27

2586 Words

“WHAT are you doing?” Hindi kaagad nag-angat ng paningin si Raven mula sa ginagawa sa kanyang laptop. “Working,” walang anuman niyang sagot sa tanong ni Andrew na kapapasok lang sa kanyang silid. Pangalawang araw na ng kanyang post-op care. Sinusunod niya ang lahat ng sinasabi ng kanyang doktor. Iniinom niya ang lahat ng gamot na kailangan niyang inumin. Hindi niya gaanong pinapagod ang sarili niya. Hindi siya nakikipag-argumento sa mga nurses at doktor niya. Pero kailangan pa rin niyang sumilip sa trabaho niya. She was officially on leave. Mula nang magsimula siyang magtrabaho sa UnVeil ay hindi na siya nagbakasyon kaya hindi na ipinagdamot sa kanya ang leave na iyon. Lalo at alam ng board na hindi naman talaga siya magbabakasyon. Nagulat si Raven nang may magsara ng kanyang laptop.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD