CHAPTER 23 "DOROTHEA, hoy! Jusko itong babaeng ito. Wala na namang ginawang matino kung hindi ang lumaklak dito sa dalampasigan." Paghihisterya ng isang Ginang nang maabutan ang nasa limang bote ng serbesa na nakakalat sa beach blanket na inilatag ni Dorothea malapit sa dalampasigan. Namumungay na ang mga mata ni Dorothea sanhi ng impluwensiya ng alak sa sistema niya. Sapol noong napagdesisyunan niyang pansamantalang mamalagi sa Isla Verde ay wala na siyang inatupag maliban sa pag-inum, matulog at tumunganga. Magdadalawang linggo na siya sa islang iyon ngunit ni minsan ay hindi pa niya nagagawang ma-appreciate ang kagandahang taglay ng isla. Lunod pa rin kasi siya sa sariling problema na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap-tanggap. Tila ibig na lamang niyang maging patapon

