Chapter 31

1615 Words
**Sammie's Pov** Gabi na ng matapos ang last activities namin. Dahil sa sobrang pagod nahiga na ako sa kama. "Uuwi ba si Hardelien? Anong oras na kasi bakit wala pa sya." Pag aalalang tanong ni Camille habang nag bo-blower ng buhok nya. "Nasa business meeting yun, pero tatawagan ko na din para i-check kung makakauwi sya." Nakangiting sagot ko dito. Kinuha ko ang phone ko para tawagan ito ng biglang may nag door bell, mukang si Hardelien na ito kaya dali-daling tumungo si Camille sa pinto para pag buksan ito. "Kaya kong umuwi mag isa!" Boses iyon ni Hardelien at halatang galit ito dahil sa pag sigaw nya. "Kahit kelan talaga napaka tigas ng ulo mong babae ka!" Boses naman yun ni Harduel. Ilang sandali pa ay nasa sala na sila. Pabagsak na naupo si Hardelien sa sofa. Sunod sunod na dumating yung mag pipinsan, lahat sila nakatingin ng masama kay Hardelien. "What happened?" Pag aalalang tanong ko. "May nakakita sa kanya at dun sa manager ni lolo na papasok sa isang hotel. Mukang lasing na lasing daw itong si Hardelien. Kaya mabuti nalang at may nakapag report agad sakin." Inis na wika ni Harduel habang nakatingin ng matalim sa kakambal nya. "Okey ka lang ba Hardelien? May ginawa bang masama sayo yung guy na kasama mo?" Pag aalala ni Kia. "Kahit kelan talaga napaka wrong timing mo. Panira ka ng plano, dyan na nga kayo." Iritadong wika ni Hardelien at tumungo na ito sa kama nya. Napailing nalang yung tatlong mag pipinsan. Maya-maya pa dumating na din si Monica. Bakas sa muka nya ang pag kagulat ng makita yung mag pipinsan. "Anong oras na, bakit nandito pa kayo? Alam nyo naman na bawal ang boys dito." Inis na wika ni Monica. Lumalabas ang pagiging Student president nya ngayon. "Don't us Monica, ikaw nga pumasok sa room namin kanina diba?" Nakangising wika ni Wyatt. Napatingin ako kay Harduel, alam kong sya ang dahilan kung bakit pumunta si Monica dun. "Don't worry Sammie, si Lawrence ang pinuntahan ko dun. Isa pa wala si Harduel doon nung pumunta ako." Wika ni Monica at dumiretso ito ng kusina. Mukang napansin nya ata ang pag tingin ko kay Harduel. Nakahinga naman ako ng maluwag. Simula ng mag confess si Harduel sakin ng nararamdaman nya, ang daming nag bago sa nararamdaman ko para sa kanya. Kung dati wala akong paki alam sa kanya, ngayon kahit maliit na bagay nakukuha nya na ang atensyon ko. Nyemas Harduel, ano bang gayuma ang ginamit mo sakin. Bakit sa isang iglap nawala ang inis ko sayo. Kinabukasan.. Mag kakasama kami ngayon habang nag almusal nila Kia at Camille. Si Hardelien kasi tulog pa din sa kama nya nung umalis kami. Hindi na namin ito ginising dahil nag pakalasing ito kagabi after pagalitan ng kakambal nya. Maging sila Lawrence ay napag sabihan sya. Hindi naman pala talaga ito lasing kagabi nung oras na sinama sya sa hotel nung manager ni lolo Jones, nag papangap lang pala ito. Sabi ni Norphil, mukang tinamaan si Hardelien dun sa manager ni Lolo Jones kaya nagawa nya ang bagay na yun. "Kawawa naman yung manager ni Mr.Jones. Sabi kasi ni Harduel gagawin nya daw ang lahat para mapatalsik sa company nila yung lalaki." Pag alala ni Kia. "Kaya nga eh, wala namang kasalanan yung manager dun diba? Sana naman maging responsible si Hardelien sa nangyare." Wika ni Camille. "Pinag chichismisan nyo ba ako?" Nanigas kami sa kinauupuan ng biglang naupo si Hardelien sa tabi ko. "Ah eh ano kasi, pinag uusapan namin yung nangyare kagabi. Concern lang kami dun sa manager ng company nyo. Sabi kasi ni Harduel, gagawin nya ang lahat para maalis ito sa company nyo." Natatarantang wika ni Kia. "No! Hindi ako papayag na mangyare yun. Bwesit talaga ang Harduel na yun napaka KJ. Hindi nya pwedeng galawin si Baby Kev ko! Humanda sya sakin pag nag kita kami. Subukan nya lang galawin ang baby Kev ko at makikita nya talaga ang hinahanap nya, I swear!" Inis na wika nito kaya napalunok ako. Hindi ko inaasahan na ganito pala magalit itong si Hardelien. Sabi nga nila, iba magalit yung mababait at makukulit. Siguradong gera ang mangyayare. "Na curious tuloy ako, ano bang nakita mo sa Kev na yun?" Tanong ko dito. Agad namang napangiti si Hardelien at nag pangalumbaba habang nag di-day dream. "Gwapo at yummy, tapos the way he smile nakakatunaw. Ewan ko ba beb pero napukaw nya ang atensyon ko at lalo na ang puso ko." Kinikilig na wika nito. Napailing nalang si Kia, sabay sabi na. "Mukang tinamaan talaga ang bruha. Hahahhaa" "Oo nga eh, kung si Harduel medyo possessive na agad sa pang-liligaw dito kay Sammie, what more itong girl version nya? Mukang may aabangan akong bagong love story." Pangisi-ngising wika ni Camille. "Eh kung hindi kita tulungan dyan kay Wyatt!" Inis na wika ni Hardelien dito. "Ito namang si future pinsan di na mabiro." Sagot ni Camille, at agad na nilambing ang nag gagalit-galitan na si Hardelien. Nag patuloy na kami sa pagaalmusal ng biglang may lumapit saming babae. I know her, hindi ko maaring makalimutan ang muka nya. "Yassy? What are you doing here?" Gulat na tanong ni Hardelien ng makilala din ito. Oo sya si Yassy, yung babaeng lumapit samin ni Wyatt nung nasa mall kami. "I'm looking for your cousin Wyatt. Did you see him? Gusto ko kasi syang I-surprise." Nakangiting wika nito. Nagkatinginan kami ni Hardelien. Yung tingin na nag sasabing "Patay, paano to." Tiningnan ko din si Camille, hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanila ni Wyatt. Nung nalasing kasi sila mag katabi silang natulog nun. Wala namang nangyare sa kanila pero sure akong na a-touch na si Camille kay Wyatt. Medyo sweet pa naman ang pakikitungo nito kay Camille. Bakit ko ba nakalimutan na may Yassy na ito? Ito kasing si Wyatt babaero din! "Nakita nyo ba si Wyatt?" Tanong ni Hardelien samin. Sabay kaming umiling ni Kia. "How about you Ms, did you see him?" Nakangiting tanong ni Yassy kay Camille. "O-oo, nakasalubong ko sya kanina sa lobby ng hotel." Nauutal na sagot nito. **CAMILLE'S POV** Kasama namin ngayon si Yassy, papunta na din kasi kami sa site kung saan gaganapin ang activity namin ngayong umaga. I saw Wyatt, masaya itong nakikipag usap kay Norphil. Hindi ko alam kung girlfriend nya ba itong si Yassy. Sana pala inalam ko muna kung single sya or taken bago ko hinayaan ang sarili ko na ma fall sa kanya. Actually hindi pa naman ako nahuhulog ng lubusan. Pero sa tingin ko malapit na. Hindi ko din kasi maintindihan kung bakit ganun ang pinapakita sakin ni Wyatt. Sobrang sweet nya sakin, madalas nya nga akong i-text simula nung mag palitan kami ng number nung nag kainuman kami. Nung nalasing kami, aminado naman ako na kinikilig ako nung natulog kaming mag katabi. Sino bang hindi kikiligin sa kanya, isa sya sa mga pinag papantasyahan ng maraming kababaihan at isa na ako dun. "Wyatt!" Masiglang tawag ni Yassy dito. Agad itong lumapit kay Wyatt at yumakap ito ng mahigpit. "Y-Yassy? What are you doing here?" Pag tatakang tanong ni Wyatt ng humiwalay na si Yassy sa pag yakap sa kanya. "Pumunta kasi ako sa bahay nyo kahapon and sinabi ni Wyren (Yeren) na nandito nga daw kayo." Nakangiting wika ito. "Sorry kung hindi ko nasabi sayo." Sagot ni Wyatt dito. "It's okey, gusto lang kitang makita. Tomorrow babalik na din ako ng manila." Nakangiting wika ni Yassy dito. Tahimik lang kaming nakikiramdam sa dalawa. Ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa? "Alam nyo kayong dalawa, Hardelien and Yassy, napaka pasaway nyo. Bakit hindi nalang kayo lumipat ng Almodians?" Wika ni Norphil. "Mawawalan ng magandang studyante ang Lift UP University pag umalis kami." May pagka mayabang na sagot ni Hardelien dito. Bigla namang umalis yung tatlong mag pipinsan maliban kay Wyatt. Mukang hindi sila sang-ayon sa sinabi ni Hardelien. "Kayo talaga! Parang hindi ka-dugo. Hindi manlang sinupurtahan yung sinabi ko!" Inis na wika ni Hardelien. "Hardelien, ikaw na muna ang bahala kay Yassy habang may ginagawa kami." Wika ni Wyatt kaya napatingin ako sa kanya. "Sure, buti ka pa may tiwala sakin." Nakangising wika ni Hardelien at hinila na sa braso si Yassy. Nag katinginan kami ni Wyatt, shempre agad na ngumiti ako. Baka isipin nya na naapektuhan ako sa presensya nila ni Yassy, pero ang totoo ay oo. Pero ayuko naman na isipin nya na nag seselos ako. Baka kasi ako lang yung assuming sa kasweetan na pinapakita nya. Nag simula na ang activity namin. May hahanapin kaming mga puzzle, makikita lang namin ang pinag lalagyan nito sa instructions na binigay samin. "Wyatt and Camille, kayo na ang mag hanap sa forest. Hindi kayo lalampas sa tali na nakaharang sa kakahuyan dahil hindi na yun sakop ng site activities natin." Paliwanag ni Monica. Napalunok naman ako ng marinig kung sino ang magiging partner ko. Bakit parang bigla nalang naging awkward yung pakiramdam ko kay Wyatt. "Norphil and Kia, sa sand box kayo mag hahanap." Wika muli ni Monica. Natigilan naman ito sa pag sasalita ng mapatingin kay Sammie and Harduel. "And the two of you, kayo nalang ang mamangka para kuhain sa lambat yung one piece ng puzzle. Kami ng bahala ni Lawrence sa hanging bridge." Muling wika nito. "Sigurado ka ba dyan Monica?" Nakakunot noo na tanong ni Lawrence dito. "Oo, sa ating lahat si Harduel ang magaling pag dating sa swimming. Si Wyatt, hiking ang libangan nya. Si Norphil naman, he can do all things." Nakangiting sagot nito. Hindi na nag react pa si Lawrence. Sa tingin ko kasi nag aalala ito para kay Monica. Kahit hindi nila gusto ang isat-isa, sa tingin ko naman bagay sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD