Make Over

1585 Words
So ayun na nga, tapos na silang mamili. Tapos ako ito bitbit pa din yung damit ni Wyatt na binayaran ko kanina. "Kain na muna tayo, sagot na ni Kuya Lawrence." Wika ni Hardelien. Ngumiti lang si Lawrence, pala disisyon din itong si Hardelien eh. Pag dating namin sa kainan, si Hardelien na yung pumili ng kakainin namin. Wala talagang reklamo ang boys sa kanya. Ayos din pala itong kasama dahil tahimik ang mundo ko dahil iwas bangayan. "Okey ka lang ba Sammie? Pansin kong kanina ka pang tahimik." Wika ni Kia. Bumulong naman ako dito, sinabi ko sa kanya yung nangyare kanina. "Problema nga yan, wala na ding natira sa allowance ko eh." Mahinang wika nito. "Hays, bwesit talaga yang Wyatt na yan!" Inis na wika ko. Napansin kong napatingin sila sakin. Napalakas pala yung pag kakasabi ko. "Hindi na ba babalik si Wyatt?" Tanong ni Lawrence. "Mukang hindi na, mukang na 1,2,3 nya si Sammie kanina. Nag chat sakin na wala daw pera si Sammie kaya tayo na daw ang bahala dito." Wika ni Norphil na ikinagulat ko. Talagang pinangalandakan nya pang wala akong pera. "Hays, siraulo talaga ang Wyatt na yun. Mabuti nalang talaga at marami yung pinamili ko. Mag ka size naman tayo diba?" Nakangising wika ni Hardelien at may kinuha ito sa paper bag nya. Nang laki ang mata ko ng may inilabas itong bra and party. "Ano bang ginagawa mo Hardie!" Inis na wika ni Harduel. "Pinipakita ko lang kay Sammie itong binili ko para sa kanya." Nakangiting wika nito. Jusme, ako nalang talaga ang mahihiya sa pinag gagawa nitong si Hardelien. "Mamaya na sa mansion, nakakahiya ka talaga." Wika ni Harduel sa kakambal nya. "Napa KJ mo talaga, hirap talaga pag may boys na kasama." Inis na wika ni Hardelien at binalik na yung panty at bra sa paper bag nya. Pag papawisan talaga ako ng matindi dahil sa kanila. - Nang dumating na yung order namin ay nag simula na kaming kumain. Napatingin ako kay Harduel ng bigla nyang lagyan ng pag kain yung plato ko. Hindi sya tumitingin sakin, lagay lang sya ng lagay sa plato ko. Mukang hindi naman yun napapansin ng mga kasama namin dahil abala sila sa pag kain. "Tama na, papatayin mo ba ako sa busog!" Inis na wika ko dito pero hindi ako nito pinansin. "Best, pwede bang palit tayo ng pwesto." Wika ko at pumayag naman si Kia. Sa pag lipat ko ng upuan, si Norphil naman itong nag lalagay ng pag kain sa plato ko. Jusme wala na talaga akong mapuntahan na maayos na pwesto. After naming kumain, hinatid muna nila Harduel sa sasakyan yung mga pinamili nila. "Salamat naman at wala na yung mga asungot. Tara, treat ko kayong dalawa." Excited na wika ni Hardelien at hinila kami nito. Hindi ko alam kung anong trip nitong si Hardelien pero sinama nya kami sa isang salon. "Teka lang Hardelien, mashadong mahal dito." Wika ko dito at sumang-ayon din si Kia. "Ako naman mag babayad, mag tatampo ako sa inyo pag di kayo pumayag." Nakasimangot na wika nito kaya nag go na din kami. Pag pasok namin ay agad kaming pinaupo. "All over please." Nakangiting wika ni Hardelien. Nag simula na yung mga staff sa salon para ayusan kami. Napalunok nalang ako ng may pumwesto sa paanan ko, sa kamay at ulo. Ito ang unang beses na mag papa make-over ako. Kinakabahan tuloy ako at the same time nahihiya sa mga nag lilinis ng kuku ko. Pwede na atang tanimam ng kamote yung kuku ko sa paa. Pero joke lang, hindi naman ako ganun ka hapak sa sarili. After 2 hours na pag aayos samin, pakiramdam ko gumaan yung ulo ko. Pag tingin ko sa salamin, napalunok ako. Nag iba kasi ang kulay ng buhok ko tapos parang ang lambot lambot nito. "Ang bongga mo girl, mukang maiinlove na sayo ng tuluyan ang mga kuya's ko." Kinikilig na wika ni Hardelien. Tiningnan ko si Kia, mas lalo din itong gumanda. Si Hardelien naman parang walang nag bago, ganun talaga siguro pag alagang salon. Kahit Anong gawin sa kanya, maganda na talaga sya. Pag labas namin ng salon, dumiretso na kami ng parking lot dahil kanina pa daw nag hihintay yung tatlo. Tiyak na umuusok na ang ilong ni Harduel ngayon. Pag dating namin ng parking.. "Bakit ba ang tagal-tagal ninyo!" Inis na wika nito. "Sorry na, nag salon pa kasi kami." Sagot ni Hardelien na parang di manlang natatakot sa kakambal nya. "Tsh, hindi sayo bagay Sammie, nag muka ka lalong manang!" Inis na wika ni Harduel at ginulo ang buhok ko bago ito pumasok ng sasakyan. "I like your new look, mas gumanda ka lalo." Wika ni Lawrence kaya napangiti ako. Wag mo ko mashadong bulahin Lawrence baka mahulog ako sayo. Tiningnan ko yung reaksyon ni Norphil. Akala ko sakin nakatingin pero sa katabi ko pala, kay Kia. Mas kinilig naman ako sa tingin nito sa bestfriend ko. Napansin ko na madalas nyang tingnan si Kia. Baka mauna pang mag ka lovelife itong bestfriend ko kesa sakin. Kung manliligaw si Norphil kay Kia, ako ang magiging number one fan sa magiging loveteam nila. Parang mas kinikilig pa ako sa love team ng iba kesa sa love story ko. Bakit kasi hindi nakikisama ang puso ko. Kung kelan alam kong gusto na ako ni Lawrence dun naman ito umatras. Kung usapang Harduel lang din naman, baka sumabog kaming dalawa. At kung kay Wyatt naman, hays naiinis pa din ako dahil sa ginawa nya sakin. - Hinatid na muna namin si Kia bago kami bumalik ng mansion. Pabagsak na naupo ng sofa si Hardelien. Pinang pasok na din ng mga maids yung pinamili nila. Kinuha lang nung mga lalaki yung paper bags na pinamili nila at pumanhik na sila sa kwarto nila kaya kami nalang ni Hardelien ang naiwan. "Si Kia na ang pumili ng mga kailangan mo. Pero si Kuya ang nag bayad, walang alam si Lawrence and Norphil about dito." Wika ni Hardelien at inabot sakin ang limang paper bag. Cheneck ko kung anong mga laman nito, mga personal belongings lang naman sya. "At ito naman, gift ko sayo." At may inabot na naman itong isang malaking paper bag. "Teka, hindi ko naman birthday, bakit may pa gift ka." Nahihiyang wika ko. "Hindi lang naman sa birthday pwedeng mag bigay ng gift diba? So pano, kita kits nalang sa Monday." Wika nito. "Sige salamat dito, bawi ako next time." Nakangiting sagot ko. "Wala yan, basta si Harduel yung piliin mo magiging happy ako." Wika nito at nag madali ng umalis. Napalunok naman ako sa sinabi nya. Umaasa ba talaga sya na mag kakasundo kami ng kakambal nya? Field trip day 1 Maaga akong nagising, siguro dahil excited ako, 7am ay dapat nasa Almodians na kami. Dahil maaga pa naman ay tumungo ako ng kusina para mag prepare ng memeryendahin namin sa bus. "Good morning iha, ang aga mo namang nagising." Wika ni Aunt Vivian. "Medyo excited po kasi ako sa field trip namin. Pwede po ba akong gumawa ng sandwiches?" Nakangiting tanong ko dito. "Oo naman, kung kailangan mo ng tulong mag sabi ka lang." Nakangiting wika nito. "Madali lang naman po ito, yakang yaka ko na." Nakangiting wika ko dito. Ayuko na kasi itong abalahin dahil busy din sila sa pag hahanda ng breakfast namin. After one hour ay natapos na din ako sa pag gawa ng sandwiches. Good for 7 person lang yung ginawa ko. Pumanhik na ako ng kwarto ko para icheck lahat ng gamit ko. Napangiti ako sa mga paper bags na nakalagay sa table ko. Kagabi kasi, pag dating ko sa pinto ng kwarto ko, may mga paper bags na nakalagay dun. May mga notes na para ito sakin. Galing pala kay Lawrence, Norphil at Harduel. Kakatukin ko pa sana sila sa mga kwarto nila para mag pasalamat kaso baka nag papahinga na sila kaya balak kong mamaya nalang mag thank you. 6:00 am ng lumabas ako ng kwarto. Sakto naman dahil nag kasabay kami ni Lawrence. Lumapit ito sakin at kinuha ang extra bag na dala ko, aangal pa sana ako pero hinayaan ko nalang sya. Mabigat din kasi yung bag pack na bitbit ko, pero keri naman ng powers ko. Baka isipin nila mashado na akong pa bebe. Pag baba namin ni Lawrence una kong napansin si Harduel. Sinong di makakapansin sa kanya, naka sun glasses na kasi ito na akala mo ay turista. Hays, sa ayos nilang apat mag mumukang muchacha lang nila ako. "Sammie!" Masiglang tawag sakin ni Wyatt. Lumapit ito sakin at inakbayan ako. Parang walang atraso sakin ang kumag na to. "Dun ka nga, may kasalanan ka pa sakin." Inis na wika ko dito. "Sorry na babe, wag kana mag tampo. Ito na yung utang ko sayo, sorry na talaga." Pag mamakaawa nito. Tiningnan ko yung perang inaabot nya sakin. Kunyare ay galit na kinuha ko ito sa kanya. Napakunot ang noo ko ng mapansin na medyo makapal yung pera. Alam kong hindi ito 5k kaya binilang ko to. "10k yan, wag mo ng bilangin." Wika ni Wyatt kaya mas lalong napakunot ang noo ko. "Pero 4899 lang yung nagastos ko sa damit mo." "Hayaan mo na Sammie, barya lang para kay Wyatt yan. Isa pa, inabala ka nya kahapon at iniwan sa ere kaya deserve mo yan. By the way na gustuhan mo ba yung binili kong bag para sayo?" Nakangiting wika ni Norphil. "Oo naman, salamat nga pala sa gift nyo." Nakangiting wika ko sa tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD