CHAPTER 22 “CECILIA, ano bang atrasong nagawa ko saiyo at napagtripan mo akong ikulong dito? Wala naman akong matandaan na na-pending ang sahod mo o minaltrato kita ni minsan. Why? Naging mabait naman ako saiyo at pinagtiyagaan ko naman ang pagiging weird mo.” Sa kabila ng mahirap na sitwasyon ni Dorothea ay sinubukan pa rin niyang makakalap ng kapaliwanagan mula kay Cecilia. Kahapon ay basta na lamang itong nag-presinta na sumama sa kanya dahil anito ay may alam daw itong lugar kung saan puwedeng magpalipas si Dorothea ng sama ng loob. Ngunit habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe ay may pinasinghot sa kanya si Cecilia dahilan upang mawalan siya ng malay. Kinaumagahan ay nagising na lamang siyang nakagapos sa isang clinic bed. Hindi niya matiyak kung ano nga bang klaseng lugar ang pi

