**Kia's Pov**
"Kahit kelan talaga itong si Harduel panira ng plano." Wika ni Wyatt. Pabalik na kami ng hotel ngayon dahil wala na sa mood si Lawrence. Kahit ako din naman nalulungkot dahil hindi ko kasama ang bessy ko. Minsan lang kami mapadpad sa ganitong lugar tapos ninak@w pa ni Harduel ang moment na yun.
Nauna ng mag lakad si Lawrence at Wyatt. Si Camille naman at Hardelien may binili lang kaya kami ni Norphil yung naiwan na mag kasama.
"Tara" wika nito at hinila ang kamay ko palabas ng hotel. Nakasalubong namin si Camille at Hardelien sa labas.
"San kayo pupunta?" Tanong ni Hardelien. May bitbit itong mga snacks at beer in can, mukang balak nitong mag walwal sa room namin.
"Ibabalik ko din sya sa inyo mamaya." Nakangiting wika ni Norphil at hinila na ako nito paalis.
"San ba tayo pupunta?" Nakakunot noo na tanong ko dito. Nanatiling nakahawak ito sa kamay ko habang nag lalakad kami. Ayukong mag isip ng kung ano tungkol sa holding hands namin. Siguro ganito lang makitungo si Norphil sa bestfriend ng babaeng nililigawan nya. Siguro bestfriend na din ang turing nya sakin.
"I heard na may Pawikan shelter dito, gusto kong makita." Nakangiting wika nito at mas hinigpitan ang pag hawak sa kamay ko.
After 30 minutes na pag lalakad ay narating na namin ang Pawikan shelter na sinasabi nya. Sakto naman at may hatching ng mga Pawikan eggs. Hinila ako ni Norphil para makita ang ito. Hindi ko maiwasang hindi mapahanga. This is my first time na makakita ng mga baby pawikan.
"Ang dami nila at ang cu-cute." Nakangiting wika ko.
"Iri-release nyo din po ba yan sa dagat ngayon gabi?" Tanong ni Norphil dun sa nangangalaga sa mga baby Pawikan.
"Yes sir, kung gusto nyo pwede kayong tumulong." Nakangiting wika ni Kuya.
Tumingin sakin si Norphil, tingin na nag tatanong kung gusto ko mag join. Shempre nakangiting tumango ako.
"Sige po, gusto namin ma experience." Sagot ni Norphil dito.
"By the way I'm Kuya Alfred, bakasyonista ba kayo dito?" Nakangiting tanong nito.
"Yes po, school tour." Sagot ko.
"So mag kasintahan kayong dalawa?"
"N-naku hindi po, mag kaibigan lang kami." Agad na sagot ko dito. Napatingin ako kay Norphil, napahawak ito sa batok nya.
"Sorry, muka kasi kayong couple. You look good to each other." Wika muli ni kuya Alfred. Napalunok ako sa sinabi nito.
"Alam nyo ba, last year may naging visitor din kami dito sa shelter. Parang katulad nyo lang din sila, tinulungan nila kami mag released ng mga baby pawikan. And last week bumisita ulit sila samin, nakakatuwa lang dahil hindi na sila friends ngayon, kundi mag kasintahan na." Nakangiting wika ni kuya Alfred kaya mas lalo akong napalunok ng laway dahil sa sinabi nya. Mukang mali ata na pumunta kami dito.
"Malabo po na matulad kami dun, bestfriend ko po ang nililigawan nitong si Norphil." Nakangiting wika ko.
"Ganun ba, sayang naman at bagay talaga kayo sa isat-isa." Muling wika nito.
Nag kangitian nalang kami ni Norphil. Napapadalas na kasi ang pag dikit nito sakin. Ayukong mag karoon ng feelings for him dahil mali yun. Ayuko isipin ni Sammie na sinusulot ko sa kanya si Norphil. Ako ang tulay nilang dalawa, hindi dapat ako ang ma fall kay Norphil.
-
Pumunta na kami sa dalampasigan, nag simula na kami mag release ng pawikan. Para akong bata na tuwang tuwa, napaka bilis nilang mag lakad at pag nakarating na sa tubig ay isa-isa ng nawawala.
Nilingon ko si Norphil, hindi ko alam na kinukuhaan pala ako nito ng picture. Bigla tuloy akong nahiya, baka kasi ang panget ko sa mga Oras na to.
---
Nag lalakad na kami ni Norphil ngayon pabalik ng hotel. Gusto ko pa sana syang makasama kaso mag aalas dose na. Isa pa, napapansin ko na ang sarili ko na napapalapit na ng husto sa kanya.
"Thanks, nag enjoy akong kasama ka." Wika nito habang nag lalakad kami sa dalampasigan. Hawak ko ngayon ang tsenelas ko sa kanang kamay ko. Napatingin naman ako sa maliwanag na buwan. Para sakin, napaka romantic ng moment na to. Yun nga lang hindi bagay samin ni Norphil ang sitwasyon na to.
"Kamusta na kaya si Sammie at Harduel ngayon." Pag iiba ko ng usapan.
"Don't mind them, kilala ko si Harduel. Wala syang gagawing masama kay Sammie. Ginagawa nya lang ang lahat to win Sammie's heart." Sagot nito kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit parang okey lang sayo na mapunta ang bestfriend ko kay Harduel?" Pag tatakang tanong ko.
"Kailangan ko pa bang makipag agawan sa kanila? Isa pa may babae na akong totoong na gugustuhan." Wika nito kaya mas lalong napakunot ang noo ko.
" Ikaw pa naman ang gusto ko para kay Sammie." Malungkot na wika ko dito. Hindi ko na ito pinansin at nag patuloy ako sa pag lalakad. Nakakasama lang kasi ng loob. Feeling ko pinaasa nya ako, umaasa kasi ako na sila ni Bessy ang mag kakatuluyan. Tapos malalaman ko na may iba na pala syang nagugustuhan.
"Hey! Slow down." Wika nito at hinila ako sa wrist ko kaya natigilan ako sa pag lalakad.
"Sorry, nakakainis ka kasi." Di mapigilang wika ko dito. Napakunot yung noo nya na animoy nag tataka.
"May na sabi ba akong mali para mainis ka sakin?" Pag aalalang tanong nito.
"Oo meron, naiinis ako sayo dahil may ibang babae ka ng nagugustuhan at hindi yung bestfriend ko. Ikaw pa naman ang gusto ko para sa kanya tapos hinahayaan mo lang sya na makuha ng iba." Pag tatampong wika ko dito.
"Alam ko naman kasi na wala akong magiging puwang sa puso ni Sammie, kaya yung bestfriend nya nalang yung mamahalin ko. Atleast wala akong kaagaw sa kanya diba?" Nakangiting wika nito. Panandalian akong natahimik at napaisip. Napatabon nalang ako ng bibig ng mag sink in sa utak ko yung sinabi ni Norphil.
"A-ano bang pinag sasabi mo dyan! Ikaw Norphil, puro ka talaga kalokohan." Nauutal na wika ko, sinakyan ko nalang ang trip nito kasi baka nag bibiro lang ito.
"I'm serious Kia, I like you."
Natigilan ako sa sinabi nya. Parang nawalan ako ng lakas dahil sa narinig ko. Si Norphil, may gusto sakin? Pero bakit ako, alam nya naman na bestfriend ko si Sammie.
"Sorry Norphil, si Sammie nalang yung mahalin mo." Wika ko dito at sa di malamang dahilan ay napatakbo nalang ako paalis. Narinig ko pa ang pag tawag nito sa pangalan ko pero hindi ko na ito nilingon.
Pag dating ko ng hotel ay sumakay agad ako ng elevator at tumungo sa room namin. Ilang beses akong nag doorbell bago ako pag buksan ng pinto ni Camille.
"Sa wakas dumating kana din Kia *hik*"
Napakunot ang noo ko ng mapansing lasing ito. Pumasok ako sa loob at nilock na ang pinto. Inalalayan ko si Camille hanggang sa marating namin ang sala.
"Shot puno! Uminom ka Kia!" Malakas na wika ni Hardelien. Hinila na ako ni Camille paupo at agad akong binigyan ni Hardelien ng maiinom. Ngayon ko kailangan ng alak dahil sa mga narinig ko mula kay Norphil. Dapat itong mawala sa isipan ko.
- after 30 minutes -
" He likes me, he likes me not "
"He like me, he like me not"
"Ano ba yhang ginagawa mo dyawn Kia beyb? Sinasayang mo yung mani." Wika ni Harduelien sakin.
" Sha pamamagi-than ng mhaning itho. Malalaman ko kung ghusto ba talaga ako ni Norphil." Proud to be na wika ko kay Hardelien.
"Kung kinain nalang natin yan, nabusog pa ta-yo *hik* " wika naman ni Camille. Hindi ko na alam yung ginagawa ko, iba talaga ang
epekto ng alak sa katawan ng tao.
"Mhas mabuti pang tawagan nalang natin shi Norphil, to confirm na gusto ka nya." Wika ni Hardelien at kinuha nito ang phone nya.
Muntikan pa itong ma sobsob sa sofa mabuti nalang at kaya nya pa ang sarili nya.
"H-hellow gwapo kong pinshan. May gusto daw itanong shi Kia shayo, shinasayang nya mani namin." Wika ni Hardelien sa kausap nito sa phone. Maya maya pa ay nilagay nya sa table ang cp nya at niloudspeakz ito.
"Nakainom ka ba? Si Kia, pinainom mo ba?" Nasa boses ni Norphil yung pag alala. Nawawala tuloy yung amats ko at napapalitan ng kilig.
"Sabihin mo, do you like her? Umamin ka kung ayaw mong lashingin ko ang babaeng tho!" Pananakot ni Hardelien na Akala mo ay nasa harapan nya lang ang kausap nya.
"Yes, I really like her." Agad na sagot ni Norphil.
"G-good, Sige na good night, niligtas mo ang Mani namin." Wika ni Hardelien at pinatay na ang phone nya.
Teka ano ba tong kahihiyang pinag gagawa ni Hardelien. Tiyak na alam ni Norphil na nabangit ko na kay Camille at Hardelien ang tungkol sa sinabi nya sakin na gusto nya ako. Nakakahiya, dahil baka sabihin ni Norphil na feel na feel ko yung sinabi nya.
What if gusto lang ni Norphil na pasakayin ako sa trip nya? Paano kung pinag titripan nya lang ako?
"Akin na nga yang Mani namin." Wika ni Hardelien at inagaw na nito yung lagayan sakin. Pangisi-ngisi naman sila ni Camille sakin. Mas malakas itong mang asar dahil nga nakainom na.
"Kayo ah, sabi na nga ba at may kakaiba kay Norphil. Okey lang yan Marshy ko, mapupunta din naman si Sammie beyb kay twin brother ko." Wika ni Hardelien sabay lantak ng kain ng mani.
"Baka naman pwedeng pa albor ng isang pinsan mo dyan beyb, kahit si Fafa Wyatt nalang hahaha." Pabirong hirit naman ni Camille.
"Ow sure, yun lang pala eh. May kapated ba kayo na pwede nyong ireto sakin? Hehehe, lugi naman ako mga beyb." Wika nito sabay inom na naman ng alak.
*Ding dong*
"Baka di Shammie beyb na yun." Wika ni Hardelien kaya ako na yung tumayo para pag buksan ito. Sa lagay kasi nung dalawa, mukang gagapang na ang mga ito.
Pag bukas ko ng pinto, automatic na nawala yung spiritu ng alak sa katawan ko.
"A-anon ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ko kay Norphil.
"Hi Kia, I heard na umiinom daw kayo. Baka pwede kaming mag join." Wika ni Norphil.
Napalunok ako ng makita sa likuran nya si Wyatt at Lawrence. Kumaway naman si Lawrence sakin, mukang hindi na ito bad mood.
"Beyb bakit ang tagal mo dyan, bilisan mo!" Reklamo ni Hardelien.
Wala na akong nagawa kundi papasukin yung mga pinsan nya. I know na bawal to, bahala na sa punishment bukas.