**Sammie's Pov**
Kinakabahan na ako, alam nyo naman pag si Hardelien ang may pakana. Lagi nalang itong may pasabog.
Napalunok nalang ako habang tinitingnan ang sarili sa loob ng changing room. Hindi naman ganun kasama ang body shape ko. Pero wala akong confidence na humarap sa maraming tao na ganito ang suot.
"Tara na?" Nakangiting wika ni Hardelien. Ang bruha tuwang tuwa na pumagitna samin ni Kia. Mabuti pa sila ni Kia, ang tatambok ng dibdib. Nung panahon siguro na nag paulan si Lord ng ka sexyhan, enjoy na enjoy yung dalawa habang ako mahimbing na natutulog.
"Alam mo bang mahilig si Harduel sa mga cute size." Bulong ni Hardelien sakin. Napalunok ako sa sinabi nito kaya napatingin na naman ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Hardelien. Pero si Monica naman hindi naman cute size ang dibdib nito. Tulad ni Hardelien and Kia, malulusog ang hinaharap nila. Kaya paano nasabi ni Hardelien na mahilig sa cute size ang kakambal nya?
Hays, bakit ko ba yun pinoproblema? Isa pa hindi naman ako napapayag ni Hardelien na suotin to para ipakita kay Harduel. Ayuko lang talaga na mag tampo si Hardelien sakin.
Pag labas namin ng store, agaw pansin agad kami. Itong si Hardelien sanay na sanay na talaga na pag tinginan sya ng maraming tao.
Ilang sandali pa ay narating na namin ang sinasabing magandang spot ni Hardelien. Nag selfie na kaming tatlo, tinuruan pa kami nito kung ano yung magagandang poses.
Hindi nag tagal ay na enjoy na namin yung moment. Medyo nasanay na din ako sa suot ko. Hindi na rin masama, mag iisang taon na din kasi yung profile ko sa sss. Sa wakas ay makakapag palit na ako.
Pabalik na kami ng hotel ng makasalubong namin yung apat na mag pipinsan. Natigilan kami nila Kia sa pag lalakad dahil nakakunot yung noo nung apat samin. Napatingin nalang ako sa ibang direksyon dahil sobrang samanng tingin ni Harduel sakin. Parang gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko. Sabi na nga ba at ipapahamak kami nitong si Hardelien. Kahit kelan talaga pasaway ang babaeng ito, hindi na ako nadala sa mga pakulo nya.
"What the F*ck, why are you all dressed like that?" Dinig kong wika ni Harduel kaya napatingin ako dito. Yung mata nya nang lilisik sakin. Palapit na ito sa pwesto namin, nagulat ako ng bigla nyang hubarin yung suot nyang t-shirt. Napalunok tuloy ako ng bumalandra sa harap ko ang pandesal nya.
Dahil busy ako sa pag tingin sa abs nya, nagulat ako ng bigla ako nitong bihisan. Yung suot nyang t-shirt kanina, hinubad nya pala ito para ipasuot sakin.
Napangiti nalang ako sa ginawa nya. Pakiramdam ko napaka protective nito.
"Ah eh, maiwan ko na kayo ah. Tumatawag kasi si Lolo, palobat na cellphone ko kaya dyan na kayo." Wika ni Hardelien at patakbo na itong umalis. Pasaway talaga, after nya kaming ilagay sa alanganin, iiwan nalang kami ng basta- basta.
"Hindi talaga kita pwedeng ipag katiwala kay Hardelien. Next time kapag may sinabi sya, or pinagawa sayo, itanong mo muna sakin." Medyo kalmado na wika nito.
"Bagay naman kay Sammie ah, wag ka ngang OA dyan Harduel. Pinag dadamot mo lang kasi." Nakangising wika ni Wyatt.
"Shut up, sapakin ko muka mo eh." Inis na wika ni Harduel kaya napahagalpak nalang ng tawa si Wyatt.
Sinilip ko si Kia, nasa tabi nya si Norphil habang naka akbay ito sa kanya. Buti pa si Bessy ko, mukang proud pa sa kanya si Norphile. Siguro pinag mamalaki nya ito sa iba kasi nga may ipag mamalaki naman talaga. Bigla tuloy akong naingit, hays.
Hardelien's Pov
Pabalik na ako ng hotel, hindi muna ako mag papakita sa kakambal ko. Tiyak na tatamaan talaga ako dun dahil sa ginawa ko kay Sammie, hahaha.
After ko mag shower saktong nag ring ang phone ko. Napakunot ang noo ko ng makita sa screen ang name ni Lolo Jones kaya dali-dali ko itong sinagot.
"Yes Lolo, napatawag ka po ulit?" Nakangiting tanong ko dito.
"Sorry to bother you my dear apo. May client kasi ako today at hindi ito pwedeng i-cancel. Nandyan din sila ngayong sa subic, so pwede bang ikaw nalang ang maging representative ko. Don't worry kasama mo yung head manager natin sa company." Wika ni Lolo kaya napa buntong hininga nalang ako. Hindi ko naman pwedeng tangihan si lolo Jones dahil about business ito.
"Sige Lolo, ako na po ang bahala. Ibigay nyo nalang po ang number ko dun sa manager, para kami na ang mag usap." Nakangiting sagot ko sa telepono.
"Sige iha, maasahan talaga kita." Huling wika nito bago ako pinatayan ng call. Napa pout nalang ako at nag asikaso na ng sarili.
Naabutan ako ni Sammie at Kia na na nag m-make up.
"Bihis na bihis ka ata?" Pag tataka ni Sammie.
"May urgent meeting ako sa client ni Lolo Jones. Gusto ko pa sana manuod ng activities nyo, kaso mas importante tong lakad ko ngayon." Sagot ko dito.
"Ganun ba, let us know if you need help." Nakangiting wika ni Sammie.
"Wag nyo na akong intindihin, kayang kaya ko na to." Wika ko sa kanila at muling nag ring ang phone ko. Mukang ito na yung assistant ni Lolo kaya sinagot ko na ito.
"Hello, is this Ms.Hardelien Miranda." Wika ng lalaking nasa kabilang linya. Hindi ko inaasahan na lalaki itong makakasama ko sa meeting. Sa tono ng boses nito mukang bata pa sya, pwedeng nasa 20' or 30s.
"Yes speaking." Sagot ko dito.
"I'm Kevin Gonzales, head manager of Mr.Jones Miranda. Saan po ba kita pwedeng sunduin para sa meeting natin with Mr and Mrs Sandoval?" Tanong nito.
"I will send the address." Sagot ko dito.
"Sure, see you later Ms.Miranda." wika nito bago nya ibaba ang phone call.
"Bakit parang ang ganda ng ngiti mo dyan, sino ba yung tumawag?" Tanong ni Kia.
"Yung makakasama ko sa meeting, mukang gwapo kasi, gwapo yung boses eh." Kinikilig na sagot ko dito. Napailing nalang yung dalawa, habang ako ay nakangiting nag tatype sa cp ko. Pagka send ko, nag reply agad ito.
*I'll pick you up in 10 minutes* Reply nito.
Humarap ulit ako sa salamin for my final look. Hindi ko alam pero kinakabahan ako at the same time kinikilig. Hindi naman pakikipag date itong pupuntahan ko pero bakit pakiramdam ko nasa isang blind date ako. Umayos ka Hardelien, hindi ito ang tamang oras para mag nilandí ka.
Nag paalam na ko kay Kia at Sammie. Pag baba ko ng lobby nag ring ulit ang phone ko. Sasagutin ko palang sana ng biglang may lumapit sakin.
"Ms.Hardelien Miranda, right?"
Napakunot ang noo ko ng mamukaan ito. Sya yung lalaking nakasalubong ko kanina sa beach. Oh my gosh, what a small world naman oh.
"A-ako nga, paano mo nalaman?" Nauutal na sagot ko dito. Sh*tness, bakit nauutal ako sa pag sagot sa kanya. Nakaka star struck naman kasi ang kakisigan at kagwapuhan nito. Mukang matanda sya sakin ng five years pero sabi nga nila age doesn't matter. Ahehehe, bakit ang landi ko ata ngayon..
"Nag send kasi ng picture si Mr.Jones sakin para daw ma recognize agad kita." Sagot nito kaya naalarma ako, baka kasi panget ako dun sa sinend ni Lolo na picture.
"Pwede ko bang makita yung picture na sinend ni Lolo?" Nahihiyang tanong ko dito.
"Sure." Nakangiting sagot nito at pinakita nga sakin ang picture ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil ang pretty ko sa picture na sinend ni Lolo. One point ka sakin ngayon Lolo Jones.
Nakangiti kaming umalis ng hotel, jusme Lord, sya na ba yung para sakin?
Pinag buksan ako nito ng pinto ng kotse nya. Tiningnan ko naman ang itsura ko sa rare mirror habang papasok palang ito sa loob. Pag kapasok nya naman sa loob saktong nag ring ang phone nya.
Ako naman na chismosa pa simpling tiningnan ang screen ng phone nito. Napakunot ang noo ko dahil sa lock screen photo nito. Hindi ako pwedeng mag kamali, si Kevin yun na may kasamang babae.
So ibig sabihin mag girlfriend or Asawa na sya? Sayang naman kung ganun.
Tumingin sakin si Kevin, tingin na humihinge ng permission na sagutin muna yung call kaya tumango nalang ako bilang sagot.
"Yes babe, oo papunta na ako ngayon sa meeting. Yes, kasama ko yung apo ng boss ko. Okey, I love you." Wika nito sa kausap nya bago ibinalik sa bulsa ang cp nya.
"Pasensya na, tumawag kasi yung fiance ko. So let's go?" Nakangiting wika nito.
Fiance palang naman pala, pwede pang mag hiwalay yan. Yun ngang mag asawa nag hihiwalay pa, what more kung di pa kasal.
Ano ba tong naiisip ko? Bakit parang may balak akong maki-eksena sa relasyon nila? Hindi ako kontrabida dito at hindi ko din ugali ang mang sulot ng jowa ng iba. Umayos ka Hardelien, isa kang dalagang Filipina.