Field trip Day1

1830 Words
Field trip day 1 Maaga akong nagising, siguro dahil excited ako. 7am ay dapat nasa Almodians na kami. Dahil maaga pa naman ay tumungo ako ng kusina para mag prepare ng memeryendahin namin sa bus. "Good morning iha, ang aga mo namang nagising." Wika ni Aunt Vivian. "Medyo excited po kasi ako sa field trip namin. Pwede po ba akong gumawa ng sandwiches?" Nakangiting tanong ko dito. "Oo naman, kung kailangan mo ng tulong mag sabi ka lang." Nakangiting wika nito. "Madali lang naman po ito, yakang yaka ko na." Nakangiting wika ko dito. Ayuko na kasi itong abalahin dahil busy din sila sa pag hahanda ng breakfast namin. After one hour ay natapos na din ako sa pag gawa ng sandwiches. Good for 7 person lang yung ginawa ko. Pumanhik na ako ng kwarto ko para icheck lahat ng gamit ko. Napangiti ako sa mga paper bags na nakalagay sa table ko. Kagabi kasi, pag dating ko sa pinto ng kwarto ko, may mga paper bags na nakalagay dun. May mga notes na para ito sakin. Galing pala kay Lawrence, Norphil at Harduel. Kakatukin ko pa sana sila sa mga kwarto nila para mag pasalamat kaso baka nag papahinga na sila kaya balak kong mamaya nalang mag thank you. 6:00 am ng lumabas ako ng kwarto. Sakto naman dahil nag kasabay kami ni Lawrence. Lumapit ito sakin at kinuha ang extra bag na dala ko, aangal pa sana ako pero hinayaan ko nalang sya. Mabigat din kasi yung bag pack na bitbit ko, pero keri naman ng powers ko. Baka isipin nila mashado na akong pa bebe. Pag baba namin ni Lawrence una kong napansin si Harduel. Sinong di makakapansin sa kanya, naka sun glasses na kasi ito na akala mo ay turista. Hays, sa ayos nilang apat mag mumukamg muchacha lang nila ako. "Sammie!" Masiglang tawag sakin ni Wyatt. Lumapit ito sakin at inakbayan ako. Parang walang atraso sakin ang kumag na to. "Dun ka nga, may kasalanan ka pa sakin." Inis na wika ko dito. "Sorry na babe, wag kana mag tampo. Ito na yung utang ko sayo, sorry na talaga." Pag mamakaawa nito. Tiningnan ko yung perang inaabot nya sakin. Kunyare ay galit na kinuha ko ito sa kanya. Napakunot ang noo ko ng mapansin na medyo makapal yung pera. Alam kong hindi ito 5k kaya binilang ko to. "10k yan, wag mo ng bilangin." Wika ni Wyatt kaya mas lalong napakunot ang noo ko. "Pero 4800 lang yung nagastos ko sa damit mo." "Hayaan mo na Sammie, barya lang para kay Wyatt yan. Isa pa, inabala ka nya kahapon at iniwan sa ere kaya deserve mo yan. By the way na gustuhan mo ba yung binili kong bag para sayo?" Nakangiting wika ni Norphil. "Oo naman, salamat nga pala sa gift nyo." Nakangiting wika ko sa tatlo. - Pag dating namin ng university, nag tipon-tipon muna ang lahat ng mga studyante dahil sa maikling announcement. "Nasan na kaya si Hardelien, hindi ba sya sasabay satin?" Tanong ni Kia sakin. "Hindi ko din alam, nasan na kaya sya. Baka kasi maiwan sya ng bus." Pag aalala ko. "Don't mind her, kasama na sya ni Mr. Almundo ngayon." Singit na wika ni Norphil. After ng maikling speech ni Sir Andrew samin, pinasakay na kami nito sa bus. Dalawahan lang naman ang upuan ng bus tapos lima sa likod. Wala naman akong balak na tumabi sa kahit sino sa mag pipinsan dahil si Kia ang gusto kong makatabi. "Dito kana Kia." Wika ni Norphil at hinila si Kia mula sakin. Pinandilatan ko ng mata si Norphil pero kinindatan lang ako nito. Gusto ko sanang magalit pero loveteam nila ang nakasalalay dito kaya kinalma ko nalang ang sarili ko at nag hanap ulit ng mauupuan. No choice naman ako dahil mag katabi na si Lawrence at Wyatt. Ang bakanteng upuan nalang ay yung sa tabi ni Harduel. Napabuntong hininga ako at naupo na sa tabi nito. "Ang swerte mo naman at ako ang katabi mo." Nakangising wika nito. "San mo naman nakuha yung word na swerte?" Inis na tanong ko dito. "Buong byahe katabi mo ang pinakang gwapo sa Almodians, talagang napaka swerte mo Sammie." Mayabang na wika nito. Mukang hindi ako mag eenjoy sa buong byahe dahil sa mayabang na to. Umandar na yung bus, enjoy na enjoy ang buong klase namin samantalang ako inis na inis sa pwesto ko. Sa dami-dami naman kasing makakatabi ay itong si Harduel pa. - Lumipas ang isang oras at nakakaramdam na ako ng antok. Ito ang ayaw ko sa mahabang byahe dahil antukin talaga ako. Maingay pa din ang mga kasama namin, mukang marami silang baon na energy ngayon. Maaga kasi akong nagising kaya talagang aantukin ako. Tiningnan ko si Harduel na nakatingin lang sa labas. May naka salpak na earphone sa tenga nito. Hindi ko alam pero kinuha ko yung isa at sinalpak na din ito sa tenga ko. Hindi ko alam yung song na pinakikingan nya pero nakakagaan ng pakiramdam. Namalayan ko nalang ang sarili ko na napasandal sa balikat ni Harduel. Unti-unti na ding bumibigat ang talukap ng mata ko. "Sleep well Sammie." Mahinang tinig na wika nito. Hindi ko lubos maisip na ganito ang sitwasyon namin ngayon. Madalas kasi puro bangayan nalang kami. Pero this time, kalmado kaming pareho. --Kia's Pov-- Dalawang oras ng umaandar ang bus na sinasakyan namin. Napalunok ako ng biglang sumandal sa balikat ko si Norphil. Napalunok ako dahil ito ang unang beses na may lalaking sumandal sa balikat ko. Hindi ko alam kung gising ba sya or tulog kaya dahan dahan kong sinilip ang muka nito. Sobrang gwapo nya talaga, ang aliwalas ng muka nya na para bang isang anghel. Napalunok ako ng mapatingin sa mapulang labi nito. Bigla akong nakaramdam ng init, bakit parang humina ang lamig ng aircon. Iniwas ko ang tingin ko kay Norphil, naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Kakaiba ito, hindi ito normal. Bakit nararamdaman ko ito kay Norphil. Mali ito, hindi ako pwedeng mag kagusto sa kanya dahil in the first place, para sya kay Sammie. Sya ang gusto ko para sa bestfriend ko, pero mukang ako pa ata ang unang mahuhulog sa kanya? "Kia" Mahinang sambit ni Norphil sa pangalan ko, napatingin ako dito. Hindi ko alam kung gising ba ito or tulog dahil nakapikit pa rin ang mga mata nya. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba. Ilang sandali pa ay umayos na ito ng upo. Nakahinga naman ako ng maluwag. "May problema ba?" Tanong ko dito dahil nakatingin sa kawalan. "Kung ikaw ba nasa sitwasyon ni Sammie, sino ang pipiliin mo saming apat?" Wika nito at seryosong tumingin sakin. Napalunok ako, at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Curious lang ako." Wika ulit nito. "Ah eh, i-ikaw siguro ang pipiliin ko." Nakayukong wika ko. Shït, hindi na ata tumatakbo ng maayos itong isip ko. "Sana ikaw nalang si Sammie." Wika nito kaya napatingin ako sa kanya. Napalunok na naman ako ng mag tama yung mga mata namin kaya umiwas nalang ako ng tingin dito. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko inaasahan na darating kami sa usapan na ganito. Bakit ba ako kinakabahan sa kanya, hindi naman ako nakakaramdam ng ganito sa kanya noon? Monica's Pov Nakarating na kami sa una naming destination. Excited talaga ako sa field na to dahil makakasama ko si Harduel. Hinanap ko agad ang bus nila pag kababa ko ng bus namin. Hinintay ko muna na lumabas ito sa bus nila dahil bumaba na ang mga kasama nila pero walang Harduel na bumaba kaya ako na mismo ang umakyat sa bus. Ngiting-ngiti pa ako ng makita si Lawrence kaya kumaway ako dito. Dali-dali kong hinanap si Harduel. Natigilan ako sa pag lalakad ng makita ko ito, agad na nawala yung ngiti sa labi ko. Hindi ko kasi inaasahan na ganito pala. Tumayo si Lawrence at nilapitan ako. Maging sya ay mukang nagulat din sa sitwasyon. Hindi na ito nag salita at hinila nalang ako palabas ng bus. "B-bakit sila ang mag katabi ni Harduel, bakit hindi mo manlang ginawan ng paraan?" Inis na tanong ko dito. "Sorry Monica, ayuko naman na gumawa pa ng iskandalo sa bus." Sagot nito sakin. "So okey lang sayo na mag kalapit si Harduel and Sammie. Okey lang sayo na makita sila na ganun ang pwesto?" Inis na wika ko dito. Ang sakit lang kasi na makita na naka sandal sila sa isat-isa habang mag kahawak ang kamay na natutulog. Hindi ko alam kung ano na ba ang namamagitan sa dalawang yun. Pero hangat hindi pa sila official, gagawin ko ang lahat mag kabalikan lang ulit kami ni Harduel. **Hardelien's Pov** I saw Lawrence and Monica na nag uusap. Mukang seryoso ang pinag uusapan nila, napakunot ang noo ko dahil mukang hindi pa nakakababa ng bus sila Sammie kaya umakyat na ako ng bus. Nakita ko naman agad si Wyatt, sumenyas ito sakin na huwag daw ako maingay. Hindi ko alam kung sino yung tinitingnan nila sa isang upuan dahil pinag kukumpulan nila ito. Pag lapit ko, napatabon ako ng bibig ng makita ang pwesto ng kakambal ko at ni Sammie. Dahil always ready ako, kinuhaan ko kagad sila ng picture. Kyahh, I'm so kinikilig naman sa dalawang ito. Parang hindi sila aso't puso sa pwesto nila. Si Sammie kasi nakasandal sa shoulder ni Twinnie ko, tapos si Harduel naka sandal sa ulo ni Sammie. Tapos mag ka holding hands pa sila, kyahh! Sila na kaya? Dahil sa pag flash ng camera ko, mukang nagising ko ata yung dalawa kaya agad kong tinago yung camera ko at umasta naman sila Norphil na walang nakita. Kanya kanya silang balik sa mga upuan nila. "Nandito na pala tayo." Malakas na wika ni Wyatt. Maya-maya pa; "Hoy anong ibig sabihin nito? Bakit hawak mo yung kamay ko!" Sigaw ni Sammie kay Harduel. Ayan na nag sisimula na naman silang dalawa. "Aba malay ko dyan, ikaw nga itong basta basta nalang sumasandal sa balikat ko!" Inis na sagot ni Harduel. "Hoy Harduel, natulog lang ako at sumandal sa balikat mo pero hindi ko hinawakan yang kamay mo! Sabi na nga ba at may gagawin kang di maganda, dyan ka na nga!" Inis na wika nito at padabog na tumayo. Nawala naman ang inis ni Sammie ng makita ako nito kaya lumapit na ako sa kanya. "May nangyare ba? Bakit nag sisigawan na naman kayo ni kuya?" Tanong ko dito na kunyare ay walang alam. "Wala naman, kanina ka pa ba dyan?" Nahihiyang tanong nito. "Hindi naman." Pag sisinungaling ko. "Mabuti kung ganun, tara na." Nakangiting wika nito at hinila na kami ni Kia. Pangiti ngiti naman kami ni Kia. Hindi ko kakalimutan ang sinabi sakin ni Lolo nung mag usap kami sa phone. May mission ako kung bakit pumayag sya na sumama ako. Yun ay ang mas lalong ipag-lapit si Sammie sa apat na manliligaw nya. Pero sorry nalang sila dahil team Harduel and Sammie ako hehehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD