HINDI sa condominium unit niya umuwi si Raven kundi sa bahay nina Naynay Melinda at Maymay Belinda, sa bahay na kinalakhan niya. Well-maintained ang bahay na mahal na mahal niya. Buhay pa rin ang laundry business nila at iyon ang pinagkakaabalahan ng dalawang matanda. Hindi na kailangang magtrabaho ng dalawang matanda, kung tutuusin. Kaya na niyang sustentuhan ang pamumuhay ng mga ito. Kahit yata hindi siya magbigay ay mabubuhay pa rin nang matiwasay ang matatanda dahil sa pensiyon ng mga ito. Dahil nga matatandang dalaga ay pinaglaanan din ng mga ito ang pagtanda. Ayaw lang ng dalawa na walang pinagkakaabalahan. Parang mas magkakasakit daw kung hindi magtatrabaho. Ganoon yata talaga ang mga taong nasanay na sa hardwork most of their lives. Kaya hinahayaan na lang niyang magtrabaho ang mga

