KAAALIS lang ng Nanay Melinda at Maymay Belinda ni Raven sa kanyang silid nang pumasok sa loob si Andrew. “How are you feeling?” banayad nitong tanong bago naupo sa gilid ng kanyang hospital bed. Tinangay ng hangin ang plano niyang pagsimangot. Hindi sana niya gustong makaharap pa si Andrew para mapakitunguhan niya nang tama ang mga nararamdaman pero hindi rin niya ma-resist ang magandang ngiti na iyon. Hindi niya ma-resist ang mga mata na kung tumingin sa kanya ay parang siya na ang pinakamagandang babae sa mundo. Gumanti ng ngiti si Raven, halos wala sa loob. “I’m feeling better. The nurse just checked in on me. Ang sabi niya ay makakalabas na ako sa susunod na araw.” Kailangan pa rin niyang manatili sa bahay at magpahinga. Hindi niya akalain na gugustuhin niyang ma-confine sa ospita

