Umpisa

1341 Words
Kumikibot-kibot ang labi ko habang nakatitig sa nakahimlay na katawan ng mga magulang ko. Naalimpungatan na lamang ako sa aking mahimbing na pagkakatulog, I keep on hearing noises from the first floor of our house so I rushed out of my room. But when I was in the first tier of the stairs my whole body was shaking too much so I decided to stop walking because if I continue I might fall, the feeling seems wrong. I know it's just nothing, nothing bad happened so why do I feel this way. I can see from my stand the bright light of our living room, iba ang dulot ng maliwanag na ilaw na ito sa akin. Sa buong buhay ko halos araw-araw kong nakikita kung paano magliwanag ang kabahayan namin ngunit sa oras na ito may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ito tama, pakiramdam ko ay may masamang balita ang sasalubong sa akin pagkababa ko pa lamang, hindi. Bakit ko ba naiisip ang mga ito? Nang makahuma ay nagpasya akong ituloy ang pagbaba. Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng hagdanan ay sinalubong na ako ng aming mayordoma, siya ang nagaalaga sa akin tuwing umaalis ang mga magulang ko para sa trabaho. Her bloodshot eyes were staring at me with a fury, nanginginig pa ang kanyang mga kamay na humawak sa aking dalawang balikat. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, nahahabag ako sa kanyang itsura. Ano ba ang nangyayari?! "Nay Rosa ano pong nangyayari sa inyo? May problema po ba?" Sinubukan ko siyang pakalmahin, hinawakan ko ang kanyang magkabilang braso dahil pakiramdam ko'y mahuhulog si nanay kung patuloy kami sa ganito. "E-elka makinig kang mabuti. Nandito lamang kami sa tabi mo, hindi ka namin pababayaan kahit anong mangyari. Tandaan mo yan ha?" Ang mga katagang niyang iyo ay nahahalinhan ng pagpapalakas ng loob. Hindi ko mawari kung bakit. "Ano po? Para saan po ang sina..... " Balik tanong ko sana sa kanya na pinutol niya sa pamamagitan ng mahigpit na yakap, naguguluhan ako sa nangyayari. "Elka maging malakas ka. Alam kong kakayanin mo ito. Hindi ako aalis sa tabi mo. Sumama ka sa akin sa baba, hinihintay kana nila." Malamyos na haplos sa pisngi at ayos sa buhok ko ang ginagawa ni nay Rosa sa akin habang sinasabi ang mga salitang iyon. Pagkuwan ay giniya niya ako pababa sa hagdan habang hawak ng kay higpit ang aking kamay. Hindi na ako nagtanong pa ng kung anu-ano. Dahil pagtapak pa lamang ng mga paa ko sa pinaka-huling baitang ng aming hagdanan ay para na akong hinampas ng malapad na kahoy sa aking nakita. Our living room is decorated and arranged with a lot of flowers and bright light. Two beautiful caskets caught my eye. Kusang gumalaw ang mga paa ko patungo dito. Gaano man ka-ayaw ng utak ko'y nakalapit pa rin ako. Ramdam kong ang mata ng bawat isa ay nakasunod sa akin, sa lahat ng ginagawa ko. "Mom, Dad. Bakit po dyan kayo natutulog? Nasa taas po ang kwarto niyo. Tsaka sobrang liwanag dito, diba ayaw ninyo non? Mom, Dad!" Isa-isang pumatak ang mga luha ko hanggang sa nagtuloy-tuloy, hindi magka-mayaw ang t***k ng puso ko para itong tinatambol sa sobrang lakas. Pilit kong pinatatag ang boses ko upang maiwasan ang pag-piyok. Narinig ko ang hikbi ng mga tao sa paligid ko, gaano man nila pilit hinihinaan ay patuloy ko pa ring naririnig. Para akong sinasaksak, ramdam ko ang hapdi na tumutusok sa lahat ng parte ng pagkatao ko. My lifeless parents was lying peacefully on that casket. May kaunting ngiti sa kanilang mga labi, para saan ang ngiting iyon? Bakit sila naka-ngiti at ako'y umiiyak? "Nay Rosa, bakit po sila naka-ngiti? Para saan po ang mga ngiti nila? Nay! H-hindi po pwede to! Nay Rosa hindi ko po kaya!" Parang isang matigas na kahoy ang unti-unting tinatarak sa aking puso. Napaluhod ako at nagsimulang humagulhol. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaluhod sa harap ng kabaong ng mga magulang ko. Kahit anong pilit akong itayo ng mga kasama ko rito sa bahay ay sya namang pagmamatigas ko. Naramdaman kong malambot na mga braso ang mahigpit na yumakap sa akin. Hindi ko magawang tunghayan ito para suriin, wala akong lakas para gawin iyon. "Apo ko. Tumayo kana diyan, sige na." Lalo akong umiyak sa boses na iyon. Parang kailan lang, huling bisita ni Lola dito'y masaya pa kami. Pero ngayon hindi ko alam kung paano pa iyon mangyayari. Para akong nilubayan ng saya, na kahit kailan ay hindi ko na mararamdaman pa. - Walang buhay akong nakamasid sa harap ng kabaong ng mga magulang ko na unti-unting binababa sa lupa. Gusto ko sumigaw sa sakit, gusto kong magwala pero pinanatili kong tikim ang aking bibig. Nang matapos ay ramdam kong unti-unting umalis ang mga tao. Umupo ako hindi alintana ang duming didikit sa damit ko. Nagsimula akong magsalita, lahat ng bagay ng gusto kong sabihin ay ngayon ko inihayag. "Mom, Dad. Are you here? I can feel your presence beside me. I love you both, so much. Ang sakit-sakit po ng nararamdaman ko ngayon, para po akong pinapatay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko." Hindi ko magawang tapusin ang mga sasabihin ko dahil sa pagiyak. Naramdaman kong may lumapit sa akin. "Apo, tara na?" May ngiti sa mukha ng Lola ko habang nakatingin sa akin. Ngiting alam kong may kasamang pait, hinawakan niya ang aking mukha at binigyan ako ng isang matamis na halik sa noo. - Tunog ng bumukas na pinto ng sasakyan ang pumigil sa mapayapa at masayang pagmamasid ko sa paligid. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Nang makahumang ay nagsimula na akong kumilos para lumabas ng sasakyan. Napa-mulagat ako sa tanawin na nasa harapan ko, maraming puno ng niyog sa paligid at may isang hagdang bato ang daraanan patungo sa isang native house na may kalakihan, iyon na siguro ang bahay ni Lola. Masyado akong nasiyahan sa tanawing bumungad sa akin, nagmadali akong naglakad paakyat ng hagdang bato. Narinig ko pa ang munting tawa ng aking Lola mula sa malayo. Pagdating ko sa bahay ay umikot-ikot ako upang mapagmasdan ang nakakabusog na tanawin. Pati ang bahay ay nagbigay saya sa nararamdaman ko. Pagtapos ng masalimuot na nangyari sa magulang ko'y ngayon na lamang ako ulit nakaramdam ng saya. This is the new start. I can't just let myself be in the dark all the time, it's the right time to let myself be happy again. Totoong ngiti ang hinayaan kong umalpas sa aking labi habang nakatingin sa ma-berdeng paligid, dumapo ang mata ko sa Lola kong nakatayo sa gilid ng terasa, pinagma-masdan niya ako sa aking ginagawa. "I'm happy for you apo ko. I finally saw your very beautiful smile again." Nangingilid ang luha ngunit may ngiti sa labi niyang sambit. Inabot niya ang aking kamay, binigyan ako ng napaka-payapang yakap at hinalik-halikan sa mukha. Literal na napa-nganga ako sa ganda ng loob ng bahay ni Lola. Gawa ito sa kahoy, kahoy na mukhang matibay at mamahalin. Isa itong native house, halos lahat ng gamit sa loob ay gawa sa kahoy na may halong puti at berde. I'm in awe, this is my very first time here. Hindi ako sumasama sa parents ko kapag dadalaw sila dito, dahil masyado akong nahalina sa buhay sa manila. Ngunit ngayon, mas gugustuhin kong maniharahan dito. This is a very relaxing place! I never thought of seeing a place like this, a paradise! "Magpahinga ka muna apo. Galing ka sa mahabang byahe, bukas mo na abalahin ang sarili mo sa pagmamasid ng paligid, wag kang mag-alala. Hindi yan aalis." Akay ako ni Lola papunta sa magiging silid ko. At lumaki na naman ang mata ko sa ganda nito, mukhang kahit hindi ako lumabas ng silid ay ayos lamang. Ramdam ko ang pagod pagkahiga ko sa napaka-lambot kong kama. Parang dinuduyan ang aking pakiramdam, lalo pa't ang preskong hangin mula sa mga puno sa labas ay malayang pumapasok sa naka bukas na pasimano ng aking silid. Hindi ko mapigilang mapaluha sa saya, matapos ang dilim ay heto ako. Pinagbigyan ang sarili ko na humarap muli sa liwanag. Manyapa'y nangingiti kong naramdaman ang pag-bigat ng talukap ko. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD