SAMMIE'S POV
After namin kumain ng dinner pumunta muna kami ng banyo. Medyo mahaba yung pila, kaya pinauna ko na si Kia at Hardelien. Sinabihan ko ang mga ito na hintayin nalang nila ako sa labas dahil baka mainip yung mga lalaki.
Pag labas ko ng banyo, napakunot ang noo ko dahil kanina lang ay ang daming nakapila pero ngayon mukang ako nalang mag isa. Napalunok ako ng pumasok sa isip ko yung mga horror movie na pinapanuod ko. Madalas pa naman na sa ganito lumalabas yung mga killer.
Palabas na ako ng banyo ng biglang may lumabas sa kabilang banyo. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang gulat ng bigla nitong hinila ang braso ko. Sisigaw sana ako, pero natigilan ako ng makilala ito.
"H-Harduel? Anong ginagawa mo sa banyo ng mga babae?!" Inis na tanong ko dito. Hindi ako makapaniwala na magagawa nyang pumasok sa banyo ng mga babae. Agad kong hinanap si Monica pero mukang kami lang talaga ang tao dito.
"Teka san mo ko dadalhin!" Inis na tanong ko dito ng kaladkarin ako nito palabas. Pag labas namin, doon tumambad sakin ang mahabang pila ng mga babaeng mag babanyo. Grabeng abala ang ginawa ni Harduel.
"Teka, hindi dito yung exit. San mo ba talaga ako dadalhin, mag aalala sakin yung mga kasama ko!" Inis na wika ko, sinubukan kong alisin ang kamay nya sa wrist ko ngunit sobrang higpit ng pag kakahawak nito. Mukang wala talaga syang balak na pakawalan ako.
"Sasama ka sakin sa ayaw at gusto mo." Wika nito at nakita ko ang pag ngisi nito. Napalunok ako dahil sa inaasta nya ngayon. Wala talaga akong tiwala kay Harduel. Tiyak na hindi ito gagawa ng maganda.
Nakalabas na kami ng resto bar, mukang sa fire exit nya ako dinaan. Wala na akong nagawa kundi ang sumama dito. Kinuha ko ang cp ko para itext si Kia about sa nangyare sakin. Ayukong mag alala sila sakin.
Gusto kong sakalin si Harduel dahil sa pag kidn*pped nya sakin. Mukang masaya sana ang pupuntahan namin nila Hardelien, tapos ako ito kasama ang demonyong to. Bakit ba napaka malas ko!
Nag patuloy kami sa pag lalakad, hindi nalang ako umiimik dahil masasayang lang naman ang laway ko sa pakikipag usap sa lalaking to.
Maya-maya pa nasa tabing dagat na kami. Napakunot ang noo ko ng lumapit kami sa lalaking nasa bangka. Mukang kami talaga ang hinihintay nito. Hindi umiimik si Harduel at inabot sakin nito ang life jacket.
"San mo ba ko dadalhin, bakit kailangan pa natin sumakay ng bangka?" Kinakabahan na tanong ko dito.
"Itatapon ka sa laot!" Inis na wika nito at hinila na ako paakyat ng bangka. Walangya talaga ang lalaking to, hindi talaga ako natutuwa sa mga pakana nya. Hindi pa naman ako marunong lumangoy, what if kung ihulog nya nga talaga ako sa laot? Jusme ayuko pang mamat*y napaka bata ko pa.
Sa pamamangka namin, tanging ingay lang ng makina ng bangka ang gumagawa ng ingay at ang mahinang pag hampas ng tubig sa bangka. Ilang sandali pa ay may natanaw akong liwanag sa isang isla. Siguro mas maganda ang view nito sa umaga. Pero teka lang, ano naman ang gagawin namin ni Harduel sa Isla na ito sa ganitong oras?
"Thank you sir, see you tomorrow." Wika nung driver ng bangka matapos kaming ibaba sa Isla.
"T-teka, wag mo kaming iwan dito!" Sigaw ko ngunit mabilis nitong itinulak ang bangka nya paalis at mabilis itong pinaandar.
Tahimik lang si Harduel na nakatingin sakin. Shempre ako hindi ko papalampasin itong kabaliwan nya.
"Ano bang tumatakbo dyan sa utak mo at dinala mo ko dito? At talagang balak mo mag overnight dito. Sana tinanong mo naman ako kung gusto ko dito." Inis na wika ko dito.
"Bakit, dahil ba mas gusto mong kasama yung Lawrence na yun? Tsk, hinarana ka lang kilig na kilig kana agad." Wika nito at tinalikuran na ako. Mag sasalita pa sana ako ng mag lakad na ito paalis. Mukang pupunta ito dun sa resort dahil yun lang yung alam kong pwede naming puntahan. Mukang private ang Isla na ito dahil nag iisa lang ang resort na naka tayo dito.
"Welcome sir, thank you for renting Triple A resort. We are happy to serve you." Nakangiting bati kay Harduel ng lalaking nakatayo sa gate. Mukang hinihintay talaga nito ang pag dating namin.
Teka, parang nabinge ako sa sinabi nito. Sinabi nya ba na nirentahan ni Harduel ang resort na ito? Nababaliw na ba sya, bakit kailangan nya pang gawin yun?
"Naka set up na din po ang request nyo sir, please follow me." Nakangiting wika nito kay Harduel. Napalunok naman ako ng tingnan ako ni Harduel.
"Ano bang kabaliwan to?" Mahinang tanong ko dito.
"Tsh, baliw na nga talaga ako dahil ginagawa ko ang bagay na to sayo." Wika nito kaya mas lalong napakunot ang noo ko. Nag patuloy lang kami sa pag lalakad. Nag mumuka na nga akong personal julalay nitong si Harduel dahil sa kakasunod ko sa kanya habang sya naka pamulsahan habang nag lalakad.
Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa pag lalakad. Napakunot ang noo ko ng makita ang mini stage na naka set up sa gilid ng swimming pool. May mic stand, guitar at upuan Doon na tila may mag peperform. Siguro ay kasama ito sa package ng resort nila.
May lumapit sakin na isang crew at pinaupo ako sa tapat ng mini stage. Para akong manunuod ng concert tapos naka VIP ticket. Yung tipong solo ko lang yung papanuoring concert. Sinong sikat na singer naman kaya ang mapapanuod ko? Mas magaling kaya ito kay Lawrence?
Tiningnan ko si Harduel kung saan ko sya iniwan kanina pero wala na ito. Inikot ko ang mata ko para hanapin ito. Ang ending sa lalaking nag lalakad pa puntang stage ako napatingin.
Teka anong ginagawa ni Harduel dun? Napakunot ang noo ko ng umupo ito at kinuha ang gitara.
Si Harduel, sya ba ang mag p-perform
para sakin? Pero bakit, bakit nya ginagawa ang bagay na to?
"Hoy babae, hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang ka cornihang ito. Pero sana magustuhan mo tong kakantahin ko para sayo." Wika ni Harduel na ikinagulat ko.
Yung puso ko biglang lumakas ang kabog ng mag simula na itong mag strumming sa gitara. Napahawak ako sa dibdib ko, mabuti nalang at busy si Harduel sa pag gigitara kaya hindi nito napansin ang ginawa ko.
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, bakit ganito? Bakit nakakaramdam ako ng ganito sa lalaking labis na kinaiinisan ko?
Habang kumakanta si Harduel, mas lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. There's something wrong about me and this is not right.
Dahil sa hindi ko malamang dahilan about dito sa nararamdaman ko, bigla nalang akong napa takbo paalis. Narinig ko pa ang pag tawag ni Harduel sa pangalan ko ngunit hindi ko ito magawang lingunin. Nag madali ako sa pag lalakad, hinayaan ko ang mga paa ko na dalhin ako kung saan. Sa mga oras na to, gusto kong mapag isa para makapag isip.
Inis at galit ang nararamdaman ko sa kanya diba? Pero ano na to?
Tumigil ako sa pag lalakad at naupo sa malaking bato dito sa dalampasigan. Kahit gabi na ay maliwanag pa din dahil sa kabilugan ng buwan.
Muli kong pinakiramdaman ang puso ko. Unti-unti na itong kumakalma. Naramdaman ko na ito noon kay Lawrence sa tuwing tinitingnan ko sya sa malayo. Ang ibig ba nitong sabihin ay nagugustuhan ko na din si Harduel?
Pero napaka imposible naman nun. I really hate him, to the point na sinusump@ ko na sya sa isip ko. Trinatraidor na ata ako ng puso ko, kaialangan kong maging maingat hindi tama na maramdaman ko ito sa katulad ni Harduel.
Huminga ako ng malalim at nag lakad na pabalik sa resort. Natigilan ako sa pag lalakad ng makita si Harduel na tila natataranta. Nang makita ako nito agad itong lumapit sakin at niyakap ako.
"Bakit ba bigla ka nalang umaalis! I'm so worried about you!" Medyo inis na wika nito ng kumalas na sa pag yakap sakin .
"Umihi lang ako." Sagot ko dito at umiwas ng tingin sa kanya.
"Don't do it again, because i'm scared I might lose you." Seryosong wika nito kaya napatingin ako sa mga mata nya.
Hindi ko sya maintindihan, bakit ba bigla nalang sya nag kakaganito. Ayukong isipin na may gusto na sya sakin dahil napaka imposible nun. si Monica yung mahal nya diba?
"Naka drug ka ba Harduel?" Nakakunot noo na tanong ko dito.
"Sana nga oo, para kapag na wala na yung epekto ng drugs sakin ay bumalik na ako sa sarili ko. Pero hindi eh, hindi ko maintindihan kung bakit, kung bakit nararamdaman ko na sayo ang bagay na to."
Napaatras ako sa sinabi nya, totoo ba tong mga naririnig ko mula kay Harduel?
"I feel jealous sa tuwing kasama mo si Lawrence. The way you smile at him, yung mga tingin mo sa kanya, gusto ko sakin mo lang gawin yun. Alam kong napaka imposible nun Sammie, pero nandito na yun, nararamdaman ko na to sayo. I like you Sammie Lythe Lucero." Wika ni Harduel dahilan para kumabog ng husto ang puso ko. I'm speechless, I don't know what to say to him. Until now kasi hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nya.
Parang suntok sa buwan naman kasi na ma gustuhan nya ako. At paano na si Monica, siguradong masasaktan sya kapag nalaman nya ito.
"Bumalik na tayo." Tanging wika ko dito.
"Hindi, hindi tayo babalik. Dito lang tayo hangang sa sumikat ang araw." Wika nito at hinila ang kamay ko pabalik ng resort. Napalunok nalang ako ng tingnan ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko.
Dapat nakakaramdam na ako ng galit sa kanya sa mga Oras na ito. Pero bakit iba yung response ng puso ko?