Chapter 10

1716 Words
HARDUEL'S POV Pahiga na ako sa kama ko ng biglang mag tumunog ang phone ko. Sino ba ito at gabing gabi na ay nang aabala pa. Pag kuha ko ng phone ko, napakunot ang noo ko ng makitang nag message si Hardelien sakin. Ano naman kaya ang kailangan sakin ng babaeng to. Bigla ko nalang naalala, umalis nga pala ito kasama si Sammie kanina. Nakauwi na kaya sila? Pag open ko ng message nito, mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sinend nitong picture. Si Sammie na nakikipag sayaw sa dance floor. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng inis. Ano bang paki-alam ko sa babaeng yun kung nakikipag sayaw sya sa ibang lalaki. At yung suot nya, bakit ang sexy nya? Bwesít talaga tong si Hardelien, tama bang ilabas nya ng ganitong oras si Sammie at dalhin sa ganitong lugar. Hays, malalaki na sila, kaya na nila ang mga sarili nila. Nilapag ko na yung cellphone ko sa table sa gilid ng kama ko at nahiga na. Itutulog ko nalang to. After 10 minutes. "Arghh, ano ba! Bakit hindi ako mapakali!" Inis na wika ko at bumangon na sa kama ko. Kinuha ko yung cellphone at susi ng kotse ko. Hindi ko alam pero kating kati na yung paa ko na puntahan si Hardelien at Sammie. Mga bwesit na babae yun, panira ng gabi. Bago ko paandarin ang kotse, muli kong tiningnan yung lugar kung nasan sila. Hindi naman ako nahirapan na alamin yun dahil nasa Young Wild and Free sila. Bar yun kung saan mga minor lang ang pwede, age 16 to 25. Pag dating ko doon ay agad akong napansin ng mga babae pero hindi ko sila pinansin. Isa lang naman ang hinahanap ko at mabilis ko itong nakita. "Sammie!" Cold na tawag ko dito kaya natigilan ito sa pag inom ng hawak nyang beer. Napakunot ang noo nito sakin na tila hindi nya ako nakilala. "Let's go home, mashado ng marami ang naniinom mo." Wika ko dito. "Teka, sino ka ba?" Pag tatakang tanong nito. Agad naman na tumayo at lumapit sakin yung lalaking ka table nya. "Dude, ano bang problema mo? Hindi ka nga kilala nung tao. Don't act like a boyfriend." Mayabang na wika sakin nitong lalaki. Sya yung kasayaw ni Sammie sa picture. "Umalis ka dyan kung ayaw mo ng gulo." Wika ko dito at tiningnan ito ng masama. Ngumisi ito sakin at tinalikuran ako. Naupo ito sa tabi ni Sammie at inakbayan ito na para bang pag mamay-ari nya ito. May ibinulong ito kay Sammie, at si Sammie na baliw tuwang tuwa naman. Mas lalong uminit yung ulo ko dahil sa pag tatawanan nilang dalawa. "Ano ba Sammie, sinabi kong uuuwi na tayo!" Sigaw ko dito kaya gulat itong napatingin sakin. Mukang natauhan ito sa pag sigaw ko. "H-Harduel, what are you doing here. Teka, nasan si Hardelien?" Pag papanic nito at agad na tumayo sa kinauupuan nya pero hinawakan sya sa kamay nung lalaki at hinila paupo sa lap nito kaya nagulat si Sammie. "T-teka lang Erick, kailangan ko ng umuwi." Wika nito at nag pupumiglas na sa pag kakahawak ni Erick sa kanya. Mukang walang balak itong si Erick na bitawan si Sammie kaya hinawak ko si Sammie sa kabilang kamay at hinila ito patayo. "Pwede ba, bitawan mo na sya!" Wika ko at pilit na kinakalma ang sarili. "Sino ka ba para maki-alam samin!" Inis na wika ni Erick at tumayo na ito. Mukang napipikon na din sya dahil sa pakiki-alam ko. "Tama na yan Erick, please lang wag kayong mag aaway." Wika ni Sammie na halatang natatakot na. "Try to touch Sammie again, I'm telling you, impyerno ang babagsakan mo." Pag babanta ko dito. Ngumisi ito sakin at walang pag alinlangan na hinaplos ang braso ni Sammie habang nakangiti sakin. Hindi ko na alam pero bigla nalang nang dilim yung paningin ko dahil sa ginawa nyang paghawak dito. Agad ko itong sinuntok sa muka. **SAMMIE'S Pov* "H-Harduel tama na!" Pag papanic na sigaw ko dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil binubugbog na ni Harduel si Erick. Teka nasan na ba kasi si Hardelien, sabi nya mag c-cr lang sya. Pero hanggang ngayon ay di pa sya bumabalik. "Gag@ ka, m@matay kana!" Sigaw ni Harduel at muli nitong sinuntok si Erick. Nakita kong duguan na yung muka ni Erick. Bakit parang wala silang balak na awatin si Harduel. Jusme, mukang p#patayin nya ata talaga si Erick. Dahil sa takot ko na baka nga matuluyan na si Erick ay humarang na ako kay Harduel. "T-tama na please, umuwi na tayo." Wika ko dito habang nakatingin sa mga mata nya. Natigilan naman si Harduel sa pag sugod nya. Yung itim na awra sa muka nya ay biglang na wala. Napalunok nalang ako dahil sa takot. Sa isang iglap, yung monster na Harduel bumalik na sa sarili nya. "A-anong nangyare dito?" Nauutal na wika ni Hardelien ng makita kami. "Oh my gosh, okey ka lang ba Sammie? Anong nangyare kay Erick, bakit bugbog sarado to?" Pag papanic na tanong nya at agad na nilapitan si Erick para icheck ito. "Bakla, ginawa akong punching bag ng kakambal mo." Mangiyak ngiyak na wika ni Erick. Ang totoo kasi nyan, bakla si Erick. Hindi ko lang alam kung bakit nag pakalalaki sya sa harapan ni Harduel kanila. "Bwesít ka talaga Harduel!" Sigaw ni Hardelien sa kakambal nya. "Let's go Sammie, hindi ka nababagay sa lugar na to." Wika ni Harduel sakin at marahas na kinuha ang kamay ko. Hindi na ako nakaimik at sa huling sandali ay nilingon ko ang sitwasyon ni Hardelien at Erick. Kawawa naman si Erick, siguradong pasa-pasa ang muka nya dahil sa mga suntok na binigay sa kanya ni Harduel. Napalunok nalang ako ng makasakay kami sa kotse nya. "A-ano bang naisip mo at sumama ka sa ganitong lugar. Nag iisip ka ba huh, Sammie!" Sigaw nito sakin kaya napayuko nalang ako. This time alam kong galit na naman sya. Ano pa bang inaasahan ko sa isang Harduel Miranda. "Hindi mo ba alam na dilikado ang lugar na yun sa isang katulad mo! Isa pa, sinong nag bigay sayo ng permission na mag suot ng ganyang damit?!" Inis na tanong nito. Tiningnan ko yung suot kong maong na short, ang igsi nito. Sa totoo lang napilitan lang ako mag suot ng ganito dahil kay Hardelien. "Alam mo bang sa suot mong yan para kang nang aakit ng mga lalaki. Ganyan kana ba ka desperada para mapansin!" Inis na wika nito. Para akong nang liit dahil sa sinabi nya. "Hindi porke nakatira kana sa mansion ay aasta kana na isa samin. Tandaan mo tong mabuti to Sammie, kahit na anong gawin mo. You will never be one of us." Wika nito at nag simula ng paandarin ang kotse nya. Alam ko naman yun, hindi nya na kailangan pang ipamuka sakin. Alam ko ang lugar ko, at alam ko naman na hindi ako nababagay sa marangyang buhay na meron sila. Masakit lang para sakin na makarinig ng salita mula sa kanya. Ano pa bang inaasahan ko sa isang katulad nyang magaspang ang ugali. Napaka layo talaga ng ugali nya sa mga kamag anak nya. SAMMIE'S Pov Nagising akong medyo mugto ang mata. Sa totoo lang na hurt ako sa sinabi ni Harduel kagabi. Pero okey na ko ngayon, totoo naman yung sinasabi nya sakin at tatandaan ko yun. "Good morning Sammie." Masiglang bati sakin ni Wyatt. Nandito na kami ngayon sa hapag kainan. Hinihintay nalang namin si Harduel dahil sya nalang yung kulang. "Nabalitaan ko yung nangyare kagabi, okey ka lang ba?" Pag aalalang tanong ni Lawrence sakin. Agad ko itong binigyan ng malapad na ngiti. "Ah eh oo, nag ka roon lang ng missed understanding si Erick at Harduel." Sagot ko dito. "Kahit kelan talaga basag ulo itong si Harduel, napaka ka mainitin ng ulo." Pailing iling na wika ni Norphil. "Oh ayan na pala sya, by the way si Harduel ang naka duty sayo ngayon diba?" Wika ni Wyatt. Napalunok ako ng maramdaman ang pag dating ni Harduel. "Good morning, mukang hindi ka ata nakatulog ng maayos bro." Nakangiting wika ni Norphil dito. "Yeah, na mimiss ko kasi yung kwarto ko sa bahay." Sagot nito at nag simula na kaming kumain. Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa pag sakit ng ulo ko. Kakahilom palang ng sugat ko, na pwersa ata sa pag inom ko kagabi. Sa totoo lang, yun ang unang beses na uminom ako ng ganun ka dami. Sa bahay naman ay allowed akong uminom, si mama at papa lang ang kainuman ko. Pero yung sabihin mong iinom sa ganoong lugar, that was my first time. "Okey ka lang ba Sammie?" Tanong ni Lawrence sakin. "Oo okey lang ako." Sagot ko dito at pinag paliban nalang ang nararamdaman kong sakit. Iinom nalang ako mamaya ng gamot para mabawasan ang sakit nito. "Sa susunod pag aalis ka, mag paalam ka samin." Wika ni Harduel na ikinagulat ko. Maging yung mga pinsan nya ay nagulat din. "In case of emergency, alam namin kung san ka hahagilapin. Obligasyon ka namin dito dahil samin ka iniwan ni Lolo. Kaya be responsible, hindi lang kami yung may obligasyon dito." Wika ni Harduel kaya tumango nalang ako. "Harduel is right, para hindi kami mag aalala sayo. Mas mabuti kung i-save mo sa phone mo ang mga numbers namin para in case of emergency matatawagan mo kami." Wika ni Norphil at malambing nitong hinimas ang ulo ko. Para naman akong bata sa ginagawa ni Norphil. "Sige, kung yan ang gusto nyo." Wika ko at agad na kinuha ang cp sa bag ko. Inabot ko kay Norphil ang phone ko at sinave na nito ang number nya. Pinasa nya naman ito kay Wyatt, after ni Wyatt kay Lawrence at pang huli kay Harduel. Napalunok naman ako ng iabot sakin ni Harduel yung phone ko. Ang sama na naman kasi nito kung makatingin. Isa-isa kong cheneck ang mga pangalan nila sa contacts ko. Tiningnan ko sila isat-isa habang kumakain. Anong klasing mga pangalan ba itong pinang save nila. Harduel Pinakang pogi Lawrence future BF Norphil My babe Wyatt Honey Jusme, pag di ka naman talaga nasiraan ng ulo sa mga ito. Binalik ko na sa bag ko yung cellphone ko at nag patuloy na ako sa pag kain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD