HARDUEL's pov
Sh*t, what I am doing? Why did I kiss her? Sira na ba ang ulo mo Harduel at ginawa mo ang bagay na yun sa kanya? Inis na wika ko sa sarili ko.
"San ka ba galing, kanina pa kitang hinahanap?" Pag aalalang tanong ni Monica sakin. Maya-maya pa ay dumating na din si Sammie and Kia. Nag tama ang paningin naming dalawa, agad akong umiwas ng tingin dito dahil tiyak na pinapatay nya na ako sa isip nya ngayon.
Sa Dami daming pwedeng gawin dito, bakit kiss pa? Hindi na talaga ako nag iisip ng maayos. Eh ano kung mag landian sila ni Lawrence, ano bang paki-alam ko sa kanila. Bakit ko ba sinabi sa kanya yung salitang pinag seselos nya ba ako?
"Tara na, paalis na daw ang bus." Wika ni Norphil kaya lumabas na kami. Napalunok ako ng maalalang mag katabi nga pala kami nito sa bus.
"Babe, okey lang ba kung mag palipat ako sa bus nyo?" Tanong ni Monica habang nakayakap sa braso ko.
"Sige, ikaw ang bahala." Walang ganang sagot ko dito. Tuwang tuwa naman ito at agad na tumungo sa bus nila. Pag balik nito ay dala nya na ang mga gamit nya.
Nauna na kaming umakyat ng bus. Nag katinginan kami ni Sammie ng umakyat na ito.
"Dun ka nalang umupo sa tabi ko Sammie." Wika ni Lawrence na nasa likuran ni Sammie.
"Mas mabuti pa nga." Sagot nito at tiningnan ako ng masama.
Mag katabi sila, eh ano naman kung mag katabi sila? Yun naman talaga ang gusto ng Sammie na yun, ang makatabi si Lawrence.
-
Sa byahe namin, hindi ko maiwasang di silipin si Sammie at Lawrence. Dinig na dinig ko ang tawanan nila sa likuran. Gustong gusto ko ng makisali sa usapan nila pero hindi maari.
-after 3 hours-
Nakarating na kami sa Subic kung saan kami mananatili ng tatlong araw.
Binigay na samin ang mga rooms namin, sa isang room apat na studyante. Hindi ko alam kung sinasadya bang pag samahin kaming mag pipinsan.
"Ito ang unang beses na mag kakasama tayo sa iisang kwarto." Wika ni Norphil ng makapasok na kami sa kwarto namin.
"Walang mag aaway, maliwanag ba?" Wika naman ni Wyatt. Walang umimik samin at dumiretso na kami sa kanya-kanya naming kama.
Free night namin ngayon, dahil bukas pa mag uumpisa ang mga activities. Wala akong plano kundi ang matulog.
"Naka recieve ako ng message kay Hardelien. Lalabas daw sila nila Sammie para mag ikot, sasama ba kayo?" Tanong ni Lawrence. Napakunot ang noo ko. Bwesít talaga tong si Hardelien, parang hindi kapatid. Bakit si Lawrence ang minessage nya at hindi ako.
"Game ako!" Wika ni Wyatt.
"Sige sa sasama din ako, wala naman akong gagawin dito. Ikaw ba Harduel, sasama ka ba?" Nakangiting tanong ni Norphil.
"Hindi na, mag papahinga nalang ako dito." Walang ganang sagot ko.
"Sige kung yan ang gusto mo." Sagot ni Norphil sakin.
Bigla namang pumasok sa isip ko si Sammie at Lawrence. What if mag landian lang silang dalawa dun? Dapat nandun ako diba para mabantayan ko ang bawat galaw nila? Hays bwesit, ano bang paki-alam ko kung mag landian sila!
Nahiga na ako at nag tabon ng unan sa muka. Ayuko ng mag overthink, hindi talaga nakakatulong ang Sammie na yun, perwisyo sya sa isip ko!
**SAMMIE'S POV**
"Okey ka lang ba Sammie?" Pag aalalang tanong sakin ni Monica.
Kasama nga pala namin si Monica sa room, ako si Kia, si Hardelien, Monica at Camille. Medyo na kakailang na may kasamang iba kaya mas mabuti kung lalabas kami ngayon para mag kagaanan ng loob.
"Oo, medyo pagod lang sa byahe." Nakangiting sagot ko dito.
"Kamusta naman kayo ni Lawrence, napansin kong close na close na kayo. Kelan mo sya balak na sagutin?" Tanong nito habang nag aayos ng mga gamit nya. Nag katinginan kami ni Kia at Hardelien.
"Bakit mashado ka naman atang interesado sa relasyon nila? Natatakot ka ba na baka mabaling ang atensyon ni Harduel kay Sammie?" Si Hardelien ang sumagot na ikinagulat namin yun.
Ngumiti si Monica at humarap kay Hardelien. Matagal ng mag kakilala ang dalawang yan, dahil nga mag ex itong si Harduel at Monica.
"Ano bang pinag sa sasabi mo Hardelien. Shempre hindi, alam ko naman pati na mahal pa rin ako ni Harduel ngayon." Nakangiting wika nito. Tama naman si Monica, wala syang dapat ikatakot dahil sya naman talaga ang mahal ni Harduel. Pati wala akong balak na maki-eksena sa relasyon nilang dalawa, kahit na ninakawan ako ng halik ng kumag na yun.
"Well, sabagay ikaw naman talaga ang unang minahal ng kakambal ko. Pero hindi tayo sure ngayon kung ikaw pa rin lalo na at may usapan si Lolo at mga pinsan nya kay Sammie. Kaya wag kang papaka siguro dyan sa alam mo." Nakangising wika ni Hardelien.
Napakunot naman ang noo ni Monica. Hindi ko alam kung may alam si Monica tungkol dito.
"A-alam ko naman ang tungkol dyan. Bakit hindi natin tanungin si Sammie kung may na pupusuan na sya sa apat na mag pipinsan." Wika nito kaya napatingin sila sakin.
"S-sa ngayon hindi ko pa masasagot ang tanong na yan. Bakit ba yan ang pinag uusapan natin? Nasa field trip tayo ngayon." Wika ko at dinaan nalang sa pag tawa ang sitwasyon para gumaan ang paligid.
"Oo nga, pati nakakahiya naman kay Camille dahil yan ang pinag uusapan nyo." Wika ni Kia.
"W-wala yun, okey lang naman sakin." Nakangiting wika ni Camille.
"Nasa lobby na ng hotel sila Lawrence kaya bumaba na tayo." Nakangiting wika ni Hardelien kaya nag asikaso na to.
-
Nauna ng lumabas si Hardelien, Kia, at Camille. Palabas na din sana ako ng biglang hilahin ni Monica ang braso ko.
"May problema ba?" Pag tatakang tanong ko dito.
"About kay Harduel, ayuko sana tong sabihin sayo Sammie. Pero sana, huwag sya ang piliin mo. Si Lawrence nalang Sammie dahil si Lawrence naman talaga ang tunay na nag mamahal sayo." Wika nito kaya napakunot ang noo ko.
"Sino ka para pangunahan ako sa disisyon ko?" Medyo inis na sagot ko.
"Bakit ba pinapakumplekado mo pa ang sitwasyon. Diba umamin ka naman na gusto mo si Lawrence? Ano pa bang gusto mong mangyare? Gusto mo ba talaga na pag agawan ka ng mag pipinsan?" Inis na wika nito.
Noon akala ko mabait sya, pero sa tono ng pananalita nya ngayon parang unti-unti ko na syang nababasa. Ibang-iba yung Monica na School president namin sa Monica na kaharap ko ngayon.
"Wala kang alam sa sitwasyon ko kaya huwag ka nalang maki-alam. May gusto lang akong ipaki-usap sayo. Paki bantayan ng maayos si Harduel, para hindi lapit ng lapit sakin." Wika ko dito at iniwan na ito sa kwarto.
Hindi ko alam pero yung inis na nararamdaman ko ngayon domoble. Tinik talaga sa lalamunan ang Harduel na yan, kaya pati ako pinag iinitan ni Monica.
Nasa lobby na kami ng hotel, mabuti nalang at hindi kasama si Harduel. Masama pa rin ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa nya sakin sa museum. Yung first kiss ko, ni reserve ko yun sa lalaking karapat dapat at hindi sya yun.
"Let's go!" Excited na wika ni Hardelien.
"Teka, bakit hindi nyo kasama si Harduel?" Pag tatakang tanong ni Monica.
"Nag pa iwan sa room namin. Mas gusto nya daw mag pahinga." Sagot ni Norphil dito.
"Ganun ba, sige mauna na kayo. Pupuntahan ko muna sya." Nakangiting wika nito at excited na umalis.
"Diba bawal pumunta ang mga babae sa room ng lalaki at ganun din ang mga lalaki sa kwarto ng mga babae?" Tanong ni Hardelien.
"Oo, hayaan nalang natin si Monica. Malakas ang loob nya sumaway sa rules dahil sya ang student president." Wika naman ni Kia.
Tiningnan ko ang direksyon kung saan dumaan si Monica. Hindi ko alam pero sumagi sa isip ko ang pwedeng mangyare sa kanilang dalawa sa kwarto na yun. Ako nga na hindi girlfriend ni Harduel ay nagawa nyang halikan, what more kung si Monica na ex nya at siguro soon to be gf nya ulit.
"Okey ka lang ba Sammie?" Tanong ni Lawrence kaya agad akong napatingin dito. Ngumiti ito sakin kaya nginitian ko din sya.
"Oo naman, tara na." Wika ko dito.
Pag labas namin ng hotel, si Harduel at Monica yung laman ng isip ko. Sa mga oras na ito tiyak na nakarating na si Monica sa kwarto ni Harduel. Napatigil ako sa pag lalakad at napailing ng biglang pumasok sa isip ko na nag hahalikan yung dalawa. Agad kong sinampal sampal yung pisnge ko para bumalik ako sa ulirat ko.
"Are you sure na okey ka lang?" Pag aalalang tanong ni Lawrence sakin.
"Oo, hindi lang ako maka paniwala na mag kakasama tayo ngayon dito." Pag sisinungaling ko dito.
"Ako din, sobrang saya ko na kasama kita ngayon." Wika nito kaya napalunok ako. Yung crush na crush ko noon, nasa tabi ko na ngayon. Yung mga bagay na gusto kong gawin noon na malabong mangyare, nangyayare na ngayon.
"Kumain na muna tayo bago mag ikot." Wika ni Hardelien habang nakayakap sa braso ni Wyatt. Kung hindi sila mag pinsan, pag kakamalan silang couple dahil sa sobrang close nila sa isat-isa.
Napunta kami sa isang seafoods restaurant. Naka hanap naman agad kami ng table para samin. Nag order na ng food si Hardelien, sagot nya daw ngayon kaya kumain lang daw kami ng kumain.
Habang hinihintay namin yung foods namin. Napatingin kami dun sa band na nag peperform.
"Sa mga gusto mag request ng song or maki jamming samin, punta lang po dito sa stage." Wika Nung female vocalist.
"Psst Lawrence, isa lang oh." Wika ni Hardelien at nag beautiful eyes pa ito kay Lawrence. Napakamot naman ng ulo si Lawrence na tila nahihiya. Hindi ko alam kung may talent ba si Lawrence sa pag kanta, pero mukang meron naman dahil hindi naman mag rerequest si Hardelien sa kanya kung wala.
"Dali na, haranahin mo si Sammie." Pangungulit ni Hardelien . Tumingin si Lawrence sakin at agad itong tumayo sa upuan nya. Napalunok nalang ako ng mag lakad ito puntang stage at nakipag usap dun sa banda.
Ilang sandali pa ay pinagamit kay Lawrence yung acoustic guitar. Binigyan pa ito ng upuan para maging komportable sa pag tugtog at pag kanta.
"This song is for the girl I really love. Sammie Lythe Lucero, sana magustuhan mo." Wika nito sabay tingin sa direksyon ko. Nag hiyawan ang ibang mga customer dahil sa ginawa nito.
Ito ang unang beses na may manghaharana sakin at sa public place pa talaga. Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko.
Nag simula na si Lawrence sa pag strumming ng gitara. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. My heart started to melt, sinong hindi kikiligin sa lalaking to.
(I love you the most by Zack Tabudlo)
~Do you remember
When we were young you were always with your friends
Wanted to grab your hand and run away from them
I knew that it was time to tell you how I feel
So I made a move, I took your hand
My heart was beating loud like I've never felt before
You were smiling at me like you wanted more
I think you're the one I've never seen before~
Habang kumakanta si Lawrence, muling bumalik sa alaala ko yung time na crush na crush ko pa sya. Ang sarap balikan ng mga alaalang yun.
Chorus:
~ I want you to know
I love you the most
I'll always be there right by your side
'Cause baby, you're always in my mind
Just give me your forever (give me your forever)
I want you to know
That you'll be the one
And I'll be the guy who'll be on his knees
To say I love you
And I need you
And say I'd die for you (just give me your forever) ~
Habang kumanta si Lawrence ay nakatitig ito sakin. Damang dama ko yung bawat pag bigkas nya ng mga lyrics. Alam kong hindi lang nya ito basta kinakanta. Hindi pa huli ang lahat, kung naging crush ko sya noon, maibabalik ko pa yun ngayon. Bakit ko sasayangin ang pag kakataon na ito.
Nag patuloy si Lawrence sa pag kanta. Habang iniisip ko ang magagandang memory namin ni Lawrence biglang pumasok sa isip ko yung pag nakaw ng halik ni Harduel sakin.
Bwesít talaga, hanggang dito ba naman ay panira ng moment ang lalaking yun? Nawala na tuloy yung concentration ko sa moment namin ni Lawrence.
After mag perform ni Lawrence ay bumalik na ito sa table namin. Kinikilig ang lahat sa ginawa nya, kinilig din naman ako, yun nga lang naudlot dahil sa bwesít na Harduel na yan. Hanggang kelan kaya ito mag tatagal sa isip ko. Baka kasi hangang sa panaginip ay madala ko ito at bangungutin ako.
**Hardelien's Pov**
Nag live ako sa sss, hindi ko pwedeng palamsin ang moment na to. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ko pinilit na mag perform si Lawrence. Para inggitin ang twin brother ko lalo na ngayon at online ito.
Marami agad ang nag comment at nag react sa live ko. Hindi ako nabigo sa plano ko dahil nanunuod na ngayon si Harduel. Puro angry emoji ang reaction nito kaya hindi ko mapigilan ang sarili na tumawa. Walang kaalam alam si Sammie na naka live ako. Tinutok ko sa kanya yung camera, titig na titig ito kay Lawrence habang nakangiti.
Ano kaya ang reaksyon ngayon ng twin ko. Sa live pa nga lang angry na reaksyon nya, what more kung sa personal pa. Hindi na ako makapag hintay na sumunod sya dito. Nilagay ko naman sa live ko kung saang location kami, kaya anytime ay nandito na yun kung gugustuhin nya.
Good luck nalang sayo my dear brother dahil hindi ako mag aaksaya ng oras. Bibigay ka din sa kamay ko, Este sa puso ni Sammie hahaha.