“WOW,” HINDI napigilang maiusal ni Raven nang makita ang isang pasilyo papunta sa NICU. Dahil nababagot na siya sa loob ng kanyang silid ay hiniling niya kay Aaron na ipasyal naman siya ng lalaki. Kahit na ospital, marami pa ring magagandang lugar na puwedeng puntahan doon. May mga hardin para sa mga pasyente, bantay at mga bumibisita. Para na rin sa mga doktor na sobra ang nararamdamang stress. Ayon kay Aaron ay sinusubukang gawing less stressful place ang ospital. Ayaw pumayag noong una ni Aaron na ilibot siya pero napilit din niya ang lalaki. Nakasakay siya sa wheelchair para hindi siya gaanong mapagod. Nasilip na niya si Ethan na mas gumaganda ang kalagayan. His kidneys were starting to function properly. Baka hindi na nito kailanganin ng dialysis. Ipinagmamalaki ni Aaron ang pasily

