bc

Clan of Obssession (On hold)

book_age18+
652
FOLLOW
2.6K
READ
pregnant
twisted
humorous
punishment
like
intro-logo
Blurb

New world generation: Villariso clan conquered the Monterealez Island.

The downfall of Monterealez clan. A story of the Villariso Clan. On how Villariso Conquered the four corners of the Monterealez exclusive island.

Per episode po is completed na po bago ipost. Thanks a lot po!

chap-preview
Free preview
1. The last heir of Monterealez Clan
This is a work of fiction. Names, Characters, places, and events are only from Author's imagination. Any resemblance to the Characters, name of the person whether it is dead or alive, places, events etc. is unintentional or coincidental. No part of this story may be reproduce in any form or any electronic means including information storage or It is not permitted to copy anything in the content, claim and rewrite this story without any permission from the author. Please do not plagiarize! || PLAGIARISM IS A CRIME|| Mature content - New world generation: Villariso clan conquered the Monterealez Island. The downfall of Monterealez clan. A story of the Villariso Clan. On how Villariso Conquered the four corners of the Monterealez exclusive island. _______________ Dalawampu't-isang dekada na ang nakakaraan ng mamatay ang isa sa pinakamayaman na tao sa bansa- si Don Mateo Monterealez. Bago pa man ito namatay, naipamana na nito ang lahat ng ari-arian sa kanyang mga apo. Isa ang Isla ng Monterealez sa kanyang kayamanan na ipinamana nito sa apat na apong mga lalaki. Hindi naglaon, nagkaroon ng mga pamilya ang mga apo nito na umabot sa kaapo-apuhan nila. Nanirahan ang mga ito sa labas ng Isla. Sa paglipas ng panahon, ang natitirang Monterealez na natira sa Isla ay ang sa side ni Euthace Monterealez- ang paboritong apo ni Don Mateo. Nang mamatay si Euthace, ipinamana niya rin ang Isla sa pamamahala ng kanyang mga anak- na umabot hanggang sa kaapo-apuhan. Isabela Monterealez, ang huling Monterealez sa Isla. Siya ang naiwang mamahala sa buong Isla. Labing-tatlo siya ng mamatay ang kanyang mga magulang at naiwan mag-isa sa murang edad lamang. Kasama siya noon ng maaksidente ang sinasakyang kotse ng buong pamilya- sa kasamaang palad, siya lamang ang nakaligtas. Nagdulot rin iyon ng hindi siya makalad. Naparalisa ang mga binti nito. Mula noon, hindi na nasilayan ng mga tao sa Isla- ang maganda, maputi, at masayahing batang babae na si Isabela. Siyam na taon ang lumipas, nanatili lamang ito sa kanyang silid. Wala ng ibang nakakakita sa kanya maliban sa kanyang butler na si Enrico- forty-five years old at ang asawa nitong si Maria- ang mayordoma sa Mansyon- forty years old, at ang mga katulong sa kanilang mansyon. Ang alam ng lahat ay tuluyan ng nalumpo si Isabela, ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito, ipinapagamot pala ito ng tapat na kanyang butler Enrico at Mayordoma na si Maria. Noong nakaraan taon lamang nag-umpisang makalakad muli si Isabela pero mas gusto nito ang umupo sa kanyang welchair at magtago sa kanyang silid. Hindi rin nito magawang lumabas sa kanyang silid kahit man lang ang magtungo sa kusina. Hindi dahil sa natrauma siya kundi dahil pakiramdam niya, wala ng saysay ang buhay niya. Bawat araw, linggo, buwan, at taon na lumipas, nawawalan na siya ng lakas upang lumaban sa buhay. Hindi na rin niya alam kung nasaan ang mga kamag-anak niya. Ni wala siyang koneksyon. Natigilan si Isabela ng makarinig ang marahang katok sa kanyang silid. Kasalukuyan siyang nakasilip sa glass door sa veranda. Slinding glass door iyon ngunit nakababa ang mga kurtina para di makita ang nasa loob. Hanggat maaari ayaw ni Isabela na masinagan siya ng araw. Madilim rin sa kanyang kwarto. Ayaw na ayaw niya na may ilaw sa paligid. She loves darkness. She never scared in terms of darkness. Everything about it are heaven to her. And that's make her insane. Dahan-dahang nagbukas ang pintuan at kaagad rin itong nagsara. "Isabela, kumain ka na." Nasanay na nga ata ang kanyang mata sa dilim at nakikita niya ang Nanay Maria niya. She's thankful pa rin dahil may Nanay Maria at Tatay Enrico pa rin siya na nag-aalala at nagpresinta na maging magulang niya. Pinaandar ni Isabela ang kanyang welchair patungo sa kanyang Nanay Maria. "Salamat po, Nanay Maria," Bahagya itong tumawa. "Ikaw na bata ka. Bakit naman sinigawan mo ang katulong na naghatid ng pagkain mo? Nakisuyo lang ako sa kanya dahil may inasikaso ako sa sentrong bayan." She pouted. "Hindi kasi siya kumatok. Basta na lamang siyang pumasok sa kwarto ko." "Gano'n ba? Sige pagsasabihan ko siya. Sige na, kumain ka na." Tipid niyang tinanguan si Maria. "Saan nga pala kayo nagpunta ni Butler Enrico?" Bumuntong-hininga ito. Hirap na sabihin kay Isabela ang nangyayare. "Nabili na ng mga Villariso ang lupain sa East Hacienda. Itong North hacienda na lang ang hindi." Mahinang tugon nito. "Nagtalaga na rin ito ng mga bantay." Kumunot ang noo niya. "What do you mean, Nanay Maria?" "Hindi ko alam pero kasi, simula ng mabili nila ang south at west hacienda, marami ng mga armado ang ipinakalap ng mga Villariso sa buong nasasakupan at ngayon pati ang East ay nasakop na nila, mas dumami ang mga tauhan sa paligid ng mga Villariso. Napakatuso ng angkan ng mga Villariso. Mapag-angkin sila, lalo na ang namamahala ngayon sa angkan ng Villariso. Lahat ng mapusuan, inaangkin." Lumabi si Isabela. Sa nangyayaring ito. Sinisisi niya ang kanyang sarili. Hindi niya nabayaran ang buwis na dapat ay bayaran kaya madali para sa mga Villariso na ma-angkin ang lahat. Ang tanging naaalagaan niya lamang ay itong North Hacienda. Mahal na mahal niya ito dahil naghirap ang kanyang magulang na itaguyod ito katulad ng kung paano ito pahalagahan ng kanyang lolo Euthace. "Hindi lang iyon, hija." "A-ano pa po?" Kinakabahan niyang sabi. Pakiramdam kasi niya may pasabog pa si Maria. "Kanina lamang, pagpunta ko sa sentrong bayan. Sa usapan ng mga nagkalat na armadong mga lalaki, kung dati pinapayagan ang isang barko paalis at pabalik sa daungan kada-isang buwan, ngayon kasi ipinasara na ng Villariso. Ayaw na nitong magpapasok sa Isla at magpalabas ng mga tao. Walang magawa ang mga mamayanan dito dahil buhay nila ang kapalit kapag lumaban sila sa mga armadong lalaki. Takot sila na sumuway sa Villariso." Suminghap siya. Nag-aalala siya na baka mas lumala ang sitwasyon. "Pero... Nanay Maria, maaari tayong gumawa ng daungan dito sa atin di ba?" Masayang sabi niya. Pag-aari niya ang North hacienda at hindi ng mga Villariso. Maaari siyang magpagawa para dito na lamang dumaan ang gustong umalis at magpunta. "Pero may problema tayo," Natigilan si Isabela. Marahas siyang lumunok. "Ano po iyon?" "Kanina lamang, may dumating na sulat galing sa mga Villariso. Para sayo ang sulat na ito." _____________________________ _____________________________ CLAN OF OBSESSION ©Khay2626 ©Copyrights 2022. All Rights Reserved, 2022.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook