Chapter 23

1520 Words
**Sammie's Pov** Hindi ko talaga alam kung paanong nangyareng mag kahawak kamay kami ni Harduel kanina. Ang alam ko lang ay natulog ako na nakasandal sa balikat nya. Kinikilabutan tuloy ako sa tuwing naaalala ang pangyayare na yun. Binigyan kami ng 30 minutes break bago mag simula ang unang tour namin. Pumwesto kami sa ilalim ng malaking puno kung saan pwedeng maupo sa damuhan. Nilabas ko na din yung sandwiches na ginawa ko kaninang umaga. "Para samin ba yan Sammie?" Tanong ni Wyatt na excited ng kumain. "Oo, maaga akong nagising kanina para maihanda yan." Nakangiting wika ko. May nilabas din na pag kain si Monica. Katabi nya ngayon si Harduel, napalunok ako dahil kanina pa silang sweet sa isat-isa. Alagang alaga ni Monica si Harduel, mabuti pa sya at kinakaya nya ang kasungitan at kayabangan nito. "Gumawa nga pala ako ng favorite mong strawberry pie." Wika ni Monica dito at nilabas nya na yung pie na sinasabi nya. Hindi ko napansin na sa kanila na pala nakatuon ang atensyon ko kaya binalik ko nalang yung tingin sa sandwich na ginawa ko. Naiwan sa lagayan yung sandwich na para kay Harduel. Gusto ko sana ialok ito sa kanya, kaso baka isipin ni Monica na bida-bida ako. "Sammie, ang sarap naman nitong sandwich na ginawa mo." Nakangiting wika ni Hardelien. Parang nahiya naman ako sa sinabi nya. "Yeah, hindi ko akalain na may talent ka din pala sa pag luluto." Wika ni Wyatt. Naalala ko nung araw na ginawan nya ako ng sandwich. Napatingin naman si Monica samin, maging si Harduel. "Nasan yung para sakin?" Tanong ni Harduel. "Sorry, kulang yung ginawa ko eh." Wika ko dito at palihim na tinago yung isang sandwich. "Tshh, hindi ka ba marunong mag bilang?" Inis na tanong nito sakin. Hindi ko na sya pinansin kaya yung strawberry pie na ang nilantakan nito. Nakita ko kung gaano kasaya si Monica. Tiningnan ko yung sandwich na para kay Harduel. "Akin nalang to, hindi kasi ako nakapag breakfast ng maayos kanina." Saad ni Lawrence at kinuha ng palihim yung sandwich na para kay Harduel. Ngumiti nalang ako dito, atleast alam kong nasarapan sila sa ginawa ko at hindi na sayang yung effort ko. "Thank you sa masarap na meryenda." Nakangiting wika ni Lawrence at inabutan ako nito ng Orange juice. "Your welcome, thank you din sa gift na rubber shoes na binigay mo sakin nung isang araw." Nakangiting wika ko dito. "Nagustuhan mo ba? " "Oo naman, kasyang kasya nga sakin." Nakangiting sagot ko dito. "Mabuti naman kung ganun, hindi ko kasi alam ang size ng paa mo. Mabuti nalang at nandun si Kia." Nahihiyang wika nito sabay tingin kay Kia. "Marami ka pa atang dapat malaman tungkol sa bestfriend ko Lawrence." Biro ni Kia dito. "Oo nga eh, hindi pa sapat yung mga nalalaman ko tungkol sa kanya." Sagot ni Lawrence kaya napangiti ako dito. Sobrang effort naman nitong si Lawrence. Hindi na ako mag tataka kung bakit crush na crush ko sya noon. ---- Natapos ang break time namin at nag simula na ang 1st tour namin sa national museum. Ito ang unang beses na makakapasok ako sa ganito kalaking museum. Sa pag iikot namin, hindi ko maiwasang di mapatingin kay Harduel at Monica. Nakayakap kasi si Monica sa braso ni Harduel. Ibang iba yung closeness nilang dalawa. Ni hindi nga sila nag babangayan. "Tshh, ginawa mo naman akong photographer eh!" Dinig kong reklamo ni Wyatt kay Hardelien. "Ang dami namang reklamo, susunod din naman." Sagot ni Hardelien at todo pa cute ito sa camera. Si Kia at Norphil naman mukang enjoy na enjoy din sa tour namin. Iba na talaga napapansin ko sa dalawang to. "Okey ka lang ba Sammie?" Tanong ni Lawrence sakin. Tiningnan ko ito at agad na ngumiti. Kinuha ko yung cellphone ko at dumikit sa kanya. "Ang tagal tagal na nating mag kasama pero wala manlang tayong picture. Alam mo bang matagal ko ng pangarap na makapag pa picture sayo." Wika ko dito. Napahawak naman ito sa batok nya na tila nahihiya sakin. Ayuko nalang muna isipin sa ngayon na nag confess sya sakin ng feelings nya before. Gusto ko muna gawin yung mga bagay na hindi ko kayang gawin sa kanya nung time na crush na crush ko pa sya. Yumakap ako sa braso nito at nag simula na kaming mag selfie. Naka ilang take kami ng picture nito. Sobrang gaan talagang kasama nitong si Lawrence, hindi katulad ni Harduel na puro sakit sa ulo. Nag patuloy kami sa pag lilibot sa museum. May pag kakataon na nag pipicture kaming lahat. Nakailang picture na din ako kasama si Norphil, si Wyatt at Lalo na si Hardelien and Kia. Kami nalang ni Harduel ang walang picture. Ayuko naman kasi silang abalahin ni Monica. "Guys mag c-cr lang muna ako." Paalam ko sa kanila. "Sige, hihintayin ka namin dito." Nakangiting wika ni Kia. Nag madali na akong pumunta ng Cr. Sa sobrang laki kasi nitong museum malayo-layo pa ang lalakarin ko. Nang makarating ako ng Cr, hindi ko na matandaan yung daan pabalik kung nasan ang mga kasama ko. Yung itsura ko parang batang nawawala. Sandali muna akong tumigil sa pag lalakad dahil hinahanap ko yung cellphone ko sa bag ko. Teka san na ba yun, dito ko lang yun nilagay eh. Sa pag hahalungkat ko ng bag ko, biglang may humila sakin. Nang laki ang mata ko dahil kinaladkad ako nito kung saan. "H-Harduel?" Nauutal na tawag ko dito ng makilala ko to. Tumigil kami sa pag lalakad at madiin nya akong sinandal sa pader. Napalunok ako sa ginawa nito, yung muka nya halatang galit na naman. Tiningnan ko ang paligid, walang ka tao-tao at lalong walang makakapansin sa pwesto namin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Alam kong hindi maganda ang mood nitong si Harduel kaya siguradong hindi na naman maganda ang gagawin nito. "A-ano ba tong ginagawa mo? Baka hinahanap na nila tayo." Kalmadong wika ko dito. "Who cares? Alam mo Sammie, kanina pa akong naiinis sayo!" Wika nito at pinang dilatan nya ako ng mata. Muli ay napalunok ako sa inasta nito. "Ano na naman ba ang ginawa ko sayo?!" Inis na sagot ko dito. "Pinag seselos mo ba talaga ako?!" Teka, parang nabinge ako sa sinabi nya. Pinag seselos ko daw sya? Parang t-anga lang tong si Harduel. "Anong pinag sasabi mo dyan!" Natatawang wika ko dito pero mukang mas lalong hindi nya nagustuhan yung sinabi ko. "B*ll shït! Nag mamaang maangan ka pa! Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano ka makipag landian kay Lawrence!" Inis na wika nito. Nang lilisik na yung mga mata nya sakin. "Hoy Harduel, ano bang pinag sasabi mo dyan. Eh ano naman kung makipag landian ako kay Lawrence. Kayo ba ni Monica pinag babawalan ko? Isa pa, wala kang karapatan na pag bawalan ako kung kanino ko gustong makipag landian. Walang tayo kaya wag kang umarte dyan na parang boyfriend na nag seselos!" Inis na wika ko dito. Kailangan kong kumalma dahil baka masapak ko itong si Harduel, ginugulo nya kasi ang isip ko. Nagulat ako ng bigla nitong súntukin yung pader sa gilid ko. Napalunok ako sa sobrang takot. Akala ko ay ako ang susuntukin nito. "Pinag lalaruan mo ba ako Sammie?" Wika nito at inilapit ang sarili nya sakin. Sobrang dikit nya sakin, amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito sa tuwing nag sasalita sya. "A-ano bang pinag sasabi mo Harduel, ako nga dapat ang mag tanong nyan sayo? Naka drugs ka ba?" Sh*t lang, gusto ko hampasin yung bibig ko dahil sa tanong ko dito. Tiyak na mas lalo itong magagalit sakin. "Sammie!!! Nasan kana!" Boses iyon ni Kia. Agad naman na tinabunan ni Harduel yung bibig ko. Nakita kong dumaan si Kia, agad naman na humarang si Harduel para hindi ko na ito makita pa. Sa sobrang inis ko dito ay kinagat ko ang kamay nito. Sa wakas ay naka wala ako dito. Paalis na sana ako para habulin si Kia ng maabutan ako ni Harduel at muling hinila sa kamay. Na corner ako nito at nang laki nalang ang mata ko sa sunod na ginawa nito. Hinalikan ako nito sa labi. Parang tumigil ang mundo ko dahil sa ginawa nito. Ang first kiss ko, napunta lang sa lalaking to. Mukang nagulat din sya sa ginawa nya. Napahawak ako sa labi ko at napaatras si Harduel. Hindi na ito nakaimik pa at nag madali ng umalis. Yung first kiss ko, ninakaw ng gagōng yun! Napaupo ako sa sahig dahil tuluyan ng lumambot yung tuhod ko. Para akong maiiyak dahil sa nangyare, bwesít na Harduel yun, hinding hindi ko sya mapapatawad! He stole my first kiss that was supposed to be for the man I love. Humanda sya sakin pag Nakita ko sya! "S-Sammie! Jusmio, kanina pa kitang hinahanap nandyan ka lang pala. Ano bang ginagawa mo dyan? Aalis na ang bus at ikaw nalang ang hinihintay." Pag aalalang wika ni Kia. Tinulungan ako nitong makatayo, nang lalambot talaga ang tuhod ko. Ang hirap kasing tangapin na si Harduel ang 1st kiss ko. Gusto kong mag wala, sa dami-daming lalaki, bakit sya pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD