Chapter 27

1765 Words
Sammie's Pov Dinala ako ni Harduel sa tabing dagat kung saan may naka set up na candle light dinner. Bigla nalang akong napangiti, hindi ko akalain na may pasabog pa ito na ganito bukod sa inihanda nyang pag harana sakin kanina. Kahit na si Lawrence yung nauna na alayan ako ng kanta, hindi pa rin sya na bigo na pakiligin ako. Until now hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nya sakin na he likes me. Sa mga ikinikilos nya naman ngayon, hindi ko sya pwedeng pag dudahan. Hindi nya naman ako ikukulong sa Isla na ito kung hindi sya seryoso sa binitawan nyang mga salita. Pag dating namin sa table, inalalayan ako nitong umupo. Palihim akong napangiti, gentlemen naman pala. "Nag abala ka pa." Wika ko dito, pilit kong pinapakalma ang sarili na hindi ipakita dito ang tunay na emosyon ko. "Ito ang kauna-unahang formal date natin, kaya shempre mag aabala talaga ako." Mayabang na wika nito at naupo na din sa silya nya. Habang kumakain kami, may romantic back ground music pa kaya mas lalo akong kinilig. "Pwede ba kitang isayaw, binibini?' Muntik ko ng maibuga yung iniinom kong juice dahil sa sinabi ni Harduel. Okey lang naman sakin yung yayain nya akong sumayaw. Pero yung tawagin nya akong binibini? Parang bigla nalang itong naging korney. Hindi pa nga ako pumapayag sa alok nya, tumayo na ito at kinuha na ang kamay ko. Wala na akong nagawa kundi ang sabayan sya sa trip nya. Hindi naman ito ang first dance ko, pero bakit ako kinakabahan? Inilagay nito ang dalawang kamay ko sa balikat nya, at pagkatapos ay pinag tagpo nya ang mga kamay nya sa bewang ko. Muka tuloy syang nakayakap sakin dahil sa sobrang dikit namin. "You're not the first, but you will be the last." Wika nito habang nakatitig sa mga mata ko. "Ilang kilong asukal ba ang tinira mo at nag kakaganyan ka?" Nakataas na isang kilay na tanong ko dito. "Hindi ko alam, it's all your fault kung bakit ako nag kakaganito. And I can't control myself when it comes to you. I'm begging you Sammie, don't be so hard on me. Ako nalang ang piliin mo, tapusin na natin to. Hindi ko na kaya na makita kayo ni Lawrence na mag kasama or kahit na sino sa mga pinsan ko." Pag mamakaawang wika nito at mas nilapit pa nito ang sarili nya sakin. Napalunok ako habang nakikipag titigan sa kanya. "I'll be a better boyfriend to you, sabihin mo lang kahit ano gagawin ko para sayo." Dugtong nito. Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya. Mukang seryoso talaga ito sa mga sinasabi nya. Ano bang ginawa ko at nag kaganito sya? Hindi ko naman pinangarap na magustuhan nya. "P-paano si Monica?" Wala sa sariling tanong ko. Bumitaw ito sa pag hawak sakin kaya bumitaw na din ako sa kanya. Nagulat ako ng kunin nito ang dalawang kamay ko at hinalikan. Sa gulat ko kulang nalang ay lumuwa yung mata ko. Sa ginagawa ni Harduel sakin, malapit na akong atakihin sa puso. "Kaialangan nyang malaman ang totoo. Minsan na akong nag kamali at ayuko ng maulit yun. Ikaw na yung laman ng puso ko at hindi na sya." Diretsong sagot nito sakin sabay tingin sa mga mata ko. "Paano kung nag kakamali ka lang sa nararamdaman mo para sakin? Paano kung nadadala ka lang ng emosyon mo dahil galit ka kay Lawrence, dahil ayaw mong maagawan." Mahinahong sagot ko dito. Nilagay naman nito ang kanang kamay ko sa dibdib nya. Ramdam na ramdam ko yung malakas na pag t***k ng puso nya. "Kilala ko ang puso ko, at pangalan mo na ngayon ang sinisigaw nito. Kung hindi ka pa rin na niniwala, hayaan mo nalang akong ipakita at iparamdam yun sayo." Wika nito sabay ngiti sakin. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kaya ngumiti na din ako dito. Hahayaan ko nalang ang sarili ko na mag enjoy ngayon na kasama sya. Pag kakatiwalaan ko na muna sya ngayon. Sana panindigan nya lahat ng sinasabi nya ngayong gabi. Dahil kung hindi, wala na akong kikilalaning Harduel. **Kia's Pov** Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Akala ko pumunta yung mag pipinsan dito para awatin kami sa pag inom, pero nag kamali ako. "Tagay pa!" Wika ni Wyatt, kaya kahit pa bagsak na si Hardelien at Camille sa kalasingan ay nakiki-join pa din ang mga ito dito. Napailing nalang ako habang pinapanuod sila. "Here, kumain ka." Napalingon ako kay Norphil na galing kusina. May bitbit itong cup noodles. Sa totoo lang wala ng pag lalagyan yung noodles na yan sa tiyan ko dahil full tank na ako dahil sa beer na ininom ko. Pero shempre ayuko naman na ma hurt ang feelings nitong si Norphil kaya kahit papano ay tinikman ko ito. "Huwag ka ng uminom, ako na ang sasalo sayo." Wika nito at pinatong ang kamay nya sa ulo ko. Napatingin nalang ako dito at napalunok. Nakakapanibago kasi yung pakikitungo nya sakin ngayon. Ganito bà talaga pag nag confess na sayo? Sh#t feeling ko tuloy biglang humaba yung buhok ko. "Kaya pa ba?" Pang aasar ni Wyatt kay Hardelien. "Tsh, basic! Hindi nyo ko matatalo pag dating sa inuman tandaan nyo y-yan-" Wika ni Hardelien at bumagsak na ito sa sofa. "Hahaha, sa wakas natalo din natin ang amazona na yan." Tuwang tuwa na wika ni Wyatt. Napangiti nalang si Lawrence na kanina pang tahimik. Lagi naman itong tahimik, pero iba yung katahimikan nya ngayon. Halatang may bumabagabag sa isip nya. Binuhat na ni Wyatt si Hardelien para ilagay ito sa kama nya. Paupo na sana sya ng biglang may mag doorbell. Sana ay si Sammie na ito, hindi naman tama na mag kasama sila ni Harduel mag damag. What if may gawin ang kumag na yun sa bestfriend ko? Tumungo na si Wyatt sa pinto, pag balik nito kasama nito si Monica na nakasimangot. Nakatingin lang kami dito, lumapit ito sa table namin at kumuha ng sarili nyang beer at walang imik na uminom ito. Mukang may nangyareng hindi maganda sa kanya. "San ka ba nang galing Pres? Kanina pa kami nag aalala sayo." Tanong ni Camille na namumungay na ang mga mata. Hindi naman umimik itong si Monica at nag patuloy lang sa pag inom ng alak. "Hinay hinay làng sa pag inom Monica, baka malasing ka kagad." Wika ni Norphil. "Yun nga ang gusto kong mangyare. Hindi ko kayo maintindihang tatlo. Nandito kayo sa room namin para mag saya, samantalang si Harduel at si Sammie mag kasama ngayon sa Isla!" Inis na wika nito. Alam ko na kung bakit ito nag kakaganito. Marahil ay nag seselos sya sa dalawa. Hindi ko din naman kasi masi-sisi itong si Monica. Alam naman kasi namin na may something sa kanila ni Harduel, tapos malalaman nyang mag kasama yung dalawa ngayon. Kahit siguro ako mag seselos pag nalaman ko na yung taong mahal ko ay may kasamang iba ngayon. Lalo na at iba din ang sitwasyon ni Harduel and Sammie. "Sorry Monica, may tiwala ako kay Sammie pero kay Harduel wala. Kung ginawa mo sana yung best mo, hindi nya kukunin si Sammie samin." Wika ni Lawrence na ikinagulat ko. Hindi nakaimik si Monica, muli ay uminom ito. Walang pumipigil sa kanya na mag pakalunod sa alak. Tulad ni Lawrence, alam kong nasasaktan din sya sa mga oras na to. Sammie's Pov Hindi ko namalayan ang oras dahil sa mga kwento ni Harduel sakin. Hindi naman pala sya ganun kasama tulad ng iniisip ko. Kwenento nya din sakin ang tungkol sa kanila ni Monica. Sa tingin ko naman walang masama kung maging over protective sya kay Monica dahil girlfriend nya ito at talagang ayaw lang ni Harduel na mawala sa kanya si Monica. Pero in the end hindi kinaya yun ni Monica. Parang ang sarap mag karoon ng ganung lalaki. Yung gagawin ang lahat to protect you. Yung poprotektahan ka na may kasamang pag mamahal. Kung possessive si Harduel pag dating sa babaeng minamahal nya, handa ba akong mag pa sakop sa kanya? Ay sh*t ano ba tong iniisip ko. Pero nandito na ako diba? Sa inaasta nya this past few days, napansin ko na ang ang ugali nyang yun. Ganun nya siguro i-express yung nararamdaman nya para sakin. Yung dinadaan nya lang sa pag susungit. Napansin ko nalang ang sarili ko na nakangiti habang nakatingin kay Harduel. Nakaupo kami ngayon sa buhanginan habang pinag mamasdan ang sunrise. This is my first time na salubungin ang pag sikat ng araw kasama ang isang lalaki. Alam kong hindi pa ako handa sa isang relasyon, pero hahayaan ko syang pumasok sa buhay ko. May something sa puso ko na nag uudyok na hayaan si Harduel. Wala naman sigurong mawawala sakin kung hahayaan ko syang mahalin ako. Hahayaan ko nalang ang puso ko na mag turo sakin, kung sino sa kanila ni Lawrence ang magiging matimbang sa huli. '"Thank you dahil pumayag ka na samahan akong panuorin ang pag sikat ng araw ngayong umaga." Nakangiting wika nito sabay tingin sakin. "As if naman na may choice ako diba?" Pabirong sagot ko dito. "Ngayon na alam mo na ang lahat sakin, siguro naman mag titiwala kana sakin." Seryosong wika nito. "Ahmm, mga 50% palang." Biro ko dito. "Don't worry Sammie, kung nasakal ko si Monica sa pag mamahal ko sa kanya. Susubukan kong hindi gawin yun sayo. Susubukan ko lang pero hindi ko maipapangako yun sayo. Kaya oras na maging sakin kana, pasensyahan nalang kami ni Lawrence." Wika nito kaya napalunok ako. "Ang lalim talaga ng galit mo kay Lawrence nuh? Paano kung sya yung mapili ko, anong gagawin mo?" Mapang asar na tanong ko dito. "Mag papakalayo nalang siguro ako sa inyo, baka hindi ko kayanin na makita kayong dalawa na masaya. Baka map@tay ko pa sya." Seryosong sagot nito kaya napalunok nalang ako. Nakaramdam naman ako ng lungkot ng malaman na aalis ito kung ganun nga ang mangyare. Alam ko naman na nag bibiro lang ito, hindi nya magagawang pat@yin si Lawrence. Kahit masungit at suplado ito, hindi naman sya masamang tao. "Eh kung ikaw naman ang piliin ko?" Biglang nag ningning ang mata nito at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Pangako, lahat ng ayaw mo sakin babaguhin ko. Papatunayan ko sayo na hindi ka nag kamali sa pag pili sakin." Wika nito habang nakatingin sa mga mata ko. "Oo na, naniniwala na ako sayo. Siguro naman pwede na tayong bumalik dahil siguradong ipapatawag na tayo ni Sir Andrew para sa mga activities." Wika ko dito kaya tumayo na ito. Inalalayan nya naman ako sa pag tayo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD