**Sammie's Pov**
Sunod sunod ang naging activities namin, hindi ko akalain na mag eenjoy ako ng ganito. Siguro dahil masaya yung puso ko ngayon. Alam nyo naman na si Harduel lang yung nag bibigay sakin ng stress before pero nag bago na ngayon. Sobrang caring and sweet kasi nito sakin to the point na pati pag punas ng pawis ko ay ginagawa nya. Sobrang laki talaga ng pag babago nya.
Naupo ako sa buhanginan habang hinihintay sila Kia. Pinatawag kasi sila ni Sir Andrew kaya naiwan akong mag isa.
"Mukang enjoy na enjoy ka Sammie." Wika ni Monica kaya na alerto ako.
"M-may kailangan ka?" Diretsong tanong ko dito.
"Wala naman, natutuwa lang ako na ang eenjoy ka. Sulitin mo lang habang nasayo pa." Wika nito bago umalis. Napalunok ako sa sinabi nito. Alam kong si Harduel ang tinutukoy nya.
"Pasensya kana kay Monica."
Agad akong napalingon kay Lawrence. Naupo ito sa tabi ko kaya napangiti nalang ako.
"Okey lang, hindi ko naman sya masi sisi kung bakit sya nag kaka-ganun. Kasalanan ko naman to, kung di ako pumasok sa buhay nyong mag pipinsan hindi mangyayare to." Nakayukong sagot ko.
"It's not your fault Sammie, ginusto din namin to. Tulad ko, na hulog kami ni Harduel sayo ng hindi namin namamalayan. Ka mahal mahal ka naman kasi." Wika nito at bahagyang tumawa.
"Hindi ko kayo maunawaan ni Harduel, sa dami-daming babaeng nag kakandarapa sa inyo sakin pa talaga kayo nag kagusto. Hindi ako mag tataka kung isang araw ay mauntog kayo at mamalayan nalang na hindi nyo na ako gusto." Nakangiting wika ko dito.
"Ilang beses ko ng inuntog ang ulo ko Sammie, pero ikaw pa rin ang nasa isip ko maging laman ng puso ko."
Nagulat ako sa sinabi nito kaya nag katinginan kami. Nakaramdam na naman ako ng kabog sa dibdib ko. Hindi talaga ako sanay na may nag sasabi sakin ng ganito katatamis na salita.
"T-thank you Lawrence, thank you for loving me. Sa ngayon I can't decide pa din kung sino sa inyo ang pipiliin ko. Sana bigyan nyo pa ako ng time." Nahihiyang sagot ko dito.
"Hindi kita minamadali Sammie, mag hihintay ako." Nakangiting wika nito at tumayo na kasabay ang pag pagpag ng buhangin sa short nya.
"Mauna na ako, see you later." Nakangiting wika nito at patakbong sinundan si Monica.
Napabuntong hininga ako at napatingala sa kalangitan. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Bakit parehas na kumakabog ang dibdib ko kay Lawrence and Harduel. Jusme naman, hindi naman pwede na silang dalawa ang piliin ko!
*Hardelien's Pov*
Naka recieve ako ng call mula kay Lolo Jones. Nag tatanong ng update tungkol dun sa lima, so ako naman binalita ko kagad yung mga kaganapan kaya tuwang tuwa ito.
Nag lalakad ako ngayon dahil hinahanap ko sila Sammie. Nag break time lang sila pero ni isa sa kanila ay hindi ko na mahanap.
Sa pag lalakad ko, may nakasalubong akong gwapong lalaki. Naka white sando ito then summer short yung may drawing na puno ng niyog. Hayst may ganito pala ka gwapong nilalang dito sa beach na to, pag sinuswerte nga naman. Bakit ngayon ko lang sya natagpuan, eh di sana mas naging masaya yung bakasyon ko dito.
Inalis ko yung suot kong sunglass at inayos yung swimsuit ko. Nang mag tapat na kami ni hindi manlang ito napatingin sakin, samantalang yung ibang lalaking nakakakita sakin ngayon, kulang nalang ay tumulo yung kanilang mga laway.
Sa inis ko ay padabog akong nag lakad. Ito ang unang beses na may ng ignore sa beauty at ka sexyhan ko. Akala mo naman talaga ay sobrang gwapo nya! Humanda sya sakin pag nag kasalubong ulit kami.
Sa di kalayuan ay natanaw ko si Sammie na nag lalakad kasama si Kia. I take a deep breath bago lumapit sa kanila. Mamaya na muna ako mang ha-hunting ng mga gwapo, makikichismis na muna ako.
"San ba kayo nang galing, kanina ko pa kayong hinahanap." Kunyare ay inis na wika ko dito.
"Actually kanina ka pa din naming hinahanap, nag aalala na nga kami sayo kasi simula ng mag umpisa ang activities namin di kana namin nakita." Pag aalalang wika ni Sammie. Napangiti naman ako dahil bakas talaga sa muka nya ang pag-aalala.
"Nandyan lang ako sa tabi-tabi, nanunuod sa inyo." Nakangiting sagot ko at pumagitna sa kanila dalawa. Nag patuloy na kami sa pag lalakad, mabuti nalang at hindi nakabuntot yung mga asungot sa kanila.
Hinila ko si Sammie at Kia sa isang store. Alas dose palang naman at alas dos pa ang start ng next activity nila.
"Teka lang Hardelien, wala kaming dalang pera." Wika ni Kia sakin.
"Sino ba nag sabi sayo na kailangan mo ng pera? Akong balaha(bahala) sa inyo." Nakangising wika ko dito at pag pasok namin sa store dun agad kami dumiretso sa mga naka display na swimsuit.
Ilang araw lang kami dito, alam kong magiging mas busy pa sila sa mga susunod na araw kaya kailangan naming sulitin ang bawat break time nila. Di naman pwedeng di kami makapag awra, sayang ang magagandang view.
Tiningnan ko si Kia mula ulo hangang paa. Pag lalawayin ko lang naman si Norphil sa gagawin ko, hehehe.
Kinuha ko yung two piece na black. Pak na pak ito sa kanya dahil maganda ang hubog ng katawan nya. Idagdag pa natin yung laki ng dibdib nya. Tiyak na matutuwa ang pinsan ko nito hahaha.
Pag kaabot ko kay Kia nung two piece napaatras ito. Para bang may virus yung swimsuit dahil tumago pa ito sa likuran ni Sammie.
"Mag tatampo talaga ako pag di mo yan sinuot." Naka pout pa na wika ko dito. Gagalingan ko na ang pag arte, kailangan ko silang mapilit na suotin to.
"P-pero Hardelien, hindi ko ata kayang suotin yan." Nauutal na sagot nito.
"Don't worry lalagyan natin yan ng pang patong para di ka mailang." Sagot ko dito kaya ako na ang lumapit dito para ibigay yung two piece. Patawa-tawa naman itong si Sammie. Akala nya ba si Kia lang?
Pa simply kong tiningnan si Sammie. Cute size lang si Sammie, parang 16 years old nga lang ito. Naniniwala ako na mag babago pa ang hubog ng katawan nya. Sabi kasi nila, once daw na ang babae ay na virginân may chance na mas gumanda ang katawan or malasp@g. Basta nasa pag aalaga daw yan ng lalaki. Malay nyo naman diba, biglang lumaki yung hinaharap ni Sammie pag. Basta alam nyo na yun, hahhaa.
"Here, akala mo makakaligtas ka." Nakangising wika ko at hinila na silang dalawa papunta sa changing area.
"Hardelien, ano na nanaman bang trip to? Hindi namin kayang suotin tong kapirasong tela na yan." Reklamo ni Sammie.
"Sige na, one hour nyo lang naman na susuotin yan. Mag tatampo talaga ako sa inyo pag di nyo yan sinuot." Wika ko sa dalawa. Napabuntong hininga ang mga ito at pumasok sa changing area. Habang nag bibihis sila, hinanapan ko na sila ng pwedeng ipang-ibabaw sa two piece nila.
Binayaran ko na yung mga pinamili namin dahil wala na ata silang balak na lumabas ng changing room.
"Ano may balak pa ba kayong lumabas dyan?" Sarcastic na wika ko sa labas ng changing room.
"Hindi namin kaya na lumabas ng ganito." Wika ni Kia kaya kumatok na ako sa pinto nito.
"Suot mo din ito, masanay na dapat kayo na mag susuot ng ganyan dahil mahilig mag beach si Norphil and Harduel. Gusto nyo ba na sa ibang babae tumingin yung dalawa?" Pananakot ko sa mga ito.
Pag kasabi ko nito sa kanila ay bumukas na ang mga pinto nila. Napangiti naman ako ng sabay na lumabas si Sammie at Kia.
"Bwésit ka talaga Hardelien, buti at nag shave ako." Wika ni Sammie kaya napahagalpak ako ng tawa.
"Ano bang kinahihiya nyo, bagay na bagay naman sa inyo." Nakangiting wika ko habang pilit na tinatabunan ni Sammie yung tapat ng pekp3k nya.
Inabot ko kay Sammie yung summer dress na manipis para maging komportable sya. Excited na talaga ako after nito, makakapag palit na ako ng bagong profile picture ko sa sss.