"A-ang hacienda..." she cleared her voice. Pakiramdam niya kasi nagbabara ito. "Hindi ko ipagbibili. Kahit gumamit ka pa ng dahas. Pero ayokong umabot sa puntong iyon kaya sana, nakikiusap ako sa'yo, huwag mo ng ipilit..."
Ilang minuto ang nagdaan pero hindi sumagot ang lalaki kaya napilitan si Isabela na salubungin ang mga titig nito. Kumurap-kurap siya sa seryusong mukha nito.
"Ano pa?"
Natigilan siya. Hindi niya maintindihan ang tinuran nito. Napansin iyon ni Israel kaya muli itong nagsalita.
"Ano pang ayaw mong gawin ko? Ano pang gusto mo na hindi ko dapat gawin?"
Walang bahid ng panunuya sa pagsasalita nito. Just a normal voice. Nanatiling seryuso ang bukas ng mukha nito habang mariin na nakatitig sa kanya.
Marahas muli siyang lumunok.
'Seryuso ba ito? Hindi ko siya mabasa kung ano ba ang nais niyang iparating. Walang kahit na anong panunuya, pang-insulto sa mga salita niya. Ano ba ang nais niya? Samantalang kanina halos pumatay na siya ng tao dahil lang sa hindi pagbukas ng ilaw.'
Gayon pa man, sinagot pa rin ni Isabela ang lalaki.
"N-nakikiusap rin ako na sana ay ibalik mo na ang patakaran na magpadaong ng barko kada isang buwan sa Isla,"
"hmmm, ano pa?"
Nanginginig na pinagsaklop niya ang dalawang kamay. Hindi niya maintindihan pero masama ang kutob niya dito. Kakaiba talaga ang kilos ng lalaki. Hindi naman galit pero parang mas nakakatakot ito kapag kalmado.
"H-huwag ka sanang gumamit ng dahas."
"Ano pa?"
"Ipatigil mo ang paglalakanap ng mga aramadong tauhan mo sa lahat ng sulok ng bayan."
"Ano pa?"
"Huwag mong sasaktan ang mga inosente. May batas na pinapairal dito at sana sumunod ka."
"Ano pa?"
Napipilan siya sa paulit-ulit na tanong nito. Ni wala na siyang maisagot sa lalaki. Iyon lamang ang alam niya.
"W-wala na?"
Hindi siguradong tanong ni Isabela. Wala na siyang maisip na isasagot!
Ngumisi ang lalaki bagay na ikinakaba niya. "All of that are granted,"
"Huh?"
"Lahat ng gusto mo, gagawin ko. Lahat ng mga sinabi mo na ayaw mo at gusto mo, gagawin ko."
Mas dumuble ang kanyang kaba. Kakaiba talaga ang ikinikilos ng lalaki.
'Bakit parang mas kinakabahan ako na parang mabait siya? Mas parang ok pa kapag galit siya, tumututol, at sinisigawan ako sa galit dahil hindi nasunod ang kanyang gusto.'
"S-salamat,"
Iyon na lamang ang kanyang sinabi. Tumango ang lalaki bago humalukipkip ang braso sa dibdib nito. He tilted his head and then a mischievous grin appeared in his lips. Bahagya pa itong natawa. Ngumiwi siya. Lalo siyang hindi mapakali sa presensya ng lalaki.
"Lahat 'yon, gagawin ko." Tumango-tango ito. "Ako naman ngayon,"
Natigilan si Isabela. Kumuyom ang mga kamao niya. Sinasabi na nga ba niya. Nasisiguro niyang may ibang pakay ang lalaki. Tuso ito kaya impossibleng pumayag na lamang ito basta basta na walang kapalit.
"A-ano ba ang kapalit?"
"Simple lang naman,"
Bigla itong tumayo at sa gulat niya, bigla na lamang siya nitong hinapit patayo at ibinagsak ang sarili sa kama. Malakas na humiyaw si Isabela dahil sa gulat. Bumagsak siya sa itaas ni Israel.
"Akin ka,"
Kasabay ng pagkasabi ni Israel no'n ang paglakumos nito sa labi ng babae.
Namimilog ang mga mata ni Isabela. Pinilit niyang umalis sa ibabaw nito pero mahigpit na nakapulupot ang braso nito sa kanyang bewang habang ang isa ay nasa kanyang batok para hindi siya makaiwas sa halik.
Naiiyak si Isabela sa kalampastangan na ginagawa sa kanya ni Israel. Hindi lang dahil do'n, kung halikan pa siya nito ay buong labi niya ang sinisipsip at kinakagat. Gigil na gigil ito. Dumaing siya sa sakit.
Nagpasalamat siya dahil bumitaw na ang labi nito sa kanya. Balak niyang sigawan ito nang mauwi sa muling pagtili ang kanyang boses.
Mabilis na binaligtad ni Israel ang kanilang posisyon. Siya na ngayon ang nakahiga sa kama, ang nasa ilalim habang si Israel ay nakakubabaw sa kanyang itaas. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at hinawakan ng mariin sa itaas ng kanyang ulo. Nagpumiglas siya pero sadyang malakas ang lalaki.
"Damn! Kanina lang pangarap ko 'to, ngayon nandito na!"
"H-huwag." Mangiyak-ngiyak niyang sabi habang nagpupumiglas.
Gusto niyang sumigaw pero tila may nakabara sa kanyang lalamunan at hindi niya magawa.
Hindi siya pinakinggan ng lalaki, parang wala itong naririnig, bagkos ay sinimulan ulit nitong halikan ang malambot niyang labi. Mas marahas kaysa sa kanina. Ilang beses nitong kinakagat ng may panggigigil ang itaas at baba ng kanyang labi.
Humikbi siya ng lubayan nito ang labi niya at inumpisahan na halikan at kagatin ng puno ng gigil ang kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg.
"T-tama na,"
Malakas siyang napasigaw ng mas kagatin nito ang kanyang leeg na akala mo pambira. Ang kanyang mga paa ay pilit nagpupumiglas sa pagdag-an ng mabibigat nitong binti.
Nawala na sa sarili ni Isabela. At napasigaw ng mas malakas, kasama ng kanyang malakas na pag-iyak. Malakas na yumuyugyog ang kanyang katawan sa pag-iyak at dala na rin ng sobrang takot.
Natigilan si Israel. Namumutlang nag-angat siya ng tingin sa mukha ni Isabela. At halos mawala siya sa ulirat nang makitang miserable ang mukha ng babae. Nahabag siya. Nagdilim ang kanyang mukha at nais na suntukin ang sarili.
"Sh-t!"
Mabilis siyang umalis sa ibabaw nito at umupo sa kama. Hinila niya rin paupo si Isabela at niyakap ito ng mahigpit.
"Hey, don't cry. I'm s-sorry, I d-didn't meant it."
Patuloy na umiyak si Isabela. Ang katawan nito ay nanginginig pa rin.
Mariin na pumikit si Isarael. Kasalanan niya! Dahil sa kahalayan niya, sa pagnanasa niya sa dalaga, nagawa niya ang bagay na ito!
"I'm sorry... hindi ko na uulitin. Please tumahan ka na. Hindi ko na uulitin. Patawarin mo ako, baby..."