Chapter 28

1333 Words
Habang nag lalakad kami, hindi mawala ang mga ngiti namin sa labi hangang sa sumakay na kami ng bangka. Mas na appreciate ko yung ganda ng lugar dahil maliwanag na. Tahimik lang kami ni Harduel hangang sa makabalik. Hinatid ako nito sa room namin. Kinakabahan ako dahil alam kong sa oras na to makakaharap ko si Monica. Dahil nasa akin ang duplicate ng susi, pumasok na kami ni Harduel sa room. Napakunot ang noo ko ng tumambad samin sa sala ang mga pinsan nya. Si Norphil nakaupong natutulog sa sofa habang si Kia nakasandal sa shoulder nya. Napangiti ako kaya kinuha ko ang phone ko para picturan silang dalawa. Sa sahig naman nakahiga si Wyatt kayakap si Camille. Napakunot tuloy ang noo ko. Mukang nalasing sila ng sobra dahil sa mga beer in can na nakakalat sa table. Nipalingon ako sa kama, nakita ko si Hardelien na mahimbing na natutulog. Di din nakaligtas si Monica, napakunot ang noo ko ng may yumakap dito. Teka si Lawrence ba yun? Mag kasabay kaming lumapit ni Harduel dito at hindi nga ako nag kamali. Mag kayakap na natutulog yung dalawa kaya napatabon ako ng bibig. Maya-maya pa nagising na si Monica. Nang laki ang mata nito ng makita kami ni Harduel. Agad itong napabangon kaya naitulak nya si Lawrence. Muntik pa ngang mahulog sa kama si Lawrence. "H-Harduel, let me explain." Pag papanic na wika ni Monica. Bumaba na ito ng kama at agad na lumapit kay Harduel. Humawak pa ito sa braso ni Harduel pero wala akong nakikitang kahit na anong emosyon kay Harduel. Para bang wala syang paki sa nasaksihan nya ngayon. "W-walang namamagitan samin ni Lawrence. Nakainom lang kami, pero wala lang yun." Mangiyak ngiyak na paliwanag ni Monica dito. "Ano bang ingay yan!" Reklamo ni Hardelien at bumangon na din ito ng kama nya. Sunod-sunod na din na nagising ang iba. Si Lawrence naupo sa kama habang hawak-hawak ang sintido nya. "Mamaya na tayo mag usap Monica. May importante din akong sasabihin sayo." Kalmadong wika ni Harduel at tumalikod na ito at nag lakad palayo. Napabuntong hininga si Monica sabay baling ng tingin nito sakin . "Ikaw! Anong ginawa mo kay Harduel sa buong mag damag?" Inis na tanong nito sakin. Napalunok ako sa tanong nya, para kasing inaakusahan nya ako. "A-ano bang klasing tanong yan Monica. Kung may ginawa man kami ni Harduel hindi yun katulad sa ginawa nyo ni Lawrence. Wala akong dapat na ipaliwanag sayo, dahil in the first place kayo yung may ginawa at hindi kami ni Harduel." Inis n wika ko dito. "Tama na nga yan, mas lalo nyo lang pinapasakit ulo ko. Kayo, mag si balik na nga kayo sa kwarto nyo!" Inis na wika ni Hardelien at isa isang pinag tutulak palabas yung apat na lalaki. Pag labas nung apat, naging tahimik ang kwarto namin. Si Kia at Camille nilinis na nila yung mga kalat, si Hardelien naman bumalik sa higaan nya at si Monica tumungo na ng banyo para maligo. "Girl, anong nangyare sa inyo ni Harduel kagabi?" Tanong ni Camille kaya napalingon ako sa pinto ng banyo. Tiningnan din ako ng masama ni Kia, na para bang sinasabi nya na mag sabi na ako ng totoo. "Nag confess si Harduel sakin, sinabi nya na gusto nya na ako." Wika ko "Oh my gosh, double confession pala yung nangyare kagabi. Nakakaingit naman, sana sakin may mag confess din." Kinikilig na wika ni Camille. "What do you mean na dalawa?" Nakakunot noo na tanong ko. Tiningnan ng masama ni Kia si Camille. Mukang may tinatago sakin ang bestfriend ko. "Kia, may dapat ba kong malaman?" Nakakunot noo na tanong ko dito. "Ah eh, ano kasi Bess. Si Norphil kasi, ano." Wika nito na para bang hirap na hirap sa pag sasalita. "Nag confess sya sayo? Don't worry Bess, matagal ko na kayong napapansin. Sa totoo lang, inaasahan ko na yan, kayo talaga ni Norphil ang gusto kong mag katuluyan." Nakangiting wika ko. "H-hindi ka galit?" Pag tatakang tanong nito. "At bakit naman ako magagalit?" Natatawang tanong ko dito. "Dahil isa si Norphil sa manliligaw mo, tapos inagaw ko lang." Malungkot na sagot nito. "Gag@, natutuwa nga ako dahil nabawasan na sila. Isa pa mas bagay talaga kayo Bess. I'm so happy na mag kaka love life kana." Kinikilig na wika ko dito. Napangiti nalang si Kia, alam kong nag aalala sya na baka magalit ako sa kanya. Mabuti naman at umamin na din itong si Norphil. Maagap din naman pala ang isang yun. Ako ang magiging number one fan ng love team nila. Hardelien's Pov Mukang sumasang-ayon lahat sa plano ko. Sorry kay Monica and Lawrence, sila nalang kasi talaga yung nakikita kong sagabal sa love story ni twinnie at Sammie beyb ko. Hindi naman talaga natulog si Lawrence and Monica na mag katabi. Ako talaga ang may pakana nun. Tumawag ako ng hotel crew para buhatin si Lawrence sa tabi ni Monica, hehehe. Sorry ang bad ko ba? Sabi nga nila, kung walang ibedensya dapat gumawa ka. Ito lang ang alam kong way para tuluyan ng lumayo si Harduel kay Monica. Kilala ko kasi si Monica, kung ihahalintulad sya sa isang insecto, para syang linta. Kakapit at kakapit yan kay Harduel. Kaya gumawa na ako ng way dahil this time sya na yung may ginawang mali sa mata ng kakambal ko. Aheheh, ang bright ng idea ko, pero wag nyo kong gagayahin dahil very wrong yun. Nag start na ang activity nila at lahat kami ay may hangover pa maliban kay Harduel and Sammie. Laging kong nahuhuling nakatingin si Monica kay Harduel, si Harduel naman kung makatingin kay Sammie beyb wagas. Hays, alam ko yang mga galawan at tinginan ng kakambal ko. Kahit itangi nya sakin ng ilang beses na hindi sya inlove, nababasa at nararamdaman ko yun. Bawat student ay bumunot na ang magiging group nila. Ako naman sitting pretty habang nakaupo sa katabi si Mr.Almundo. Inalok ko ito ng buko shake na iniinom ko pero tumangi ito. "Bakit hindi ka sumali sa activities nila iha?" Tanong nito habang nakatanaw sa mga studyante. "Hindi na po, mas gusto ko po na dito nalang at manuod." Sagot ko dito. Nag karoon ng apat na grupo ang mga studyante. Nakita ko si Sammie at Kia na tuwang tuwa dahil mag ka grupo sila. Kasama din ni Sammie sa grupo si Norphil at Harduel. Sa kabilang team naman si Lawrence, Monica, Wyatt at Camille. Mukang pati ang tadhana ay gumawa ng paraan para pag hiwalayin si Monica at Harduel. Mukang maganda tong magiging activity nila. Nag start na ang 1st activity, ang tag of war. Bawat grupo ay may representative na 20 persons. Unang nag laban ang green and red team na sila Sammie. Enjoy na enjoy sila sa pag lalaro at nanalo sila Sammie. Sa sobrang tuwa nila ay nag yakapan si Sammie at Kia, then nag yakapan din si Harduel at Sammie. Medyo nagulat pa si Sammie, habang si Harduel ngiting ngiti naman. Next na nag laban ay ang yellow team and Blue team na sila Monica. In the end sila Monica yung nanalo. Last game na para sa champion, mukang hindi mag papatalo ang bawat team. Nag handa na sila, si Sammie ang nasa unahan at nasa likod nya si Harduel. Nakakaloka, kinikilig ako sa dalawang ito. Nag start na sila sa hilahan, parehas silang nag tatagisan ng lakas. Konte nalang at mananalo na ang blue team. Marahil ay may pinang huhugutan ng sama ng loob ang mga ito kaya nailalabas nila ang lakas nila. Sa huli ay sila Monica ang nanalo, natumba ang red team. To the salo naman ang peg ni Harduel kay Sammie. Yung tawanan nila mukang hindi sila natalo dahil enjoy na enjoy ang nga ito. Samantalang yung tingin ni Monica dun sa dalawa, parang lalapain nya na. Nanalo nga sila sa game, pero sa itsura ngayon ni Monica, mukang talunan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. Hindi ako nag kamaling sumama dito, mas nag eenjoy akong panuorin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD