Chapter 9

1917 Words
Naabutan ko namang nakatayo yung apat na mag pipinsan sa pinto ng kwarto nila. Napalunok ako ng mapag tanto kung nasaan ang kwarto ko. Pinagigitnaan kasi ito ng room ni Lawrence at Harduel. Bali room muna no Wyatt, then kay Harduel, sakin, kay Lawrence at pang huli ang kay Norphil. Mas okey sana kung ang room ko ay yung room ni Norphil or Wyatt, bakit naman nasa pinakang gitna ako. "Kung may kailangan ka, katukin mo lang ako." Nakangiting wika ni Lawrence ng makarating ako sa tapat ng pinto ko. "Sige salamat." Nakangiting sagot ko dito. Okey din naman Pala na katabi ko tong si Lawrence, hehehe. "Available din ako anytime Sammie.", Wika naman ni Norphile. Kaya tumango ako dito. "Masasanay ka din na kasama mo kami, kaya huwag ka ng mahihiya." Wika naman ni Wyatt. Tiningnan ko si Harduel, kala ko may sasabihin ito pero pumasok na ito sa loob ng kwarto nya. Ano pa bang dapat asahan ko sa baliw na yun. Para talaga syang pinag lihi sa sama ng loob. Pumasok na ako sa kwarto ko. Napalunok ako ng makita kung gaano to kalaki at kaganda. Yung kwarto ko ngayon, parang kasing laki lang ng buong bahay namin. Agad kong nilibot yung kwarto. Nakasalansan na yung mga damit ko sa closet. May table din para sa mga make up at may malaking salamin with lights pa. Alam nyo yung dream room ng mga kababaihan, ganun na ganun yung kwarto ko ngayon. *Tok*tok* Agad ko itong pinag buksan. "Nagustuhan mo ba ang kwarto mo iha?" Tanong ni Lolo Jones bago ito pumasok sa loob. "Opo, sobra-sobra naman po ito. Okey naman po ako sa simpling kwarto lang." Nahihiyang sagot ko dito. "Gusto kong maging kumportable ka habang nandito ka sa mansion. If may kailangan ka lang, sabihan mo lang si Vivian, sya ang mayordoma dito sa mansion." Wika ni Lolo sabay tingin sa babaeng nasa tabi nya. Agad itong ngumiti sakin kaya binati ko ito. "Hello po, ako po si Sammie." Nakangiting bati ko dito. "Welcome Ms Sammie, sana mag enjoy ka sa pag stay mo dito sa mansion. Kung may kailangan ka, mag sabi ka lang sakin." Kangiting wika nito. "Sige po, salamat." Naka ngiting sagot ko dito. Buong buhay ko hindi ko akalain na mararanasan ko yung isang buhay na mala fairytale. Isipin nyo naman kasi, ordinaryong mag aaral lang ako sa Almodians University, nag simula sa maling pag kaka tag ng Hambog na Harduel na yun, tapos ito na ako ngayon kasama ko na silang apat sa napakalaking mansion. Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging ganito ang buhay ko. Para bang naging isang fairy God father ko si Lolo Jones. "Iha, I just have reminder for you. Hindi lahat ng ipapakita ng mga apo ko sayo ay totoo. Kaya please lang, be wise! Basahin mo mabuti ang puso nila, huwag kang mag papadala sa bugso ng damdamin mo. Hindi natin alam kung sino ba sa kanila ang totoong mag mamahal sayo. Kaya paki usap ko sayo Sammie, maging maingat ka sa maging maingat ka sa pag pili. Lagi mong itanim sa puso't isip mo ang bagay na yan." Wika nito na lubos kong naunawaan. Si Harduel naman ang sumagi sa isipan ko. Sya lang naman ang hindi ko dapat na pag katiwalaan sa mag pipinsan. Simula palang hindi na maganda ang kutob ko sa kanya. "Thank you lolo, lagi ko pong tatandaan ang sinabi mo." Wika ko dito, hinawakan naman nito ang dalawang kamay ko at tumingin sa mga mata ko. "Kung wala ka talagang magustuhan sa isa sa kanila. Hindi kita pipilitin iha. Ginagawa ko lang to para tulungan kitang mapalapit sa kanila. Gusto ko kasi na maging official member ka ng family ko kaya ginagawa ko ito. Tanging mga apo ko lang ang mag dadala sayo sa pagiging isang ganap na Miranda." Napangiti ako sa sinabi ni Lolo. Mas nauunawaan ko na ngayon kung bakit nya ito nagawa. Hindi naman na kailangan pa gawin ni Lolo Jones ang bagay na ito. Pero alam kong napamahal na sya sakin kaya ginagawa nya ang lahat ng makakaya nya para sakin. Pakiramdam ko tuloy, nakahanap ako ng isang tunay na Lolo na ka dugo. Napangiti ako ng matapos ang ginagawa kong schedule para sa pakikipag date sa mag pipinsan. Ngayong mag kakasama na kami, dapat talagang may schedule sila para hindi masira ang araw ko. Nakakawindang kasi kung sabay sabay silang susulpot sa harapan ko. Mas makakabuti kung isa-isa lang. Wala akong laban sa apat, mahinang nilalang lang ako mga bhe. *Tok*tok* Agad ko itong pinuntahan para tingnan kung sino. Napalunok naman ako ng makita sa harap ng pinto ko yung mag pipinsan. "Kakain na mahal na prinsesa." Mapang-asar na wika ni Harduel. "Nandito na rin lang naman kayo, gusto ko sanang ibigay to sa inyo." Nahihiyang wika ko at binigay ang apat na papel na sinulatan ko ng schedule nila. "Monday is for Lawrence, Tuesday is for Wyatt, and Thursday is for Norphil, and Friday naman para kay Harduel." Wika ko sa kanila kaya napakunot ang mga noo nito. "What about Wednesday, sat and Sunday?" Tanong ni Wyatt. "Para yun sa sarili ko. Siguro naman okey lang sa inyo kung i-date ko ang sarili ko." "Do what you want, bilisan nyo na at nagugutom na ko!" Inis na wika ni Harduel at nauna na itong umalis. "Kung gutom na pala sya, bakit hindi pa sya naunang kumain satin." Inis na wika ko at narinig naman ito ni Norphil. "Isa sa golden rules ni Lolo ang hapag kainin. Kung nasa loob ka ng mansion, kailangang sabay-sabay kakain ang lahat. Huwag na huwag mo yang kalilimutan." Wika ni Norphil kaya napatango nalang ako. Mukang marami akong matututunan sa loob ng mansion na to. Mas okey naman talaga kung mag kakasamang kakain. Pag dating namin sa hapag kainan, napalunok nalang ako dahil sa mga nakahain na pag kain. "Ito ang unang meal nyo na mag kakasama sa mansion, kaya mag celebrate tayo." Nakangiting wika ni Lolo. "Akala ko ba aalis kama?" Cold na tanong ni Harduel dito. Kahit kelan talaga wala tong modo. "Wag ka mashadong excited apo, sayang naman kung hindi ko kayo makakasabay sa dinner. Huwag kang mag alala, after dinner aalis na ako." Nakangiting wika ni Lolo, inirapan naman sya ni Harduel. Hays, ma attitude talaga itong si Harduel. Wala syang pinipili, kahit Lolo nya sinusungitan nya. "Wahhhhh, late na ba ako??" Napatingin ako sa entrance door ng may babaeng sumigaw. Kung kanina ay nag papanic ito sa pag mamadali. Tumindig ito ng maayos ng makita kami at nag lakad na tila isang modelo. "Hi Lolo,sorry I'm late. Wika nito at agad na nag beso kay Lolo. "Hi mga pogi." Masiglang bati nito sa mag pipinsan. Sa bandang huli nag tama ang paningin naming dalawa. Sino sya? "What are you doing here!?" Inis na tanong ni Harduel dito. Mas lumapad naman ang ngiti nitong babae sa kanya. Inferness, hindi sya natatakot kay Harduel. "Lolo invited me here, may masama ba dun twinnie?" Nakangising sagot nito at diniinan nya talaga yung word na twinnie. Teka, twinie? So ibig sabihin mag kapatid silang dalawa? Kaya naman pala parang namumukaan ko sya dahil nakikita ko ang girl version ni Harduel sa kanya. "Don't tell me na dito ka rin titira sa mansion?" Nakataas na isang kilay na tanong ni Harduel dito. "Hindi, gusto ko nga sana kaso nandito ka naman. So mas mabuting sa bahay nalang ako para tahimik ang buhay ko. By the way, hello Sammie!" Nakangiting bati nito at lumapit ito sakin. Nagulat pa ako ng ilahad nya sakin ang kamay nya kaya nakipag shake hands ako dito. "I'm Hardelien, twin sis nitong si Harduel. I'm happy to finally meet you." Nakangiting wika nito kaya napaawang nalang ang bibig ko. Hindi kasi ako makapaniwala, bibihira lang kasi ako makakilala ng may kakambal. Mukang mag kaiba ang ugali nila. Kung si Harduel ay pinag lihi sa sama ng loob, itong si Hardelien naman ay masiyahin. "Sige na, kumain na tayo at lalamig na ang pag kain." Wika ni Lolo. - After ng dinner namin ay hinatid namin si Lolo sa labas. "Tandaan nyo mabuti ang mga hinabilin ko sa inyo. Kayo na ang bahala kay Sammie." Wika ni Lolo Bago ito sumakay ng limousine nya. Todo kaway naman si Hardelien sa paalis na sasakyan. Napabuntong hininga ako, ano kaya ang magiging sitwasyon ko sa mansion na ito kasama ang mag pipinsan. "Oright! Wala naman si lolong sinabi na bawal tayong mag night out together diba?" Nakangiting wika ni Hardelien sa harap ko. Mukang excited na excited ito. Sa totoo lang sobrang energetic nya, hindi pa naman kami close pero feeling nito close na close na kami. Nagulat ako ng bigla nitong hilahin ang kamay ko. "Let's go to your room." Wika nito at hinila na ako papasok ng mansion. Habang hila hila nya ako, bigla itong tumigil kaya muntik ko na syang mabundol. Napakamot ito sa ulo nya at ngumiti ng alanganin sakin. "Nga pala Sammie, san yung room mo?" Nakangiting tanong nito kaya napanganga ako. Ang lakas ng loob mag aya, tapos nangunguna pa sa pag lalakad, hindi nya naman pala alam kung saang way kami pupunta. Tinuro ko ito sa kanya na hindi umiimik. Kaya muli na naman ako nitong kinaladkad paakyat ng hagdan. Jusme, sya ata ang pinakang malala sa mag pipinsan. Pag dating namin sa room ko ay agad itong dumiretso sa closet ko. Para syang may hinahanap na hindi nya makita. "Sammie, wala kana bang ibang damit bukod dito?" Tanong nito habang nakatutok ang atensyon sa closet ko. "Bakit, may problema ba sa mga damit ko?" Pag aalalang tanong ko kaya lumapit ako dito. "Wala naman, aalis kasi tayo. At hindi nababagay tong mga damit mo sa lugar na pupuntahan natin." Sagot nito at muli na naman nitong hinila ang kamay ko. Pag labas namin ng kwarto, papasok naman ng kwarto nya si Harduel. Napatingin pa ito samin pero mas pinili nyang pumasok nalang sa kwarto nya. Nakasalubong din namin si Wyatt at Norphil sa hagdanan. "Hiramin ko muna si Sammie, ibabalik ko din sya mamaya." Wika ni Hardelien dun sa dalawa. Hindi na nakaimik yung dalawa dahil nalampasan na namin ang mga ito. "T-teka lang Hardelien, san mo ba ko balak dalhin?" Nauutal na tanong ko dito. "Mamaya ko na sasabihin, mag tiwala ka nalang." Nakangiting wika nito sabay kindat sakin. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag tiwala sa kanya. Pero kung kapatid sya ni Harduel, dapat ata akong kabahan sa kanya. Sumakay kami sa puting kotse. Hindi ko talaga alam kung san nya ko dadalhin. Siguro naman hindi ako ipapahamak ng babaeng to. "Kuya, sa Merge Boutique tayo." Nakangiting wika nito sa driver. "Teka lang Hardelien, san ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko dito. Hindi na ko makatiis eh. Mahirap naman sumama sa isang tao na hindi mo alam ang pupuntahan nyo. "Bibili ng damit na susuotin mo para ngayong gabi. Ito ang unang gabi na mag kasama tayo kaya we need to celebrate!" Kinikilig na wika nito. Hindi ko alam kung anong celebrate ang gusto nyang gawin. Bakit kailangan pa ng bagong damit. San ba talaga kami pupunta? After 20 minutes na byahe ay narating na namin yung boutique. Pag kababa ng sasakyan ay hinila na naman ako nito papasok ng boutique. Mapuputol na ang braso ko sa kakahila nya sakin. Hindi sapat yung energy na meron ako, pag ito ang kasama ko. Somebody help me! Ilayo nyo nalang ako sa babaeng to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD