ko dito na ikinagulat nya.
"H-hindi, dahil parang kapatid ko na sya. Ang hirap naman kasi mahalin ng taong tinuring mong kapatid lang. Ayukong may mag bago saming dalawa, dahil once na sinaktan ko sya ng sobra alam kong kamumuhian nya na ako." Wika nito at pumunta na kami ng counter para mag bayad.
"Alam mo Wyatt, duwag ka." Wika ko dito na ikinagulat nya.
"What did you say?"
" Sabi ko duwag ka! Duwag, duwag, duwag!" Sigaw ko sa muka nito. Napansin ko naman ang pag kainis nya dahil kumunot ang noo nito.
"Takot ka lang kasi, takot kang ma Inlove kay Yassy, yun yung totoo." Wika ko dito, hindi ito nakaimik at bigla nalang tumakbo palabas ng shop.
"Hoy Wyatt wag mo kong iwan!" Sigaw ko dito pero wala na nakalabas na ito.
"Ma'am, 4, 899 po lahat." Nakangiting wika nung casher. Napalunok ako sa sinabi nito, mabuti nalang at may pera akong dala. Sa tatlong damit na yun, kulang kulang limang libo na agad? Samantalang 100 pesos na damit na mamahalan pa ako. Humanda talaga sakin ang Wyatt na yan pag nag kita kami.
"Thank you ma'am." Nakangiting wika nito sabay abot sakin ng paper bag. Hays, ako na nga ang nag bayad, ako pa din ang mag bibitbit. Humanda talaga sakin ang Wyatt na yan! Hinila, hila nya ako paalis tapos iiwanan nya din pala ako! Ewan ko lang kung di kayo mainis.
Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Kia. Mabuti nalang at nasa department store pa din sila. Paano na ako nito, wala na akong ipang bibili ng mga kailangan ko.
"Teka, bakit mag isa ka nalang? Nasan na si Wyatt?" Pag aalalang tanong ni Lawrence.
"Nilayasan ako, ako pa ang pinag bayad ng pinamili nya." Wika ko na parang tutulo na ang luha.
"Siraulo talaga yun, humanda sya sakin mamaya." Inis na wika ni Hardelien.
Napansin kong may mga kanya kanyang basket na silang hawak. May nabili na din si Kia, so ako nganga nalang talaga.
Bwesít ka Wyatt, pahamak ka talaga.